Mensahe ng anak ng mag-asawang motovlogger na nasawi sa Marilaque, pumukaw sa damdamin ng mga netizens

Pumukaw sa damdamin ng mga netizens ang mensahe ng 18-anyos na anak ng mag-asawang motovlogger na nasawi habang nagra-ride sa Marilaque highway nitong Nobyembre 13, 2022.
Photo credit to the owner

Hindi maitago ng pamilya ng mag-asawang motovlogger ang lungkot at pagdadalamhati sa kanilang biglaang pagpanaw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Paula Judi Nangyo Algoso at Raymond Algoso.

Sa kanyang Facebook post, nagbigay ng mensahe si Erlisha Denise Algoso sa kanyang mga magulang.

“I know that both of you are with him and resting now. It was quick but I know that you both have eternal life, together.” aniya.

Nangako rin si Erlisha na hindii niya papabayaan ang kanyang tatlo pang kapatid.

“Andaya niyo naman nag 18 lang ako oh? hayaan niyo, kami bahala sa mga bata. The four of us. We’ll make you both proud. I love you both so much.” dagdag ng 18-anyos na dalaga.

Umani naman ng mensahe ng pakikiramay si Erlisha.

Sa ngayon ay humihiling ng dasal sa mga netizens ang pamilya Algoso.


***

RELATED ARTICLE: 

Source: News Keener

wokes Sunday, November 13, 2022
Romnick Sarmenta, may pasaring sa ‘payasong’ nasa ‘palasyo’

Muli nanamang naglabas ng saloobin ang aktor na si Romnick Sarmenta sa kaniyang Twitter account nitong Nobyembre 7.
Photo credit to the owner

Sa pamamagitan ng kaniyang sulat-kamay na tula na isinulat sa paraang “calligraphy”, patungkol ito sa isang “clown” o payaso na nakapasok sa palasyo.

When a clown enters a palace, he doesn’t become a king; The palace becomes a circus,” saad ni Sarmenta.

“There’s a fine line between that which pleases and that which is beneficial… and it’s called discernment.”

“I have been many things to different people, and the only difference I see, is who they are to me,” saad pa ni Romnick.

Maliwanag sa mga netizens na ang pinapatamaan ni Romnick sa kanyang tula ay ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Hindi ito ang unang beses na nagpahayag si Romnick ng pagkontra sa kasalukuyang administrasyon.

Kilala si Romnick na isang kakampink at sumuporta sa kandidatura ni dating Vice President Leni Robredo sa pagtakbo nito sa pagkapangulo noong nakaraang halalan.
Photo credit: Romnick Sarmenta


***
Source: Balita

Source: News Keener

wokes Tuesday, November 8, 2022
Pokwang, sinagot ang mga netizens kung sino ang mas magaling sa kanila ni Comedy Queen Ai-Ai

Noong Abril, unang nakumpara si Pokwang at Ai-Ai dahil sa kanilang magkaibang sinusuportahan na kandidato sa pagka-presidente.
Pokwang and Comedy Queen Ai-Ai delas Alas / Photo credit to the owner

Matapos ma-intriga ng ilang netizens kung sino sa kanilang dalawa ni Ai-Ai ang mas magaling sa larangan ng komedya, diretsang nagbigay ng saloobin si Pokwang.

“Naku kayo mga Marites mga chikadora kayo ha. Iniintriga niyo kami ni Ms. Ai-Ai,” agad na reaksyon ni Pokwang sa isyu, sa isang panayam ng GMA.

“Magaling si Ms. Ai-Ai kaya nga siya Comedy Queen ‘di ba? Alam niyo na ‘yan. Meron kaming kaniya-kaniyang katangian [na] nagugustuhan ng aming mga followers na ikinatutuwa naman namin,” dagdag ni Pokwang.
Pokwang and Comedy Queen Ai-Ai delas Alas / Photo credit to the owner

Pokwang and Comedy Queen Ai-Ai delas Alas / Photo credit to the owner

Aniya, pareho raw silang may angking kakayahan ni Ai-Ai.

“Magiging Ai-Ai ba siya kung hindi siya magaling? Magiging Pokwang ba ako kung wala rin akong alam. ‘Di ba po ganurn yon?”

