Source: News Keener
Source: News Keener
Madalas ng napipilipit ang ibig sabihin ng salitang kagandahan batay sa pamantayan ng ibat ibang tao. At ang pagkakaroon ng kakaibang itsura o kondisyon, na hindi pasok sa panlasa ng karamihan, ay itinuturing pa ngang 'pangit'.
Gayunpaman, sa kabilang banda, ang pagkakaroon ng kakaiba o unique na itsura ng isang tao ay posible pa lang maging kaniyang naiibang ganda na hindi makikita basta basta. Iyan ang makikita natin sa isang dalagitang albino.
Nakatawag pansin sa photographer na si Amina Arsakova ang larawan ng isang dalagita na may kakaibang kondisyon. Gayunpaman, sa kabila nito, nakita ni Arsakova ang natatanging ganda ng kabataang nasa larawan kaya naman sinikap niya itong makita ng personal.
Sa kaniyang pagtityaga, nakuha naman ni Arsakova ng phone number ng nanay ng dalagita. Ang nasa larawan pala ay ang 11- anyos na si Amina Ependieva.
Sa kanilang pag-uusap, nalaman na dalawang genetic condition ang dahilan ng pagiging kakaiba ni Ependieva, albinism at heterochromatin.
Ang albinism ay ang kakulangan sa produksyon ng melanin anupat halos ga-nyebe na ang kulay ng balat ni Ependieva. Ang heterochromatin naman ang dahilan ng pagkakaiba ng kulay ng kaniyang iris, isang kulay asul at isang kulay brown.
Sa kabila ng ganitong kondisyon, hindi pa rin maitatago ang ganda ng dalagitang si Ependieva at natuloy din naman ang photoshoot na pinlano ni Amina Arsakova.
Naging matagumpay ang kanilang photoshoot at ang mga kuhang larawan ni Ependieva ay talagang kapansin-pansin at napakaganda. Sa walong kuha ni Ependieva, marami ang napahanga sa kaniyang pagiging kakaiba.
Sa mga mata naman ni Ependieva ay halos mapapatingin ka dahil sa bawat pagtingin mo dito ay parang may koneksyon na humihila na tila nagsasabi na titigan mo lang ito.
Ang mga larawan na ito ni Ependieva ay patotoo na ang pagiging kakaiba ay hindi nangangahulugan ng pagiging 'pangit' o di-kaayaya. Sa halip, ang kagandahan ay makikita rin sa pagiging unique at stand-out kumpara sa normal na kagandahan.
Sigurado marami sa atin ang nagtataka at nagtatanong kung totoo nga ba ang mga balita na kumakalat na si Sarah Geronimo ay lilipat na sa GMA Network. Ito ay matapos mag-post ng Popstar Royalty sa kaniyang social media account ng kaniyang larawan na may kalakip na logo ng Viva at GMA-7.
Ani Sarah sa caption ng kaniyang post,
"Just a business decision nothing personal. Big announcement soon!"
Ngunit ayon sa kaniyang mga fans, wala pa namang inaanunsyo si Sarah sa ngayon kaya ang tangi lamang natin magagawa ay maghintay at tignan kung ano nga ba ang magiging desisyon ng singer sa kaniyang bagong karera.
Ang VAA ang siyang humahawak ng career ni Sarah magmula nang ito ay sumali sa industriya ng showbiz. Alam naman natin na sa mundo ng show business, maraming mga mata at tenga ang magoobserba sayo, maging sa bawat galaw o desisyon na iyon gagawin.
Katulad na lamang ni Sarah Geronimo ay isa sa mga Kapamilya star na naiulat na lilipat ng ibang TV network dahil sa pagsasara ng Kapamilya network.
Gayunpaman, marami na ding mga Kapamilya stars ang nagpasyang lumipat ng ibang TV stations. Si Ria Atayde ay isa lamang sa mga ito kung saan ang actress ay lumipat sa TV5 Network. Siya ang magiging bagong host ng upcoming morning show ng Kapatid network na "Rise and Shine".
Samantala, si Jessy Mendiola naman ay magiging host ng healthy show sa TV5 na "Fit for Life". Si Pokwang naman ang magiging bagong co-host ni Jose Manalo para sa bagong game show sa naturang network.
Sa kabilang banda, si Vice Ganda naman ang kauna-unahang contract artist ng Viva Entertainment na magkakaroon ng sarili niyang exclusive entertainment website. Ito ay ang viceganda.com.
Marami pa din namang mga Kapamilya artists ang nagpasyang manatili sa ABS-CBN para ipakita ang kanilang katapatan at magbigay respeto na din para sa kontrata na kanilang pinirmahan.
Mula sa mahigit na 28,000 na Pilipino na nais maging astronauts, hanggang bumaba ng 400, pagkatapos ay 50, at sa wakas ay nagkaroon ng top 3, isang lalaki ang matagumpay na naging astronaut.
Siya ay si Chino Roque, 22 taong gulang, ang kauna-unahang Pinoy na nakapunta sa kalawakan.
Sa interview ni Chino sa Rappler sa pamamagitan ng Skype, ilang oras matapos ianunsyo ang kaniyang pagkapanalo, sinabi nito,
"Right now I’m very happy that a lot of people have been showing me their love and support. I feel so blessed and grateful to all of them."
Si Chino ay nakapagtapos ng kursong psychology sa De La Salle Manila. Isa lamang siya sa 22 na tao na nakapunta sa kalawakan noong 2014. Ngunit, aniya, ang kaniyang journey upang makamit ang tagumpay ng pagiging astronaut ay hindi naging madali.
Noong una, hindi nakakapunta si Chino sa space camp. Sa pinakahuling araw ng laban noong Agosto, dalawang tao na lamang ang natitira sa kanila. Samantala, si Evan Rey Datuin mula sa Dasmarinas, Cavite at Mario Mendoza Jr. mula sa Taytay Rizal.
Nakuha naman ni Chino ang pang-limang pwesto samantala si Ramil Santos ay ang ikatlong nagwagi na kalaunan ay nasali ang dalawa sa pamamagitan ng wildcard challenge.
Ngunit, nang si Mario Mendoza, isang Air Force lieutenant, ay nagboluntaryo na umatras mula sa kumpetisyon upang maglingkod sa kanyang mga tungkulin sa militar bilang isang pilot-in-training sa Philippine Air Force, ang kanyang puwang ay naiwan na bukas. Makalipas ang ilang serye ng mga panayam, natagpuan na lamang ni Chino ang kaniyang sarili na muling makabalik sa laro.
Nang siya ay hirangin bilang Filipino astronaut na makakapunta sa space taong 2014, inamin niya na siya ay nalungkot para sa kaibigang sina Ramil at Evan dahil alam niya kung ano ang hirap na pinagdaanang ng mga ito.
“I’m also sad for my friends Evan (Rey Datuin) and Ramil (Santos) because I feel what they’re going through right now. I know that in any competition, there will be a bit of bad feelings for those who lost. I respect them and the efforts they did to get here a lot.”
Ngunit, labis din ang kasiyahan at pagpapasalamat ni Chino dahil siya ang napili sa mahigit na 38,000 candidates nang Axe Apollo Space Academy noong 2013 na maaaring makapunta sa space sa pamamagitan ng XCOR Lynx.
Bukod sa pagiging nag-iisang Pinoy na nakasaa sa astroaut selection, si Chino din ay tinuturing bilang kauna-unahang Filipino astronaut.
Sa sipag, tiyaga, at determinasyon ni Chino, nagawa niyang makamit ang pangarap na maging astronaut at makapag-uwi ng karangalan sa bansa.
Congratulations, Cade Chino Roque!