Isang foreign tourist sa Boracay, siningil umano ng P16,000 para hair braiding

Matapos mag-viral sa social media ang paniningil ng P26,000 sa isang grupo ng turista sa Panglao, Bohol nitong nakaraang Linggo, tila may panibago nanamang mainit na isyu ang pag-uusapan ng mga netizens.
Photo credit to the owner

Sa isang artikulo ng Daily BNC News, ibinahagi nito ang isang post sa Reddit ng isang hotel manager sa Boracay patungkol sa karanasan ng isa sa kanilang guest na nabiktima ng ‘overpricing’.

Ayon sa manager ng hotel, siningil umano ang kanyang guest ng P16,000 matapos magpa-braid o tirintas ng buhok.

“I’m the manager of Levantin, a small hotel in Bulabog. This happened to one of our guests and we are also complaining about it here in the Boracay community,” sabi ng manager.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ilang netizens naman ang nagsabi na hindi na raw bago sa Boracay ang mga ganyang insidente dahil kahit mga local tourists ay nabibiktima rin.

“Unfortunately maraming ganito sa Bora. Marami na rin nagpost sa FB pero walang aksyon from the LGU/Tourism office. Ang siste is sasabihin 300 lang. 300 per strand pala. This is a trap not just for foreign tourists, pati rin sa locals,” sabi ni u/itawesomeki.

Isa sa mga tourist services sa Boracay ang hair braiding at henna tattoo at karamihan ng mga pumupunta doon ay sumusubok nito.

Ngunit hindi naman aabot sa libo-libong piso ang normal na presyo ng braiding sa Boracay.

Sa ngayon ay wala pang sagot ang LGU ng Malay na may sakop sa isla tungkol sa isyu.


***

Source: News Keener

No comments

Seo Services