Samantala, noong Abril, sinabi ng actor-singer na si Audie Gemora na mas nakakatawa at mas matalino raw si Pokwang kaysa kay Ai-Ai.

Sa kanyang Twitter account, i-shinare ni Gemora ang post ni Pokwang kung saan sinabi nitong wala siyang pakealam sa mga gustong mag-unfollow sa kanya.

“Good morning…. gusto ko lang malaman nyong mga nag babanta mag unfollow sakin hahahaa. Go ahead di po ako takot mawalan ng followers!” post ni Pokwang.

“I always thought Pokwang funnier, more intelligent than Ai2,” caption ni Gemora.
Audie Gemora / Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Tila hindi na pinatulan ng comedy queen ang pahayag ni Gemora at sinabing hindi siya apektado dahil hindi naman niya ito kilala.

“Kaya sabi ko talaga, ‘Lord, paano ko ba sasagutin ito nang bukal sa puso ko talaga? Kasi napaka-blessed na blessed na ako, e. Una, may trabaho ako. May Raising Mamay ako.”
Pokwang and Comedy Queen Ai-Ai delas Alas / Photo credit to the owner
Pokwang and Comedy Queen Ai-Ai delas Alas / Photo credit to the owner

“Wala akong sakit. Hindi ako nagkaroon ng C0V1D. Ang mga anak ko, walang sakit. May asawa akong mapagmahal.Kumbaga, napakarami kong blessings, and I hope, siya [Audie] rin.”

“I wish him well, and sana maging marami rin siyang blessings para makita niya ang kagandahan ng bawat isa sa atin,” dagdag ni Ai-Ai.


***
Source: Balita

Source: News Keener

wokes Monday, November 7, 2022
The Maggie dela Riva story; Apat na maimpluwensyang tao tinapos ang buhay

Ano nga ba ang nangyari kay Maggie dela Riva?

Si Maria Magdalena Torrente de la Riva o mas kilala bilang Maggie dela Riva ay anak nina Pilar Torrente, isang Spanish mestiza, at Juan de la Riva, isang German-Swiss.
Maggie dela Riva / Photo credit to the owner

Siya ay ipinanganak noong September 3, 1942. Nakapagtapos siya ng elementarya at highschool noong 1958 sa Miriam College na noon ay kilala bilang Maryknoll College.

1960 nakapagtapos ng secretarial course si Maggie sa St. Theresa College.

Taong 1963 ay nakasama siya sa top 5 finalist ng beauty pageant na “Miss Caltex of 1963”. Noong taon ding iyon ay nirepresenta niya ang Filipino gowns para sa ‘Fashion Guild of the Philippines’’ mula sa designer na ‘Millie’s Gowns’.
Maggie dela Riva / Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Si Maggie ay hindi lang isang beauty queen, naging sikat na aktres din ito noong dekada 60s’ at gumanap sa halos 40 na pelikula.

Una siyang lumabas noong 1963 kasama si Joseph Estrada sa pelikulang ‘Istambay’ kung saan siya sumikat at nakilala ng taong bayan. Noong 1967 bumida siya sa pelikulang ‘Ang Langit Ay Para sa Lahat’, kung saan ikinukunsidira niyang pinaka magaling niyang obra.
Maggie dela Riva and Bernard Bonnin /  Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Si Maggie ay isa ring singer sa mga pinakabigating night clubs noon sa Maynila. Mayroon siyang TV show na pinamagatang “Maggie” sa channel 3 at patuloy na nagiging guest sa “Tanghalan sa Darigold” at “Tindahan sa Nayon” sa channel 11.

Si Maggie ay naging breadwinner ng kanilang pamilya nang sumakabilang buhay ang kanyang ama noong 1964 sa edad na 58.

Naging maganda ang career ni Maggie at nakatulong siya sa kanyang pamilya. Kumikita siya ng P8,000 kada pelikula, P800 kada buwan sa radyo at telebisyon, P300 kada buwan sa mga promotional na palabas at P100-200 kada guesting.
Maggie dela Riva / Photo credit to the owner
Maggie dela Riva / Photo credit to the owner

Noong 1960s ay malaking halaga na ito.

