The Maggie dela Riva story; Apat na maimpluwensyang tao tinapos ang buhay

Ano nga ba ang nangyari kay Maggie dela Riva?

Si Maria Magdalena Torrente de la Riva o mas kilala bilang Maggie dela Riva ay anak nina Pilar Torrente, isang Spanish mestiza, at Juan de la Riva, isang German-Swiss.
Maggie dela Riva / Photo credit to the owner

Siya ay ipinanganak noong September 3, 1942. Nakapagtapos siya ng elementarya at highschool noong 1958 sa Miriam College na noon ay kilala bilang Maryknoll College.

1960 nakapagtapos ng secretarial course si Maggie sa St. Theresa College.

Taong 1963 ay nakasama siya sa top 5 finalist ng beauty pageant na “Miss Caltex of 1963”. Noong taon ding iyon ay nirepresenta niya ang Filipino gowns para sa ‘Fashion Guild of the Philippines’’ mula sa designer na ‘Millie’s Gowns’.
Maggie dela Riva / Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Si Maggie ay hindi lang isang beauty queen, naging sikat na aktres din ito noong dekada 60s’ at gumanap sa halos 40 na pelikula.

Una siyang lumabas noong 1963 kasama si Joseph Estrada sa pelikulang ‘Istambay’ kung saan siya sumikat at nakilala ng taong bayan. Noong 1967 bumida siya sa pelikulang ‘Ang Langit Ay Para sa Lahat’, kung saan ikinukunsidira niyang pinaka magaling niyang obra.
Maggie dela Riva and Bernard Bonnin /  Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Si Maggie ay isa ring singer sa mga pinakabigating night clubs noon sa Maynila. Mayroon siyang TV show na pinamagatang “Maggie” sa channel 3 at patuloy na nagiging guest sa “Tanghalan sa Darigold” at “Tindahan sa Nayon” sa channel 11.

Si Maggie ay naging breadwinner ng kanilang pamilya nang sumakabilang buhay ang kanyang ama noong 1964 sa edad na 58.

Naging maganda ang career ni Maggie at nakatulong siya sa kanyang pamilya. Kumikita siya ng P8,000 kada pelikula, P800 kada buwan sa radyo at telebisyon, P300 kada buwan sa mga promotional na palabas at P100-200 kada guesting.
Maggie dela Riva / Photo credit to the owner
Maggie dela Riva / Photo credit to the owner

Noong 1960s ay malaking halaga na ito.

Ngunit hindi lang ang pagiging magaling na aktres ni Maggie ang dahilan kung bakit naging maingay ang kanyang pangalan, ito ay dahil sa malagim niyang sinapit sa kamay ng apat na maimpluwensyang lalaki noong 1967.

Sila ay sina Jaime Jose, Basilio Pineda Jr., Edgardo Aquino at Rogelio Canal.

Kilalanin ang apat na salarin.

Jaime Jose - siya ay anak ng isang prominenteng doktor mula sa Guagua, Pampanga. Nag-aral ng engineering. Kabilang raw ito sa mga gang na nananamantala ng mga artista at mga starlet.

Basilio Pineda Jr. - Alyas Boy. Anak ng dating Pasay police Chief at may dalawang anak.

Edgardo Aquino - Second year journalist student at anak ng isang abogado mula sa Batangas.

Rogelio Canal - Isang architecture student at anak ng isang retired school principal.
Photo credit to the owner

Ayon sa salaysay ni Jaime sa mga pulis, pumunta raw sa kanilang bahay sina Basilio, Edgardo at Rogelio upang hiramin ang kanyang kotse noong Hunyo 25, 1976, alas onse ng umaga.

Ngunit dahil ayaw itong ipahiram ni Jaime, naisipan na lamang niyang sumama.

Nag-inuman silang apat hanggang alas tres ng madaling araw (Hunyo 26) sa Ulog Cocktail Lounge Mabini St., Ermita. Inamin raw ni Basilio sa mga kasama na in love siya sa aktres na si Maggie.

Alam din nitong may video taping ang aktres sa ABS-CBN studio.

Bandang 4:30am, pumunta ang grupo nila sa studio sa Roxas Boulevard, Pasay City kung saan kinausap raw nina Basilio at Rogelio si Maggie. 

