Dalagitang Albino, Nagtrending Ang Kagandahan Matapos Ang Photoshoot Na Ito


Madalas ng napipilipit ang ibig sabihin ng salitang kagandahan batay sa pamantayan ng ibat ibang tao. At ang pagkakaroon ng kakaibang itsura o kondisyon, na hindi pasok sa panlasa ng karamihan, ay itinuturing pa ngang 'pangit'.

Gayunpaman, sa kabilang banda, ang pagkakaroon ng kakaiba o unique na itsura ng isang tao ay posible pa lang maging kaniyang naiibang ganda na hindi makikita basta basta. Iyan ang makikita natin sa isang dalagitang albino.

Nakatawag pansin sa  photographer na si Amina Arsakova ang larawan ng isang dalagita na may kakaibang kondisyon. Gayunpaman, sa kabila nito, nakita ni Arsakova ang natatanging ganda ng kabataang nasa larawan kaya naman sinikap niya itong makita ng personal.



Sa kaniyang pagtityaga, nakuha naman ni Arsakova ng phone number ng nanay ng dalagita. Ang nasa larawan pala ay ang 11- anyos na si Amina Ependieva.

Sa kanilang pag-uusap, nalaman na dalawang genetic condition ang dahilan ng pagiging kakaiba ni Ependieva, albinism at heterochromatin.



Ang albinism ay ang kakulangan sa produksyon ng melanin anupat halos ga-nyebe na ang kulay ng balat ni Ependieva. Ang heterochromatin naman ang dahilan ng pagkakaiba ng kulay ng kaniyang iris, isang kulay asul at isang kulay brown.

Sa kabila ng ganitong kondisyon, hindi pa rin maitatago ang ganda ng dalagitang si Ependieva at natuloy din naman ang photoshoot na pinlano ni Amina Arsakova.


Naging matagumpay ang kanilang photoshoot at ang mga kuhang larawan ni Ependieva ay talagang kapansin-pansin at napakaganda. Sa walong kuha ni Ependieva, marami ang napahanga sa kaniyang pagiging kakaiba.


Sa mga mata naman ni Ependieva ay halos mapapatingin ka dahil sa bawat pagtingin mo dito ay parang may koneksyon na humihila na tila nagsasabi na titigan mo lang ito.

Ang mga larawan na ito ni Ependieva ay patotoo na ang pagiging kakaiba ay hindi nangangahulugan ng pagiging 'pangit' o di-kaayaya. Sa halip, ang kagandahan ay makikita rin sa pagiging unique at stand-out kumpara sa normal na kagandahan.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services