Ngunit hindi lang ang pagiging magaling na aktres ni Maggie ang dahilan kung bakit naging maingay ang kanyang pangalan, ito ay dahil sa malagim niyang sinapit sa kamay ng apat na maimpluwensyang lalaki noong 1967.

Sila ay sina Jaime Jose, Basilio Pineda Jr., Edgardo Aquino at Rogelio Canal.

Kilalanin ang apat na salarin.

Jaime Jose - siya ay anak ng isang prominenteng doktor mula sa Guagua, Pampanga. Nag-aral ng engineering. Kabilang raw ito sa mga gang na nananamantala ng mga artista at mga starlet.

Basilio Pineda Jr. - Alyas Boy. Anak ng dating Pasay police Chief at may dalawang anak.

Edgardo Aquino - Second year journalist student at anak ng isang abogado mula sa Batangas.

Rogelio Canal - Isang architecture student at anak ng isang retired school principal.
Photo credit to the owner

Ayon sa salaysay ni Jaime sa mga pulis, pumunta raw sa kanilang bahay sina Basilio, Edgardo at Rogelio upang hiramin ang kanyang kotse noong Hunyo 25, 1976, alas onse ng umaga.

Ngunit dahil ayaw itong ipahiram ni Jaime, naisipan na lamang niyang sumama.

Nag-inuman silang apat hanggang alas tres ng madaling araw (Hunyo 26) sa Ulog Cocktail Lounge Mabini St., Ermita. Inamin raw ni Basilio sa mga kasama na in love siya sa aktres na si Maggie.

Alam din nitong may video taping ang aktres sa ABS-CBN studio.

Bandang 4:30am, pumunta ang grupo nila sa studio sa Roxas Boulevard, Pasay City kung saan kinausap raw nina Basilio at Rogelio si Maggie. 

Ngunit dahil hindi naman sila kilala ni Maggie, hindi niya ito pinansin at sumakay na lamang ng sasakyan upang umuwi kasama ang kanyang personal assistant na si Elena Calderon.

Malapit na raw sa kanilang bahay sina Maggie nang muntik silang banggain ng sasakyang minamaneho ng apat na salarin.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Mabuti na lamang at nakapagpreno ang aktres. Sa kanyang inis ay sumigaw raw ito ng “Ano ba’?!

Biglang lumabas ng sasakyan si Basilio at binuksan ang pintuan ng sasakyan ni Maggie. Hinatak siya nito palabas habang hinihila naman ni Elena ang isang kamay ng kanyang amo upang mapigilan ito.

Ngunit nabigo si Elena dahil tinulungan si Basilio ng tatlong kasama at tuluyang naisakay sa kanilang sasakyan si Maggie.

Pinagitnaan si Maggie ng dalawang lalaki sa likuran ng sasakyan habang hawak-hawak ang kanyang mga kamay.

Dinala ng mga kalalakihan si Maggie sa isang kwarto habang naka-blindfold sa Swanky Hotel sa Pasay City kung saan nila ginawa ang karumal dumal na panghaha1ay sa aktres.

“Magburlesque ka para sa amin,” sabi ng isa sa apat na salarin. 

Hinubaran nila ang aktres pagkatapos ay lumabas silang apat sa loob ng kwarto. Maya-maya ay muling pumasok si Jaime at hina1ay si Maggie. 

Pagkatapos ni Jaime ay sumunod si Edgardo, Basilio at Rogelio.

Nang mawalan ng malay si Maggie ay sinabuyan siya ng tubig sa mukha at pinagsasampal upang magising. At sa tuwing papalag ay minumura rin siya ng mga ito at tinatakot na sasabuyan ng acido ang kanyang mukha.

Matapos ang krim3n, iniwan nila si Maggie sa Free Press Building na hindi kalayuan sa Edsa at malapit sa channel 5 upang pagmukhaing galing sa studio ang aktres.

Ipinara pa nila ito ng taxi upang makauwi sa kanyang bahay. Pagkasakay ay bigla ng umiyak si Maggie at panay ang tanong sa driver kung mayroon bang nakasunod na sasakyan.

Bandang 6:30am na ng makauwi ang biktima kung saan nagkalat ang mga pulis at reporter sa kanilang paligid.

