Romnick Sarmenta nag-react kay Giselle Sanchez at sa mga taong ginagawang excuse umano ang ‘art’ para sa baguhin ng katotohanan

May patama ang aktor na si Romnick Sarmenta sa mga taong ginagawang excuse umano ang art baguhin ang katotohanan.
Romnick Sarmenta and Giselle Sanchez / Photo credit to the owner

Sa kanyang Twitter, sinabi ni Romnick, “Magko-comment sana ako, pero sayang ang oras, titik at pananalita sa mga taong ginagawang excuse ang art, at binabago ang katotohanan sa pamamagitan ng sining.”

Dagdag pa niya, “Kasing sayang ng oras na binuo ninyo yung pinagkaperahan ninyo.”

Ayon sa aktor, wala raw siyang pakialam kung may magalit sa kanyang sinabi dahil nagsasabi lang daw siya ng totoo.
Romnick Sarmenta / Photo credit to the owner
Romnick Sarmenta / Photo credit to the owner

Samantala, kahit hindi pinangalanan ni Romnick ang taong kanyang pinapasaringan, alam ng mga netizens kung sino ang tinutukoy nito.

Matatandaang nag-trending si Giselle Sanchez kasabay ng paglabas ng isang teaser ng “Maid in Malacañang” kung saan ipinakita ang kanyang role bilang si former President Cory Aquino.
 Giselle Sanchez bilang Former President Cory Aquino / Photo credit to the owner
 Giselle Sanchez bilang Former President Cory Aquino and Direk Daryl Yap / Photo credit to the owner

Naglabas ng paliwanag ang sexy comedienne kung bakit nga ba niya tinanggap ang kanyang “controversial role” at sinabing sana raw ay bigyan ang pagkakataon ang pamilya Marcos na sabihin ang kanilang bersyon ng istorya.

To close this article I would like to quote Senator Imee Marcos during the presscon ‘Art should disturb, it should confuse, it should provoke, it should should seduce and it should agitate. Ang sinasabi lagi kapag nagtutunggali, Mag-usap kayo. Balikan ninyo at pag-usapan natin ang pinag simulan’,” sabi ni Giselle.
 Giselle Sanchez / Photo credit to the owner
 Giselle Sanchez bilang Former President Cory Aquino / Photo credit to the owner

Samantala, may mga tweet rin si Romnick noong Miyerkules ukol naman sa “lies” at “truth”.

“Lies, no matter how adorned, gilded with gold and covered with precious stones, remain a lie: nothing more.

Truth, no matter how simple, even when it is ugly and uncomfortable remains the truth… Hold fast to the truth.”

Noong Agosto 4, muling nag-tweet muli si Romnick kalakip ang kanyang sulat kamay na mensahe at tula na ukol sa kasinungalingan at pagbabaluktot ng kasaysayan.
Romnick Sarmenta / Photo credit PEP

Gumising ka bago malimot ang kasaysayan, tumindig kahit mag-isa, sa gitna ng mga kasinungalingan,” bahagi ng kanyang tula.

Kapansin-pansin rin na pula ang ginamit nitong panulat.

Kasaysayang pilit mang baluktutin, sa mga palabas, at salitang sadyang baguhin… Gumising ka, bago ka bangungutin!” muling paalala ni Romnick.
Photo credit: Romnick Sarmenta


***

Source: News Keener

No comments

Seo Services