Mister, Idinahilan Na Mayroon Siyang COVID Para Sumamang Magbakasyon Sa Kabit

Viral ngayon sa social media ang kakaibang kwento ng isang mister mula sa Maharastra, India na dinahilan umano na siya ay nag-positibo sa C0VID-19 kaya hindi siya makauwi sa kanilang bahay ngunit gawa gawa lamang pala ito ng huli para iwanan na ang kaniyang misis ng tuluyan at sumama sa kaniyang kab1t.

Sa report na ibinahagi ng Yahoo News, tinawagan umano ng misis ang kaniyang mister para malaman kung nasaan ito dahil nag-aalala na din siya dito.

Dito ay sinabihan na siya ng nasabing mister na siya ay nag-positibo sa C0VID-19 at tinakot pa ang kaniyang misis na baka umano patay1n na lamang niya ang kaniyang sarili.

Matapos ng kanilang pag-uusap ay kaagad daw binaba ng kaniyang mister ang telepono at hindi na niya ito muli pang nakausap.

Dahil naman sa pag-aalala at pangamba na naramdaman ng misis, ito ay kaagad niyang ini-report sa pulisya at doon niya nalaman kung saan nanggaling ang huling tawag ng kaniyang mister. Nagkaroon din sila ng lead kung saan tumutuloy ang kaniyang mister kaya naman hindi siya nag-dalawang isip na puntahan ito.

Ayon pa sa ibang report, nakita umano ng kaniyang bayaw ang mga gamit ng naturang mister na kung saan iniwan na lamang niya ito sa isang lugar na walang katao tao.

Samantala, kaagad namang pinuntahan ng mga awtoridad at iba't ibang mga testing facilities ang mister para masuri ito. Base sa kanilang imbestigasyon, noong nalaman umano nila kung saan tumutuloy ang nasabing mister ay napag-alaman nila na binago nito ang kaniyang pagkakakilanlan kung saan ito ay sumama na pala sa kaniyang kab1t.

Makalipas ang ilang araw ay bumalik naman ang naturang mister sa kaniyang tunay na pamilya. Sa kabila ng kasalanan at mali niyang nagawa sa kaniyang misis ay tinanggap pa din siya nito ng buong buo.


Source: The Relatable

wokes Saturday, December 5, 2020
Binatilyo, Umorder Sa Shopee Ng Salamain, Nadsimaya Nang Ito'y Dumating

Labis na natawa ang mga netizens sa post ng isang lalaki kung saan makikita ang mga ibinahaging larawan o ang kaniyang mga mirror selfies, sa harap ng salaming kaniyang binili sa Shopee, isang online shopping app.

Hindi raw inaasahan ng online shopper na ganoon ang magiging itsura ng salamin sa personal, taliwas sa nakalagay na larawan sa binilhang online shop

Kwento ni Nick Craig Mendoza sa kaniyang facebook post, napaka-‘aesthetic’ daw ng bagong bili niyang wall mirror. Ito ay dahil sa tila filtered na imahe ng lalaki nang siya’y manalamin dito.

Saad pa ni Craig sa caption, “BUMILI AKO NG MIRROR SA SHOPEE ANG GANDA DIBA NAPAKA AESTHETIC TIGNAN DUMATING TAS DI AKO AWARE MAY KASAMANG FILTER YUNG SALAMIN HAHAHAHHAHAHAH  SALAMAT SHOPEE.”

Pabiro at panunudyo nang binata, tinalo na raw ng Shopee ang IG(Instagram) at Snapchat, mga apps kung saan mayroong iba’t-ibang filter na maaaring makapagpabago ng mukha ng tao sa litrato.

Maraming mga bagay ang patok sa masa ngayon.  Lalo na noong nag-quarantine kung kailan marami ang naengganyong magdesenyo ng kani-kanilang mga kuwarto o bahay. Katulad na lamang ng salamin na nabili ni Craig. 3D Wall Mirrors Hexagon Vinyl ang tawag sa produktong ito.


Ang kadalasang presyo nito ay mula sa Php 300 pababa, depende sa dami ng bibilhing piraso ng salamin. Mayroong 24 piraso o 16 piraso. Idinidikit lamang ito sa pader at maaring bumuo ng iba’t-ibang desenyo gamit ang mga ito.