Ngunit dahil hindi naman sila kilala ni Maggie, hindi niya ito pinansin at sumakay na lamang ng sasakyan upang umuwi kasama ang kanyang personal assistant na si Elena Calderon.

Malapit na raw sa kanilang bahay sina Maggie nang muntik silang banggain ng sasakyang minamaneho ng apat na salarin.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Mabuti na lamang at nakapagpreno ang aktres. Sa kanyang inis ay sumigaw raw ito ng “Ano ba’?!

Biglang lumabas ng sasakyan si Basilio at binuksan ang pintuan ng sasakyan ni Maggie. Hinatak siya nito palabas habang hinihila naman ni Elena ang isang kamay ng kanyang amo upang mapigilan ito.

Ngunit nabigo si Elena dahil tinulungan si Basilio ng tatlong kasama at tuluyang naisakay sa kanilang sasakyan si Maggie.

Pinagitnaan si Maggie ng dalawang lalaki sa likuran ng sasakyan habang hawak-hawak ang kanyang mga kamay.

Dinala ng mga kalalakihan si Maggie sa isang kwarto habang naka-blindfold sa Swanky Hotel sa Pasay City kung saan nila ginawa ang karumal dumal na panghaha1ay sa aktres.

“Magburlesque ka para sa amin,” sabi ng isa sa apat na salarin. 

Hinubaran nila ang aktres pagkatapos ay lumabas silang apat sa loob ng kwarto. Maya-maya ay muling pumasok si Jaime at hina1ay si Maggie. 

Pagkatapos ni Jaime ay sumunod si Edgardo, Basilio at Rogelio.

Nang mawalan ng malay si Maggie ay sinabuyan siya ng tubig sa mukha at pinagsasampal upang magising. At sa tuwing papalag ay minumura rin siya ng mga ito at tinatakot na sasabuyan ng acido ang kanyang mukha.

Matapos ang krim3n, iniwan nila si Maggie sa Free Press Building na hindi kalayuan sa Edsa at malapit sa channel 5 upang pagmukhaing galing sa studio ang aktres.

Ipinara pa nila ito ng taxi upang makauwi sa kanyang bahay. Pagkasakay ay bigla ng umiyak si Maggie at panay ang tanong sa driver kung mayroon bang nakasunod na sasakyan.

Bandang 6:30am na ng makauwi ang biktima kung saan nagkalat ang mga pulis at reporter sa kanilang paligid.

“Mommy, mommy, I have been rap3d. All four of them rap3d me,” sabi ng kawawang aktres.

Ika-29 ng Hunyo, 1967, pumunta sa Quezon City Headquarters si Maggie kasama ang kanyang pamilya at abogada na si Regina Benitez upang magsampa ng kaso.

Samantala, bandang 2pm sa Buendia, inaresto si Jaime habang naglalakad at binabasa ang dyaryo kung saan headline ang panghaha1ay kay Maggie.

Naaresto siya nina dectective Pablo Pascual at Ricardo Aniceto na nagpapanggap na mga sorbitero.

Sinubukan pa raw tumakas ni Jaime ngunit napigilan siya ng isa pang detective na si Reynaldo Roldan na armado ng baril.

Agad na bumalik si Maggie sa headquarters nang mabalitaang naaresto si Jaime.

Napatayo raw si Jaime nang makita si Maggie at sinabing “Maggie, Maggie please. Hindi ako kasama. Magsabi ka ng totoo.”

Tinitigan lamang siya ni Maggie at napaupo habang umiiyak. Makalipas ang ilang minuto ay sinubukan ng aktres na kalmutin ang mukha ni Jaime.

You! you, you were one of the boys who pulled my legs and rap3d me!” sigaw ni Maggie.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Namutla at napaiyak na lamang si Jaime at humarap sa pader.

Samantala, nabalitaan nina Basilio, Edgardo at Rogelio ang pagkakadakip kay Jaime. 

Natakot ang mga ito at naisipang pansamantalang magtago sa San Miguel, Bulacan.

