Si Ricardo Castro o mas kilala sa kanyang screenname na Carding Castro ay isa sa pinakamahuhusay na komedyante na nagbigay saya noong dekada 90s.
Carding Castro and Rey Ramirez / Photo credit to the owner
Unang nakilala si Carding bilang isang entertainer. Taong 1953 ay nag team-up sila ng magaling na singer na si Rey Ramirez sa isang singing contest kung saan nag-champion sila.
Nang mas lumalim pa ang kanilang samahan ay naisipan nilang buuin ang kanilang singing duo na tinawag nilang Reycards Duet.
Nagmula ito sa kanilang pinagsama at pinaikling pangalan.
Carding Castro and Rey Ramirez / Photo credit to the owner
Carding Castro and Rey Ramirez / Photo credit to the owner
Talagang nakilala ang Reycards duet dahil sa kanilang galing sa pag-awit at kakaibang istilo ng pagpapatawa.
Kung si Rey ang nagbibigay ng romantikong tinig sa kanilang duo, si Carding naman ang nagbibigay ng katatawanan at kulay para lalong gumanda ang kanilang performance.
Dahil sa mabulaklak na bibig at nakakatawang jokes ni Carding, ito ang nagbigay ng asset at magandang chemistry upang mas lalo silang tangkilikin at mahalin ng mga tao.
Reycards Duet / Photo credit to the owner
Reycards Duet / Photo credit to the owner
Minsan ay naiimbitahan rin sila sa mga fiesta sa barangay.
Dahil din sa kanilang kasikatan, nagkaroon sila ng kauna-unahang proyektong pelikula na pinamagatang “Alembong” kung saan nakasama nila ang ilang mga sikat na artista.
Reycards Duet / Photo credit to the owner
Itinuring na legendary ang Reycards dahil ginawan na rin ng true to life story na pelikula ang kwento ng kanilang buhay taong 1964.
Pinamagatan itong ‘The Reycard Duet Story’ kung saan silang dalawa rin mismo ang gumanap.
Reycards Duet / Photo credit to the owner
Nakasama nila sa pelikula ang magaling at sikat na aktres noon na si Lyn D’ Amour.
Lyn D' Amour / Photo credit to the owner
Lyn D' Amour at Fernando Poe Jr. / Photo credit to the owner
Naging malapit na magkaibigan sila ni Rey hanggang sa nagkamabutihan at nagkatuluyan ang dalawa.
Samantala, noong July 10, 1966, naging opening act ang Reycards ng sikat na bandang ‘The Beatles’ na ginanap sa Rizal Memorial Stadium kung saan nakasama rin nila ang tambalang Dolphy at Panchito.
Hindi kalaunan ay nagdesisyon ang duo na ipagpatuloy sa United States ang kanilang career. Madalas silang magtanghal sa mga casino sa Las Vegas.
Naging mabilis ang pagsikat ng dalawa at na-attract nila ang mga amerikanong audience.
Reycards / Photo credit to the owner
Reycards Duet / Photo credit to the owner
Noong mga panahong iyon ay napabalita rin na minsang pumunta at pumila ang King of Rock and Roll na si Elvis Presley upang mapanood ang Reycards.
Ito ang naging motivation ng dalawa upang mas lalo pang pagbutihan at galingan ang kanilang mga performances.
Sa kanilang pagsikat, napabalita rin na nagkaroon umano ng relasyon si Carding sa Hollywood actress na si Lana Turner.
Lana Turner / Photo credit to the owner
Lana Turner / Photo credit to the owner
Sa tuwing tatanungin si Carding sa mga interview tungkol kay Lana, madalas lang nitong isagot ay ‘natuwa lang daw si Lana sa unggoy na katulad niya kaya sila ay nagkamabutihan’.
Hindi naman malabo na magkagusto si Lana kay Carding dahil sa galing nitong kumanta at magpatawa. Lalong lalo na at sikat na sikat sila noon.
Dahil nga sa kanilang kasikatan at dami ng shows, nakaka-uwi na lamang sila ng Pilipinas sa tuwing may special shows at projects silang gagawin.
Reycards Duet / Photo credit to the owner
Naging tahanan na nina Carding at Rey ang Las Vegas sa loob ng 40 taon.
Taong early 90’s ay nagpasya na ang dalawa na muling bumalik sa Pinas at dito itinuloy ang kanilang career.
Lumabas sila sa ilang pelikula katulad ng “Katabi ko’y Mamaw” at Yes,Yes,Yo Kabayong Kutsero.”
Photo credit to the owner
Ang maganda at matagumpay nilang pagsasama ay nagtagal pa ng ilang taon. Subalit ito ay nag wakas at ikinalungkot ng marami nang biglaang mamaalam si Rey noong August 31, 1997.
Mas pinili raw ni Rey na maging pribado ang pakikipaglaban sa kanyang sakit.
Ayon sa balita, malakas raw uminom ng alak si Rey noon kaya nagkaroon ito ng kidney problems at iba pang komplikasyon na naging dahilan ng kanyang pagpanaw.
Photo credit to the owner
Labis na dumurog sa puso ni Carding ang pagpanaw ng pinakamamahal niyang partner at matalik na kaibigang si Rey.
Sa kabila ng kalungkutan, ipinagpatuloy pa rin ni Carding ang pagiging komedyante sa kanyang showbiz career.
Sa paglipas ng panahon, lumabas rin si Carding sa top rated comedy sitcom na ‘Home Along da Riles’ kasama ang King of Comedy na si Dolphy.
Photo credit to the owner
Nagkaroon rin siya ng mga pelikula kung saan nakasama niya ang magagaling na komedyante katulad nina Redford White, Bonnel Balingit at marami pang iba.
Matapos ang mga proyektong ito ay bumalik na ng Las Vegas si Carding upang doon manirahan.
Ngunit sa hindi inaasahang balita noong November 14, 2003, si Carding ay pumanaw sa edad na 68 dahil sa cardi@c Arr3st.
Carding Castro / Photo credit to the owner
Labis na ikinagulat at ikinalungkot ito ng mga katrabaho niya sa showbiz.
Sinasabing sa kanyang last will ay iniwan niya ang kanyang mga pag-aari sa tatlong anak ni Rey matapos mag-iwan ng ilang bahagi sa kanyang mga natitirang kapamilya.
Ayon kay Carding noon, ang kanyang buhay ay halos mawalan ng saysay sa pagkawala ng ka-duo na si Rey subalit pinilit niyang magpatuloy alang-alang na rin sa alaala nito.
Reycards Duet / Photo credit to the owner
Carding, Lyn D'Amour and Rey / Photo credit to the owner
Sina Rey at Carding ay hindi maitatangging naging bahagi at pundasyon sa kasaysayan ng Philippine showbiz industry.
Sila ay naging inspirasyon ng napakaraming Pilipino. Hindi man sila matatawag na mga matinee idol sa kanilang panahon, subalit ang tagumpay na kanilang nakamit ay hindi maikukumpara kanino man.
Panoorin ang isa sa kanilang performance sa ibaba:
***
Source: News Keener
No comments