Ngunit hindi lahat ng salaming ganito, ay pangit ang magiging itsura pag tinignan ang repeleksiyon dito. Ang iba’y base sa presyo ang kalidad. Ang iba nama’y hindi. Nasa mga materyales na lamang na ginamit sa paggawa nito. 

Mabilis namang kumalat sa social media ang Facebook post ng lalaki. Mayroon na itong mahigit 700+ shares at 900+ reactions


Source: The Relatable

wokes
Kilalang Volleyball Player, Nahuli Ang Nobyo Na Nag-Proposed Sa Ibang Babae

Isa lamang ang kilalang volleyball player na si Katherine Bersola sa nagbibigay paalala sa atin kung bakit kailangan nating ilantad ang taong nanloko sa atin sa kabila ng pagmamahal na ibinigay natin sa kanila.

Sa isang relasyon, wala naman sigurong dahilan para lokohin mo pa ang iyong partner na binigay na ang lahat at buong pagmamahal manatili ka lamang sa kaniyang tabi. Kailangan din natin ng katapatan sa isang relasyon at lahat naman tayo ay nararapat lang na makatanggap ng sagot kung bakit pinipili pa din ng ating mga partner na magloko sa kabila ng pagmamahal na binigay natin sa kanila.

Sa kaniyang Instagram stories at ilang mga Twitter posts, ibinunyag ni Katherine kung paano siya niloko ng kaniyang dating kasintahan na si Bright Akhuetie.

Ayon kay Katherine, ang mga bagay umano sa pagitan nilang magkasintahan ay tila naging mapait noong Agosto lamang ngayong taon nang bigla na lamang tumigil si Bright sa pakikipag-communicate o pakikipag-usap sa kaniya.

Makalipas ang ilang linggo ay nakikipag-hiwalay na umano ito gamit ang dahilan na "it's not you but it's me".

Sinimulan ng Perlas spiker ang kaniyang pahayag sa pagsasabi na nag-proposed umano ang kaniyang kasintahan, ngunit hindi sa kaniya, kundi sa ibang babae sa lugar nito.

Nagpatuloy pa si Katherine sa pagsisiwalat ng panloloko umano sa kaniya ni Bright.

Dagdag pa niya, sinubukan umano niyang isalba ang kanilang relasyon ng maraming beses na ngunit tila ayaw na talaga ni Bright hanggang sa nalaman na nga niya noong Oktubre na hindi pa pala nakikipaghiwalay si Bright sa dati nitong kasintahan.

Bukod pa diyan, nakikipag-usap din umano si Bright sa iba't ibang mga babae at sinasabi na siya ay single!

Ngunit, sa kabila ng kanilang pagkakaiba, sinabi ni Katherine na patuloy umano siyang minamanipula ni Bright at palagi siyang sinasabihan nito na tulungan siya sa kaniyang mga school works.


Nang sila ay magkita, ayaw umanong pumayag ni Bright na pag-usapan ang tungkol sa kaniyang na-diskubre dito at binabaliktad pa ang sitwasyon.

Ang lakas daw ng loob ni Bright na i-post ang engagement nito sa ibang babae ang siyang nag-udyok kay Katherine na isiwalat ang panloloko na ginawa nito sa kaniya.

Samantala, sa ngayon ay hindi pa nagsasalita si Bright tungkol sa mga akusasyon na binabato ni Katherine laban sa kaniya.


Source: The Relatable

wokes Friday, December 4, 2020
Sikat Na TV And Radio Reporter, Emosyonal Habang Ibinabahgi Ang Iniindang Sakit Ng Panganay Na Anak

Sa isang emosyonal na post, binunyag ng dating ABS-CBN anchor na si Anthony Taberna na ang kaniyang panganay na anak na si Zoey ay nakikipaglaban ngayon sa sakit na leukemia at nito lamang ay nakakaranas na ng paglalagas ng buhok dahil sa chemotherapy.

Noong Miyerkules, Disyembre 2, ibinahagi ni Anthony ang larawan ng kaniyang 12 taong gulang na anak na nagpakalbo na para sa kaniyang pagpapagamot.

Ani ng broadcaster sa kaniyang Facebook post,

"Hindi ko akalain na papayag si Zoey na ipakita sa madla ang larawan na ito. Nakangiti siya pero alam kong durog na durog ang puso niya nung nag-umpisang malagas ang kanyang buhok dahil sa chemotherapy."