Mula naman sa Bulacan ay pumunta sila ng Lipa, Batangas at nag check-in sa Samson Ponti Resthouse gamit ang mga pekeng pangalan.

Habang kumakain naman sila sa isang restaurant ay nakilala sila ng isang waitres na nakabasa ng balita tungkol sa ginawa nilang krim3n at agad itong nagsumbong sa mga pulis.

Kinabukasan ay lumipat ng pinagtataguan ang tatlong salarin. Tumuloy sila sa isang bahay na pag mamay-ari ng isang opisyal ng Maynila. 
Photo credit to the owner

Ngunit natunton pa rin sila ng mga pulis at pinaligiran ang kanilang tinutuluyan.

Naaresto ng mga pulis sina Basilio at Rogelio ngunit nakatakas naman si Edgardo.

Ngunit hindi nagtagal ay sumuko rin ito sa asawa ng gobernador ng Batangas na si Aurelia Leviste.
Photo credit to the owner

Dinala ang apat na salarin sa Muntinlupa habang prinoproseso ang mga kaso nila.

Habang nasa kulungan, natagpuang wala ng buhay si Rogelio dahil sa overd0s3 sa dr*gs noong December 28, 1970.

Samantala, tuluyang nahatulan ng kamat*yan sa silya elektrika ang tatlong salarin na sina Jaime, Basilio at Edgardo noong February 6, 1971.

Bandang alas tres ng hapon ay unang sumabak sa upuan si Jaime na namumutla at tulala habang naglalakad sa gitna ng dalawang pari.

Pagkaupo sa silya ay tinakpan ang mukha ni Jaime at sinimulan ang initial shock. Ngunit pagkacheck ng doktor ay buhay pa si Jaime.

“Sir, the condemned man is still alive.”

Nagkaroon ng bulung-bulungan dahil ayon sa iba, kapag hindi namatay sa initial shock ay pakakawalan ang salarin.

Ngunit ang hatol ay silya elektrika hanggang mamat*y kaya sinabi ng director sa kulungan na bigyan ito ng isa pang shock.

Nasa loob naman ng silid ang ama ni Jaime na si doctor Jose na nangakong sasamahan ang anak hanggang sa huling sandali. Lumabas lamang ito ng bandang 3:20pm matapos ideklara ang pagkamat*y ng kanyang anak.

Samantala, ang ina naman ni Jaime ay nagpunta ng Malacañang upang makausap si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. Pinayuhan raw siya ng isang opisyal sa presinto na magpunta ng Malacañang.

Limang oras umano itong naghintay ngunit hindi niya nakausap si Marcos. Wala raw kasi itong appointment at busy ang pangulo.

Napahagulgol na lamang ang ina ni Jaime. 

Ayon sa ilang report, hindi raw nakaabot sa pangulo na naghihintay sa kanya ang ina ni Jaime. 

May mga balita pa noon na sinasabing sinadya umano ng pangulo na huwag kausapin ang ina ni Jaime dahil kailangang ipatupad ang batas. 

Si Basilio naman ay sinubukan pang manlaban kaya nagkaroon ng kaunting gulo bago ito mai-upo sa silya bandang 3:40pm. Idineklara siayng pat*y bandang 3:55pm.

Samantala, makikita raw kay Edgardo ang labis na pagsisisi sa ginawa at narinig pa ng pari ang mga huling salita nito na, “Avoid bad companions and obey your parents.”
Photo credit to the owner

Si Justice Lourdes Paredes San Diego ang naging judge sa kasong isinampa ni Maggie at nagbigay ng hatol na d3ath pena1ty sa mga nagkasala.
Justice Lourdes Paredes San Diego / Photo credit to the owner

Makalipas naman ang ilang dekada, tinanong si Maggie patungkol sa kanyang karanasan.

Aniya, “When that misfortune happened to me, I realized that although my body was rap3d, my true self was never defiled and that there is another person in me that is beautiful, strong and true. The old Maggie has faded away. I look at my experience as something that happened to someone else who is no longer the person I am today.”

Samantala, ang kwento ni Maggie ay naisa-pelikula noong 1994 at ang gumanap bilang Maggie ay si Dawn Zulueta. 


***

Source: News Keener

No comments

Seo Services