Ang malungkot na kwento ng buhay ni Noel “Ungga” Ayala

Si Noel Ayala o mas kilala sa kanyang screen name na Ungga Ayala ay ipinanganak taong 1971. Siya ay may taas na two feet and six inches (2’6).
Ungga Ayala / Photo credit to the owner

Nagmula ang screen name ni Noel na “Ungga” sa salitang unggoy. Una siyang nakita sa pelikulang “Starzan III: The Jungle Triangle” kasama ang beteranong komedyante na sina Joey de Leon at Rene Requiestas noong 1990.

Sa isang interview ng ABS-CBN, ikinuwento ni Ungga ang lahat ng hirap na kanyang pinagdaanan bago siya makapasok sa mundo ng showbiz.

Ginamit ni Ungga ang pagiging maliit upang magtrabaho at magtanghal sa iba't ibang mga karnabal tuwing panahon ng fiesta.

Naging doorman din siya sa sikat na hangout sa Malate, na tinawag na Hobbit House, kung saan ang karamihan sa mga tauhan ay mga maliit na tao.
The Hobbit House / Photo credit to the owner

The Hobbit House / Photo credit to the owner

Dahil sa kasipagan ni Ungga, sinubukan niyang pasukin ang mundo ng showbiz kung saan ay nakakapasok siya bilang extra sa ilang pelikula.

Sa kanyang pa extra-extra, hindi nagtagal ay nadiskubre ang galing ni Ungga sa pagpapatawa kaya naman lumabas siya sa mga comedy films ni Joey de Leon kasama ang sidekick nitong si 
Rene Requiestas.
Photo credit to the owner

Bukod sa pelikulang Starzan III, lumabas din si Ungga sa “Long Ranger & Tonton: Shooting Stars of the West (1989), SuperMouse and the Roborats (1989), at Romeo Loves Juliet... But Their Families Hate Each Other! (1989)” at marami pang iba.
Photo credit to the owner

Photo credit to the owner

Photo credit to the owner

Pero sa kabila ng magandang takbo ng career ni Ungga, tumagal lamang ito ng limang taon. Ang kanyang huling proyekto ay ang Milyonaryong Mini (1996), na pinagbidahan ni Anjo Yllana.

Pagkatapos nito, unti-unti ng hindi narinig ang pangalan ni Ungga sa showbiz.

Hindi rin naging maswerte si Ungga sa pag-ibig. Ipinagtapat niya na ang kabiguan sa kanyang pangalawang pag-aasawa ang nagdulot upang malugmok siya sa pagsusugal, alkoholismo, at pambababae. 

Aniya, iyon ay isang yugto lamang ng mga pinagdaanan niya sa kanyang buhay.
Noel Ungga Ayala /  Photo credit to the owner
Noel Ungga Ayala /  Photo credit to the owner

Sa kanyang huling panayam sa TV, sinabi ni Ungga na siya ay naninirahan sa Mt. Bethel, La Union, kung saan siya ay nagsisilbi bilang isang pastor sa All Christian Foundation.

Pagkalipas ng sampung taong pagkawala sa showbiz, namaalam si Ungga sa edad na 35 noong August 29, 2006 dahil sa heart failure.

Nangyari ito siyam na araw bago ang kanyang ika-36 na kaarawan.

Labis na nagdalamhati ang mga kaibigan at pamilya ni Ungga dahil sa kanyang pagkawala. 

Maaga mang natapos ang karera at buhay ni Ungga, nananatili siya sa isip at puso ng kanyang mga tagahanga at mga taong nagmamahal sa kanya.


***

Source: News Keener

No comments

Seo Services