Dagdag pa niya,

"Nung pumayag si Zoey na magpakalbo at nalaman kong papunta na sa ospital ang misis ko kasama si Ate Tet, umalis na muna ako.

Inamin din ng DZRH anchor na hindi niya mapigil na maluha matapos makita ang video kung saan kinakalbo ang anak.

"Akala ko ay malakas na ako. Marupok pala. May video habang kinakalbo si Zoey. At tuwing makikita ko iyon, hindi ko mapigil ang pagpatak ng aking luha."


Sa kabila ng sitwasyon na kinakaharap nila ngayon, hindi naman mapigil ni Anthony na humanga sa katatagan at lakas ng loob ng kaniyang anak. Nauna nang i-post ni Zoey ang kaniyang larawan sa kaniyang Instagram account kung saan makikita na siya ay kalbo na.

"Ang wala o maikling buhok ang isa sa dahilan ng insecurity ni Zoey. Pero nung makita kong ipinost niya, nagpaalam ako na ipo-post ko rin. Hanga ako sa tapang ng aming panganay."

Sa isa pang post, binunyag ni Anthony at Zoey na isang taon na ang nakakalipas simula nang malaman nila na mayroong leukemia si Zoey.

"Eksaktong isang taon na pala mula nung subukin ang aking pamilya ng isang karanasang hindi namin makakaya kung kami lamang. Bandang alas dos ng madaling araw, ginising ako ni Zoey na umiiyak dahil napakasakit daw ng kaniyang mga binti hanggang sa kaniyang hita.

"Nanalangin kami ng taimtim sa Ama at saka nagpasyang magtungo sa Delos Santos Medical Center. Andun kaagad ang aking Kumpadreng Doktor, si Doc Frank Detabali. Inasikaso kami pati ng kaniyang anak na Doktor din na aking inaanak na si Paola."

Pagbabahagi pa ng broadcaster na noong una daw ay akala ng mga doktor na mayroon lamang problema sa buto ni Zoey ngunit matapos ang ilang test ay na-diagnosed na nga ito sa bone marrow disease na naging resulta ng pagkaka-diagnosed ni Zoey ng karamdaman na leukemia.

"Si Doc Frank ay isang orthopedic surgeon, akala kasi namin ay isang sakit na may kinalaman sa buto ang sanhi ng mga kirot na idinadaing ni Zoey. Ngunit mas malubha pala (crying emojis).


“Si Zoey ay inilipat namin sa katabing hospital na St Lukes sa pangangalaga ni Doc Allan Robert Racho. Doon nakumpirma, ang aming panganay ay may bone marrow disease na sa bandang huli ay natukoy bilang LEUKEMIA. Parang guguho ang mundo naming mag-asawa lalo’t si Zoey na noon ay 11 taong gulang pa lamang, ay nakikita naming nahihirapan."

Sinabi din ng broadcaster na hindi sila tumigil sa kakadasal sa Panginoon para pagalingin ang karamdaman ng anak.

"Walang tigil ang aming pananalangin, kahit gusto sana naming ikubli sa aming anak ang pagluha upang ipakita sa kaniya na kami’y matapang at malakas subalit tuwing kami’y dudulog sa Diyos ay hindi maiwasan na kami’y tumangis.

"Pabalik balik ang aming anak sa ospital subalit ang hindi namin kinalimutan ay ang tagubilin ng aming Namamahala, ang Kapatid na Eduardo Manalo na ipagpatuloy ang pagpapanata at pagpapahid ng langis kay Zoey na kalooban ng Panginoong Diyos."

Pasalamat naman daw ang kanilang pamilya dahil sa patuloy na pagbuti ng kalagayan ni Zoey.

"Sa ngayon, patuloy na gumagaling si Zoey. Isang taon mula nang gisingin niya ako noong December 2 ng madaling araw, gising na gising ang aking kamalayan kung gaano kahalaga ang buhay ng tao subalit sa isang iglap ay andyan lagi ang takot na maaaring mawala ito."

Nagbigay din si Anthony ng mensahe para sa kaniyang anak. Sabi niya dito,

"Salamat sayo, Anak... Zoey... inspirasyon ka namin dahil sa yong katapangan at lakas. Wag kang mag-alala, maganda ka pa rin! Mahal na mahal ka namin ng Mommy mo at ni Helga.