“Mommy, mommy, I have been rap3d. All four of them rap3d me,” sabi ng kawawang aktres.

Ika-29 ng Hunyo, 1967, pumunta sa Quezon City Headquarters si Maggie kasama ang kanyang pamilya at abogada na si Regina Benitez upang magsampa ng kaso.

Samantala, bandang 2pm sa Buendia, inaresto si Jaime habang naglalakad at binabasa ang dyaryo kung saan headline ang panghaha1ay kay Maggie.

Naaresto siya nina dectective Pablo Pascual at Ricardo Aniceto na nagpapanggap na mga sorbitero.

Sinubukan pa raw tumakas ni Jaime ngunit napigilan siya ng isa pang detective na si Reynaldo Roldan na armado ng baril.

Agad na bumalik si Maggie sa headquarters nang mabalitaang naaresto si Jaime.

Napatayo raw si Jaime nang makita si Maggie at sinabing “Maggie, Maggie please. Hindi ako kasama. Magsabi ka ng totoo.”

Tinitigan lamang siya ni Maggie at napaupo habang umiiyak. Makalipas ang ilang minuto ay sinubukan ng aktres na kalmutin ang mukha ni Jaime.

You! you, you were one of the boys who pulled my legs and rap3d me!” sigaw ni Maggie.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Namutla at napaiyak na lamang si Jaime at humarap sa pader.

Samantala, nabalitaan nina Basilio, Edgardo at Rogelio ang pagkakadakip kay Jaime. 

Natakot ang mga ito at naisipang pansamantalang magtago sa San Miguel, Bulacan.

Mula naman sa Bulacan ay pumunta sila ng Lipa, Batangas at nag check-in sa Samson Ponti Resthouse gamit ang mga pekeng pangalan.

Habang kumakain naman sila sa isang restaurant ay nakilala sila ng isang waitres na nakabasa ng balita tungkol sa ginawa nilang krim3n at agad itong nagsumbong sa mga pulis.

Kinabukasan ay lumipat ng pinagtataguan ang tatlong salarin. Tumuloy sila sa isang bahay na pag mamay-ari ng isang opisyal ng Maynila. 
Photo credit to the owner

Ngunit natunton pa rin sila ng mga pulis at pinaligiran ang kanilang tinutuluyan.

Naaresto ng mga pulis sina Basilio at Rogelio ngunit nakatakas naman si Edgardo.

Ngunit hindi nagtagal ay sumuko rin ito sa asawa ng gobernador ng Batangas na si Aurelia Leviste.
Photo credit to the owner

Dinala ang apat na salarin sa Muntinlupa habang prinoproseso ang mga kaso nila.

Habang nasa kulungan, natagpuang wala ng buhay si Rogelio dahil sa overd0s3 sa dr*gs noong December 28, 1970.

Samantala, tuluyang nahatulan ng kamat*yan sa silya elektrika ang tatlong salarin na sina Jaime, Basilio at Edgardo noong February 6, 1971.

Bandang alas tres ng hapon ay unang sumabak sa upuan si Jaime na namumutla at tulala habang naglalakad sa gitna ng dalawang pari.

Pagkaupo sa silya ay tinakpan ang mukha ni Jaime at sinimulan ang initial shock. Ngunit pagkacheck ng doktor ay buhay pa si Jaime.

“Sir, the condemned man is still alive.”

Nagkaroon ng bulung-bulungan dahil ayon sa iba, kapag hindi namatay sa initial shock ay pakakawalan ang salarin.

Ngunit ang hatol ay silya elektrika hanggang mamat*y kaya sinabi ng director sa kulungan na bigyan ito ng isa pang shock.

Nasa loob naman ng silid ang ama ni Jaime na si doctor Jose na nangakong sasamahan ang anak hanggang sa huling sandali. Lumabas lamang ito ng bandang 3:20pm matapos ideklara ang pagkamat*y ng kanyang anak.

Samantala, ang ina naman ni Jaime ay nagpunta ng Malacañang upang makausap si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. Pinayuhan raw siya ng isang opisyal sa presinto na magpunta ng Malacañang.

Limang oras umano itong naghintay ngunit hindi niya nakausap si Marcos. Wala raw kasi itong appointment at busy ang pangulo.

