Isang Nurse, Trending Matapos Mag-Underwear Lamang Sa Loob Ng See-Through Protective Gown


Ang buhay nga naman ay maraming sorpresa. Ang bagay na sa tingin mo ay ordinaryo lamang noon ay maaari palang makapagbigay ng malaking pagbabago sa ating buhay ngayon.


Iyan mismo ang nangyari sa isang Russian nurse na nais lamang makaramdam ng kaunting aliw habang ginagawa ang kaniyang trabaho sa ospital. Ngunit hindi niya inakala na sa kaniyang ginawa ay magiging viral siya sa social media at isa na siya ngayong TV weather forecaster.


Naging viral noon ang larawan ng nurse na si Nadia Zhukova dahil sa underwear na suot nito sa loob ng kaniyang see-through protective gown habang siya ay nagtatrabaho sa ospital.




Matapos maging viral ang kaniyang larawan, siya ay inalok na maging weather presenter sa isa isang local TV station sa Tula, south of Moscow.


Ngunit, bago pa man niya ito matanggap, siya ay inalok na din na maging model para sa isang Russian sportswear brand ngunit tinanggihan lamang ito ni Nadia dahil nais niyang mag-focus sa kaniyang medical career. 


Ngayon ay handa na si Nadia na kuhanin ang trabaho bilang TV weather forecaster dahil ito lamang ang maaari niyang maging part-time job dahil siya ay nagtatrabaho pa din sa ospital. 




Saad ni Nadia, siya ay handa na para sa bagong kaganapan sa kaniyang buhay.


Noong nakatanggap si Nadia ng mga negatibong komento mula sa mga netizens dahil sa kaniyang suot sa loob ng see-through protective gown, hindi siya iniwan ng kaniyang mga katrabaho at binigyan siya ng mga ito ng lakas ng loob.



Sila ang siyang nagtulak kay Nadia na magpatuloy sa kaniyang buhay. Dahil sa kanila, hindi nawalan ng pag-asa si Nadia at ngayon nga ay handa na itong harapin ang bagong yugto ng kaniyang buhay. Hindi na din makapaghintay si Nadia para dito.


Sinabi naman ni Nadia na ang kaniyang pamilya, lalo na ang kaniyang mga magulang ay nangako na manonood ng balita gabi gabi upang siya ay mapanood sa TV.


Sa kabila ng mga hamon at pasakit na dumaan kay Nadia, nanatili siyang determinado sa buhay at abutin ang kaniyang pangarap sa buhay - at iyon ay maging isang doctor.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services