Source: The Relatable

wokes
Ang Kwento Na Magbabago Sa Pagtingin Nyo Sa Pag-Ibig

Ang magmahal at mahalin pabalik ay isa na siguro sa pinakamasarap na pangyayari sa pag-ibig. Ngunit, wala na sigurong mas sasarap pa sa pakiramdam kung ang taong iyong mamahalin ay tanggap ang buo mong pagkatao, maging ang hindi perpekto sa iyong buhay, isang tao na magbibigay ng inspirasyon sayo para mas maging palaban at matatag sa lahat ng hamon ng buhay.

Syempre, isang tao din na hindi ka bibitawan at mananatili lamang sa iyong tabi, sa hirap man o ginhawa, sa kabila ng mga pagsubok na darating sa inyong buhay.

Madalas nating naririnig o nababasa ang kwento ng pag-ibig na nagpapatunay lamang na "age doesn't matter".

Ngayon, isang kakaibang kwento naman ng pag-ibig ang aming ibabahagi na patunay lamang na ang pag-ibig ay maaari din na "height doesn't matter".

Ang kwento ng pag-iibigan nina Elo at Mara ay patunay lamang na ang pagmamahal ay wagas at talaga namang kakaiba. Ito ay matapos patunayan ng dalawa na kailanman ay hindi magiging hadlang sa kanilang pagmamahalan ang agwat ng kanilang tangkad sa isa't isa.

Si Mara ay isang napakagandang babae. Siya ang babae na maituturing na lilingunin ng kahit na sinong mga lalaki dahil sa kaniyang taglay na kagandahan. Samantala, si Elo naman ay isang personalidad na tinatawag natin na tila isang "dwarfism" dahil sa maliit ito.

Gayunpaman, gaano man kalayo ang agwat ng kanilang tangkad o hitsura sa isa't isa, hindi ito naging hadlang para sa kanilang pagmamahalan.

Marami ang namangha sa pagpapakasal ng dalawa dahil madarama sa kanilang wedding vows ang tunay at wagas nilang pagmamahalan sa isa't isa.

Sab ni Elo sa kaniyang wedding vows,

“You know, I had a lot of questions for God. Why? Why me? I didn’t get the answers then, but now that you’re in front of me, I realize that you are the answers for all my questions… to all my prayers…and much, much more. “Who would have known that an imperfect Elo, would be chosen by a perfect Mara? Thank you Lord.”

Sumunod ay si Mara naman ang nagbitaw ng kaniyang wedding vows para kay Elo. Aniya,

“I will love you forever, as the day more. Nothing is more important to me than our love for each other. And I feel so blessed and grateful, that you love me despite my imperfections, always seeing the gold in me even I reflect silver. I believe I’m the helpmate God’s design especially for you.”

And I promise to be the arms that you need to reach your star and the legs that you need to take too big steps. My arms and legs are made to be extensions of yours.”

Sa ngayon ay mas naging masaya at matibay pa ang pagmamahalan nina Elo at Marami matapos dumating sa kanilang buhay ang kanilang anak na si baby Liam.


Source: The Relatable

wokes Tuesday, December 1, 2020
Marian Rivera, Isiniwalat Ang Dahilan Bakit Di Na Masusundan Pa Si Miggy

Family goals nga kung tawagin ang pamliyang Marian at Dingdong Dantes matapos biyayaan ng dalawang kasing ganda at gwapong anak na sina Zia at Ziggy.

Kaya naman marami ang nagsasabi, na magparami pa ng lahi ang mga ito, dahil sa angking ganda at gwapo ng mga naging anak nila.

Ngunit ayun pa sa mismong pahayag ni Marian ay hindi pa sila handa na sundan ang bunso nilang anak na si Ziggy.

“Naku may kontrata pa ako! Bata pa si Sixto (Ziggy). Huwag kayong mag-alala, ilang buwan na lang at pwede na uli!”, ang natatawa ngang pahayag ng Primetime Queen na si Marian Rivera, sa isang virtual mediacom para sa third anniv ng drama anthology niya na “Tadhana” ng GMA-7.

Para rin sa mag-asawa, ay hindi pa marahil ngayon ang tamang oras, para sila ay magdagdag ng isa pang anak, lalo na ngayon na hindi pa nawawala ang takot natin, dahil sa banta ng kumakalat na pandemya.


Tinanong naman si Marian tungkol sa kanyang babaeng anak na si Zia kung payag nga ba siya at si Dingdong na maging artisa si Zia.