Napahagulgol na lamang ang ina ni Jaime. 

Ayon sa ilang report, hindi raw nakaabot sa pangulo na naghihintay sa kanya ang ina ni Jaime. 

May mga balita pa noon na sinasabing sinadya umano ng pangulo na huwag kausapin ang ina ni Jaime dahil kailangang ipatupad ang batas. 

Si Basilio naman ay sinubukan pang manlaban kaya nagkaroon ng kaunting gulo bago ito mai-upo sa silya bandang 3:40pm. Idineklara siayng pat*y bandang 3:55pm.

Samantala, makikita raw kay Edgardo ang labis na pagsisisi sa ginawa at narinig pa ng pari ang mga huling salita nito na, “Avoid bad companions and obey your parents.”
Photo credit to the owner

Si Justice Lourdes Paredes San Diego ang naging judge sa kasong isinampa ni Maggie at nagbigay ng hatol na d3ath pena1ty sa mga nagkasala.
Justice Lourdes Paredes San Diego / Photo credit to the owner

Makalipas naman ang ilang dekada, tinanong si Maggie patungkol sa kanyang karanasan.

Aniya, “When that misfortune happened to me, I realized that although my body was rap3d, my true self was never defiled and that there is another person in me that is beautiful, strong and true. The old Maggie has faded away. I look at my experience as something that happened to someone else who is no longer the person I am today.”

Samantala, ang kwento ni Maggie ay naisa-pelikula noong 1994 at ang gumanap bilang Maggie ay si Dawn Zulueta. 


***

Source: News Keener

wokes
Ang malungkot na kwento ng buhay ni Noel “Ungga” Ayala

Si Noel Ayala o mas kilala sa kanyang screen name na Ungga Ayala ay ipinanganak taong 1971. Siya ay may taas na two feet and six inches (2’6).
Ungga Ayala / Photo credit to the owner

Nagmula ang screen name ni Noel na “Ungga” sa salitang unggoy. Una siyang nakita sa pelikulang “Starzan III: The Jungle Triangle” kasama ang beteranong komedyante na sina Joey de Leon at Rene Requiestas noong 1990.

Sa isang interview ng ABS-CBN, ikinuwento ni Ungga ang lahat ng hirap na kanyang pinagdaanan bago siya makapasok sa mundo ng showbiz.

Ginamit ni Ungga ang pagiging maliit upang magtrabaho at magtanghal sa iba't ibang mga karnabal tuwing panahon ng fiesta.

Naging doorman din siya sa sikat na hangout sa Malate, na tinawag na Hobbit House, kung saan ang karamihan sa mga tauhan ay mga maliit na tao.
The Hobbit House / Photo credit to the owner

The Hobbit House / Photo credit to the owner

Dahil sa kasipagan ni Ungga, sinubukan niyang pasukin ang mundo ng showbiz kung saan ay nakakapasok siya bilang extra sa ilang pelikula.

Sa kanyang pa extra-extra, hindi nagtagal ay nadiskubre ang galing ni Ungga sa pagpapatawa kaya naman lumabas siya sa mga comedy films ni Joey de Leon kasama ang sidekick nitong si 
Rene Requiestas.
Photo credit to the owner

Bukod sa pelikulang Starzan III, lumabas din si Ungga sa “Long Ranger & Tonton: Shooting Stars of the West (1989), SuperMouse and the Roborats (1989), at Romeo Loves Juliet... But Their Families Hate Each Other! (1989)” at marami pang iba.
Photo credit to the owner

Photo credit to the owner

Photo credit to the owner

Pero sa kabila ng magandang takbo ng career ni Ungga, tumagal lamang ito ng limang taon. Ang kanyang huling proyekto ay ang Milyonaryong Mini (1996), na pinagbidahan ni Anjo Yllana.

Pagkatapos nito, unti-unti ng hindi narinig ang pangalan ni Ungga sa showbiz.

Hindi rin naging maswerte si Ungga sa pag-ibig. Ipinagtapat niya na ang kabiguan sa kanyang pangalawang pag-aasawa ang nagdulot upang malugmok siya sa pagsusugal, alkoholismo, at pambababae. 

