Kilalanin Ang Kauna-Unahang Pinoy Astronaut Na Makakapunta Sa Outer Space


Mula sa mahigit na 28,000 na Pilipino na nais maging astronauts, hanggang bumaba ng 400, pagkatapos ay 50, at sa wakas ay nagkaroon ng top 3, isang lalaki ang matagumpay na naging astronaut.


Siya ay si Chino Roque, 22 taong gulang, ang kauna-unahang Pinoy na nakapunta sa kalawakan.


Sa interview ni Chino sa Rappler sa pamamagitan ng Skype, ilang oras matapos ianunsyo ang kaniyang pagkapanalo, sinabi nito,



"Right now I’m very happy that a lot of people have been showing me their love and support. I feel so blessed and grateful to all of them."


Si Chino ay nakapagtapos ng kursong psychology sa De La Salle Manila. Isa lamang siya sa 22 na tao na nakapunta sa kalawakan noong 2014. Ngunit, aniya, ang kaniyang journey upang makamit ang tagumpay ng pagiging astronaut ay hindi naging madali.



Noong una, hindi nakakapunta si Chino sa space camp. Sa pinakahuling araw ng laban noong Agosto, dalawang tao na lamang ang natitira sa kanila. Samantala, si Evan Rey Datuin mula sa Dasmarinas, Cavite at Mario Mendoza Jr. mula sa Taytay Rizal.


Nakuha naman ni Chino ang pang-limang pwesto samantala si Ramil Santos ay ang ikatlong nagwagi na kalaunan ay nasali ang dalawa sa pamamagitan ng wildcard challenge.


Ngunit, nang si Mario Mendoza, isang Air Force lieutenant, ay nagboluntaryo na umatras mula sa kumpetisyon upang maglingkod sa kanyang mga tungkulin sa militar bilang isang pilot-in-training sa Philippine Air Force, ang kanyang puwang ay naiwan na bukas. Makalipas ang ilang serye ng mga panayam, natagpuan na lamang ni Chino ang kaniyang sarili na muling makabalik sa laro.




Nang siya ay hirangin bilang Filipino astronaut na makakapunta sa space taong 2014, inamin niya na siya ay nalungkot para sa kaibigang sina Ramil at Evan dahil alam niya kung ano ang hirap na pinagdaanang ng mga ito.


“I’m also sad for my friends Evan (Rey Datuin) and Ramil (Santos) because I feel what they’re going through right now. I know that in any competition, there will be a bit of bad feelings for those who lost. I respect them and the efforts they did to get here a lot.”



Ngunit, labis din ang kasiyahan at pagpapasalamat ni Chino dahil siya ang napili sa mahigit na 38,000 candidates nang Axe Apollo Space Academy noong 2013 na maaaring makapunta sa space sa pamamagitan ng XCOR Lynx.


Bukod sa pagiging nag-iisang Pinoy na nakasaa sa astroaut selection, si Chino din ay tinuturing bilang kauna-unahang Filipino astronaut.



Sa sipag, tiyaga, at determinasyon ni Chino, nagawa niyang makamit ang pangarap na maging astronaut at makapag-uwi ng karangalan sa bansa.


Congratulations, Cade Chino Roque!



Source: The Relatable

No comments

Seo Services