Romnick Sarmenta, may pasaring sa ‘payasong’ nasa ‘palasyo’

Muli nanamang naglabas ng saloobin ang aktor na si Romnick Sarmenta sa kaniyang Twitter account nitong Nobyembre 7.
Photo credit to the owner

Sa pamamagitan ng kaniyang sulat-kamay na tula na isinulat sa paraang “calligraphy”, patungkol ito sa isang “clown” o payaso na nakapasok sa palasyo.

When a clown enters a palace, he doesn’t become a king; The palace becomes a circus,” saad ni Sarmenta.

“There’s a fine line between that which pleases and that which is beneficial… and it’s called discernment.”

“I have been many things to different people, and the only difference I see, is who they are to me,” saad pa ni Romnick.

Maliwanag sa mga netizens na ang pinapatamaan ni Romnick sa kanyang tula ay ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Hindi ito ang unang beses na nagpahayag si Romnick ng pagkontra sa kasalukuyang administrasyon.

Kilala si Romnick na isang kakampink at sumuporta sa kandidatura ni dating Vice President Leni Robredo sa pagtakbo nito sa pagkapangulo noong nakaraang halalan.
Photo credit: Romnick Sarmenta


***
Source: Balita

Source: News Keener

No comments

Seo Services