Labis na natawa ang mga netizens sa post ng isang lalaki kung saan makikita ang mga ibinahaging larawan o ang kaniyang mga mirror selfies, sa harap ng salaming kaniyang binili sa Shopee, isang online shopping app.
Hindi raw inaasahan ng online shopper na ganoon ang magiging itsura ng salamin sa personal, taliwas sa nakalagay na larawan sa binilhang online shop.
Kwento ni Nick Craig Mendoza sa kaniyang facebook post, napaka-‘aesthetic’ daw ng bagong bili niyang wall mirror. Ito ay dahil sa tila filtered na imahe ng lalaki nang siya’y manalamin dito.
Saad pa ni Craig sa caption, “BUMILI AKO NG MIRROR SA SHOPEE ANG GANDA DIBA NAPAKA AESTHETIC TIGNAN DUMATING TAS DI AKO AWARE MAY KASAMANG FILTER YUNG SALAMIN HAHAHAHHAHAHAH SALAMAT SHOPEE.”
Pabiro at panunudyo nang binata, tinalo na raw ng Shopee ang IG(Instagram) at Snapchat, mga apps kung saan mayroong iba’t-ibang filter na maaaring makapagpabago ng mukha ng tao sa litrato.
Maraming mga bagay ang patok sa masa ngayon. Lalo na noong nag-quarantine kung kailan marami ang naengganyong magdesenyo ng kani-kanilang mga kuwarto o bahay. Katulad na lamang ng salamin na nabili ni Craig. 3D Wall Mirrors Hexagon Vinyl ang tawag sa produktong ito.
Ang kadalasang presyo nito ay mula sa Php 300 pababa, depende sa dami ng bibilhing piraso ng salamin. Mayroong 24 piraso o 16 piraso. Idinidikit lamang ito sa pader at maaring bumuo ng iba’t-ibang desenyo gamit ang mga ito.
Ngunit hindi lahat ng salaming ganito, ay pangit ang magiging itsura pag tinignan ang repeleksiyon dito. Ang iba’y base sa presyo ang kalidad. Ang iba nama’y hindi. Nasa mga materyales na lamang na ginamit sa paggawa nito.
Mabilis namang kumalat sa social media ang Facebook post ng lalaki. Mayroon na itong mahigit 700+ shares at 900+ reactions
Source: The Relatable
No comments