“Tapusin muna niya ang pag-aaral niya dahil mahalaga sa amin ni Dingdong ang edukasyon kapag tapos na siya at gusto niyang mag-artista, susuportahan namin siya!”

Mahalaga kay Marian at Dingdong ang edukasyon para sa kanilang mga anak. Kung gugustuhin man ng kanilang anak na pumasok sa showbiz hndi naman ito hahandalangan ng mag asawa kung sakali iyon ang gusto ng kanilang mga anak pagdating ng tamang panahon.


Source: The Relatable

wokes
4-Year-Old, Sobrang Naapektuhan Ang Paningin At Maaaring Mabulag Dahil Sa Sobrang Hilig Sa Gadgets

Hindi maitatangging sa panahon ngayon, talamak na ang paggamit nang gadgets, mapa-bata man o matanda. Lalo pa ngayong, online na ang ginagamit na midyum sa pag-aaral ng mga bata.

Naturingan na ring libangan ang panonood sa internet. Pang-aliw sa anak kung naroong may sumpong. 

Ngunit, ang labis na paggamit ng ganitong mga aparato ay sinasabing mayroon ding masamang epekto sa kalusugan, lalo na sa mga batang hindi nalilimita sa paggamit ng mga ito.

Mayroon na ring mga pangyayaring katulad nito ang nababalita nito lamang at mga nakaraang taon. 

Nito lamang isang netizen na nagngangalang Dachar Nuysticker Chuaydang ang nagbahagi ng mga litrato ng kaniyang anak na naggaling sa surgery nito. Muntik nang mabulag ang bata kung hindi naagapan ang problema nito sa mata, resulta ng labis na pagkababad sa gadgets.

Ayon kay Chuayduang, nagsimulang gumamit ng gadgets ang kaniyang anak noong dalawang taong gulang pa lamang ito.

Pinapagamit niya ang kaniyang iPad at smartphone ng ilang oras. Subalit nagagalit ang bata kapag kinukuha na ang gamit, kung kaya nama’y hinahayaan na lamang nilang gamitin nito ang gadgets hanggang magsawa ito.

Ngunit, habang tumatagal, nagsisimulana itong magkaroon ng problema sa mata. Kung minsan daw ay napapansin nilang tila naduduling na ang bata. Doon na nagkaroon ng tinatawagna “lazy eye” ang bata.


Ito ang kondisyon kung saan ang isang mata ay mayroon nang depekto, sagayon, ang apektadong  mata na ito ay higit na umaasa sa maayos mata para sa paningin. Ito ay humahantong sa isang mata, ang apektado, nagiging “lazy eye” at lilipat lamang sa ibang direksyon ng isang mata.

Bagamat mayroon nang ganitong problema sa mata ng anak, patuloy pa ring pinapagamit ng gadgets ni Chuaydang ang anak. Subalit sa paglala nang kondisyon nito, kaniya na itong dinala sa espesyalista.

Sa edad na apat, kinailangang dumanas ng bata ng surgery, upang maayos ang paningin nito. 

Mayroong mga pag-aaral tungkol sa masamang epekto nang kalabisan sa paggamit ng mga gadgets. Isa na rito ang kawalang-kakayahan ng batang makitungo sa kapwa. Maari ring ma-delay ang pagpapaunlad sa memorya at kakayahang magplano at mag-focus ng bata, dulot nang kawalang panahong matuto pa ng ibang bagay.

Dahil din hindi aktibo sa paglalaro o paggawa ng iba pang pisikal na gawain, nagiging sobra sa timbang ang bata. Ayon sa doctor, inilabas sa isang pag-aaral na 30% ng mga madalas gumamit ng gadget ang nagiging obese o sobra sa timbang. Kalaunan, maaari itong magdulot ng stroke, high blood, o atake sa puso.

Inirerekomenda naman ng American Academy of Pediatrics na huwag ipaggamit ang gadgets sa mga batang edad dalawa pababa. Maari namang ipagamit ito sa edad 3-5 nang hanggang isang oras kada araw. Hanggang dalawang oras naman kada araw para sa mgaedad 6 hanggang 18.

Inaasahan naman ni Chuaydang na sana’y magsilbing aral ito sa ibang magulang upang hindi danasin ng iba pa ang nangyari sa kaniyang anak.  


Source: The Relatable

wokes Saturday, November 28, 2020
Seo Services