Aniya, iyon ay isang yugto lamang ng mga pinagdaanan niya sa kanyang buhay.
Noel Ungga Ayala /  Photo credit to the owner
Noel Ungga Ayala /  Photo credit to the owner

Sa kanyang huling panayam sa TV, sinabi ni Ungga na siya ay naninirahan sa Mt. Bethel, La Union, kung saan siya ay nagsisilbi bilang isang pastor sa All Christian Foundation.

Pagkalipas ng sampung taong pagkawala sa showbiz, namaalam si Ungga sa edad na 35 noong August 29, 2006 dahil sa heart failure.

Nangyari ito siyam na araw bago ang kanyang ika-36 na kaarawan.

Labis na nagdalamhati ang mga kaibigan at pamilya ni Ungga dahil sa kanyang pagkawala. 

Maaga mang natapos ang karera at buhay ni Ungga, nananatili siya sa isip at puso ng kanyang mga tagahanga at mga taong nagmamahal sa kanya.


***

Source: News Keener

wokes
Alamin ang tagumpay at kasikatang nakamit ni Carding Castro; Ano ang dahilan ng kanyang pagpanaw

Si Ricardo Castro o mas kilala sa kanyang screenname na Carding Castro ay isa sa pinakamahuhusay na komedyante na nagbigay saya noong dekada 90s.
Carding Castro and Rey Ramirez / Photo credit to the owner

Unang nakilala si Carding bilang isang entertainer. Taong 1953 ay nag team-up sila ng magaling na singer na si Rey Ramirez sa isang singing contest kung saan nag-champion sila.

Nang mas lumalim pa ang kanilang samahan ay naisipan nilang buuin ang kanilang singing duo na tinawag nilang Reycards Duet.

Nagmula ito sa kanilang pinagsama at pinaikling pangalan.
Carding Castro and Rey Ramirez / Photo credit to the owner

Carding Castro and Rey Ramirez / Photo credit to the owner

Talagang nakilala ang Reycards duet dahil sa kanilang galing sa pag-awit at kakaibang istilo ng pagpapatawa.

Kung si Rey ang nagbibigay ng romantikong tinig sa kanilang duo, si Carding naman ang nagbibigay ng katatawanan at kulay para lalong gumanda ang kanilang performance.

Dahil sa mabulaklak na bibig at nakakatawang jokes ni Carding, ito ang nagbigay ng asset at magandang chemistry upang mas lalo silang tangkilikin at mahalin ng mga tao.
Reycards Duet / Photo credit to the owner

Tuluyan na ngang sumikat at namayagpag ang Reycards Duet hanggang sa nabigyan sila ng break para makapag perform sa telebisyon at radyo. 
Reycards Duet / Photo credit to the owner

Minsan ay naiimbitahan rin sila sa mga fiesta sa barangay.

Dahil din sa kanilang kasikatan, nagkaroon sila ng kauna-unahang proyektong pelikula na pinamagatang “Alembong” kung saan nakasama nila ang ilang mga sikat na artista.
Reycards Duet / Photo credit to the owner

Itinuring na legendary ang Reycards dahil ginawan na rin ng true to life story na pelikula ang kwento ng kanilang buhay taong 1964.

Pinamagatan itong ‘The Reycard Duet Story’ kung saan silang dalawa rin mismo ang gumanap.
Reycards Duet / Photo credit to the owner

Nakasama nila sa pelikula ang magaling at sikat na aktres noon na si Lyn D’ Amour. 
Lyn D' Amour / Photo credit to the owner
Lyn D' Amour at Fernando Poe Jr. / Photo credit to the owner

Naging malapit na magkaibigan sila ni Rey hanggang sa nagkamabutihan at nagkatuluyan ang dalawa.

Samantala, noong July 10, 1966, naging opening act ang Reycards ng sikat na bandang ‘The Beatles’ na ginanap sa Rizal Memorial Stadium kung saan nakasama rin nila ang tambalang Dolphy at Panchito.

Hindi kalaunan ay nagdesisyon ang duo na ipagpatuloy sa United States ang kanilang career. Madalas silang magtanghal sa mga casino sa Las Vegas.

