Open letter ni Ebe Dancel sa mga Medical workers at fronliners, viral sa social media

Viral ngayon sa social media ang open letter ni Ebe Dancel, vocalist ng bandang Sugarfree para sa mga Medical Workers at frontliners.
Ebe Dancel / Photo credit: Esquire Philippines

Sa kanyang Facebook page, nakisimpatya si Dancel sa hirap at pagtitiis ng mga frontliners na patuloy ang pakikipaglaban sa kumakalat na CoVid-19.

Aniya, ang magsuot nga lang ng mask ay nakakapagod na, papaano pa ang mga medical workers na buong araw ay nakasuot ng PPE.



Yung iba ay hindi makauwi sa kanilang mga tahanan dahil baka mahaawan nila ang kanilang mga pamilya. 

Sabi ni Dancel, nangangamba rin siya para sa kanyang mga kaibigang doktor. Dalangin niya ay sana maging ligtas ang mga ito at huwag tamaan ng sakit.

Tanong ni Dancel, papaano na lamang ang mga ordinaryong mamamayan kung wala ang mga frontliners. Habang sinusulat raw niya ang open letter na ito ay pinipigilan niya ang mapaluha dahil alam niyang pagod na pagod na ang mga ito.

Pagkatapos ng pandemyang ito, kapag pumunta ka sa show ko, magpakilala ka lang at yayakapin kita at tutugtugin ko ang mga paborito mong kanta ko,” sabi nito.

Narito ang kanyang buong post: 

"An open letter

Dear Medical Workers and Frontliners,



Pasensya na po kayo. Magsuot lang ako ng mask, napapagod na ako minsan. Ikaw pa kayang naka PPE buong araw. Minsan di na kayo makakain at makapagbanyo.

Yung iba, hindi na makauwi kasi baka may mga bata at matatanda sa bahay nyo. Makauwi man kayo, di nyo siguro mayakap ang mga mahal nyo sa buhay. Mahirap na. Mahirap na...

May mga mahal ako sa buhay na mga doktor. Araw araw, nangangamba ako para sa kanila. Sana hindi sila magkasakit. Sana makapagpahinga sila sa gitna ng dami ng pasyenteng kailangang alaagan.

Ikaw din, sana naman makahanap ka ng araw na pwede ka lang mag netflix at instagram at kumain nang napakalupit na paborito mong ulam.

Kung hindi dahil sa iyo at mga katulad mo, pano na kaya kaming mga ordinaryong mga mamamayan? Ang totoo, pinipigilan ko ang luha ko ngayon habang ginagawa ko ang liham na ito para sa yo. Alam kong pagod na pagod ka na, marami ka pang maririnig tapos makakalimutan pang pasalamatan. Baka minsan nararamdaman mong parang wala ka nang maibibigay. Bilib na bilib ako sa yo at sa mga sakripisyo mo para sa bayan. Biyaya ka sa akin at sa buong Pilipinas.

Alam kong kulang ka na sa tulog. Baka nga di mo pa mabasa ito eh. Ok lang sa akin. At ok din lang na mapagod, pero pakiusap, wag mo kaming susukuan.

Kasi hindi rin kita susukuan. Hihintayin kita.

Pagkatapos ng pandemyang ito, kapag pumunta ka sa show ko, magpakilala ka lang at yayakapin kita at tutugtugin ko ang mga paborito mong kanta ko.

Mag ingat ka sana palagi at wag mong papabayaan ang iyong sarili.

Habangbuhay na nagpapasalamat,

Ebe Dancel"

***

Source: News Keener

No comments

Seo Services