Winasak ng hindi pa nakikilalang magnanakaw ang bintana ng isang simbahan sa Lagunaat tinangay ang aabot sa ₱50,000 donasyon nitong Sabado ng umaga.
Photo credit to the owner
Sa pahayag ng pamunuan ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Guadalupe sa Barangay Poblacion Uno, Pagsanjan, dakong 6:30 ng umaga nang matuklasan ang insidente.
Ayon sa pahayag pulisya, inakyat ng magnanakaw ang pader at sinira ang bintana ng simbahan hanggang sa tuluyan nang nakapasok.
Sinira ng magnanakaw ang tabernakulo at kinuha ang Sacred Host.
Winasak din ang pinto ng parochial office at hinalungkat ang mga gamit bago tangayin ang isang cellphone, at donation box na naglalaman ng mahigit ₱50,000.
Dahil dito, ipinagpaliban muna ng simbahan ang misa nitong Linggo.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kaso.
***
Source: Balita
Source: News Keener
No comments