Naging mabilis ang pagsikat ng dalawa at na-attract nila ang mga amerikanong audience. 
Reycards / Photo credit to the owner
Reycards Duet / Photo credit to the owner

Noong mga panahong iyon ay napabalita rin na minsang pumunta at pumila ang King of Rock and Roll na si Elvis Presley upang mapanood ang Reycards.

Ito ang naging motivation ng dalawa upang mas lalo pang pagbutihan at galingan ang kanilang mga performances.

Sa kanilang pagsikat, napabalita rin na nagkaroon umano ng relasyon si Carding sa Hollywood actress na si Lana Turner.
Lana Turner / Photo credit to the owner
Lana Turner / Photo credit to the owner

Sa tuwing tatanungin si Carding sa mga interview tungkol kay Lana, madalas lang nitong isagot ay ‘natuwa lang daw si Lana sa unggoy na katulad niya kaya sila ay nagkamabutihan’.

Hindi naman malabo na magkagusto si Lana kay Carding dahil sa galing nitong kumanta at magpatawa. Lalong lalo na at sikat na sikat sila noon.

Dahil nga sa kanilang kasikatan at dami ng shows, nakaka-uwi na lamang sila ng Pilipinas sa tuwing may special shows at projects silang gagawin.
Reycards Duet / Photo credit to the owner

Naging tahanan na nina Carding at Rey ang Las Vegas sa loob ng 40 taon.

Taong early 90’s ay nagpasya na ang dalawa na muling bumalik sa Pinas at dito itinuloy ang kanilang career.

Lumabas sila sa ilang pelikula katulad ng “Katabi ko’y Mamaw” at Yes,Yes,Yo Kabayong Kutsero.”
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ang maganda at matagumpay nilang pagsasama ay nagtagal pa ng ilang taon. Subalit ito ay nag wakas at ikinalungkot ng marami nang biglaang mamaalam si Rey noong August 31, 1997.

Mas pinili raw ni Rey na maging pribado ang pakikipaglaban sa kanyang sakit.

Ayon sa balita, malakas raw uminom ng alak si Rey noon kaya nagkaroon ito ng kidney problems at iba pang komplikasyon na naging dahilan ng kanyang pagpanaw.
Photo credit to the owner

Labis na dumurog sa puso ni Carding ang pagpanaw ng pinakamamahal niyang partner at matalik na kaibigang si Rey.

Sa kabila ng kalungkutan, ipinagpatuloy pa rin ni Carding ang pagiging komedyante sa kanyang showbiz career.

Sa paglipas ng panahon, lumabas rin si Carding sa top rated comedy sitcom na ‘Home Along da Riles’ kasama ang King of Comedy na si Dolphy.
Photo credit to the owner

Nagkaroon rin siya ng mga pelikula kung saan nakasama niya ang magagaling na komedyante katulad nina Redford White, Bonnel Balingit at marami pang iba.

Matapos ang mga proyektong ito ay bumalik na ng Las Vegas si Carding upang doon manirahan.

Ngunit sa hindi inaasahang balita noong November 14, 2003, si Carding ay pumanaw sa edad na 68 dahil sa cardi@c Arr3st.
Carding Castro / Photo credit to the owner

Labis na ikinagulat at ikinalungkot ito ng mga katrabaho niya sa showbiz.

Sinasabing sa kanyang last will ay iniwan niya ang kanyang mga pag-aari sa tatlong anak ni Rey matapos mag-iwan ng ilang bahagi sa kanyang mga natitirang kapamilya. 

Ayon kay Carding noon, ang kanyang buhay ay halos mawalan ng saysay sa pagkawala ng ka-duo na si Rey subalit pinilit niyang magpatuloy alang-alang na rin sa alaala nito.
Reycards Duet / Photo credit to the owner

Carding, Lyn D'Amour and Rey / Photo credit to the owner

Sina Rey at Carding ay hindi maitatangging naging bahagi at pundasyon sa kasaysayan ng Philippine showbiz industry. 

Sila ay naging inspirasyon ng napakaraming Pilipino. Hindi man sila matatawag na mga matinee idol sa kanilang panahon, subalit ang tagumpay na kanilang nakamit ay hindi maikukumpara kanino man. 

Panoorin ang isa sa kanilang performance sa ibaba:


***

Source: News Keener

wokes
Seo Services