Karla Estrada inalala ang paghihirap nila ni Daniel Padilla noon: “Ang pinagdaanan mo ang magbibigay sa'yo ng tapang at bait”

Bilang mga magulang, wala na yatang mas sasakit pa na makitang nasasaktan ang iyong mga anak. Pisikal man o emosyonal, nasasaktan tayo kapag nalaman nating nasasaktan ang mga taong mahalaga sa atin.
Karla Estrada and Daniel Padilla / Photo credit to the owner

Ito ang naramdaman ng aktres na si Karla Estrada noon nang marinig ang anak na si Daniel Padilla na humihikbi sa isang pangyayaring hindi niya makakalimutan.

Sa Youtube interview ni Toni Gonzaga kay Karla, ibinahagi ng aktres ang paghihirap na kinaharap at pinagdaanan niya at ng kanyang mga anak. Isa na roon ay nang maputulan sila ng kuryente dahil hindi sila nakapagbayad.

Dahil wala silang kuryente, tuwing gabi ay nagsasalitan sina Karla at Daniel upang paypayan ang kanyang mga kapatid upang kahit papaano ay makatulog ang mga ito.
Karla Estrada and Daniel Padilla / Photo credit to the owner
Karla Estrada and Daniel Padilla / Photo credit to the owner

"Siyempre magpapaypay ako pag sa gabi matutulog na kay Carmela 'tsaka kay Magui. Nangawit ako, sabi ko [kay Daniel], 'Anak, ikaw naman,'" sabi ni Karla.

"Pagkatapos niya magpaypay, tumalikod siya pero narinig ko humikbi...so imagine 'yung pakiramdam ko. Humikbi lang siya ako nagngangawa,” dagdag nito.

Ani Karla, hindi raw siya nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin si Daniel kung ano ang nararamdaman nito.
Karla Estrada and Daniel Padilla / Photo credit to the owner
Karla Estrada and Daniel Padilla / Photo credit to the owner

Ayoko nang tinatanong 'yung anak ko ng ikakalungkot niya. Parang gusto ko lagi na matatag siya kasi kuya siya di ba?" sabi ni Karla habang naiiyak.

Bilang isang single mom, itinaguyod ni Karla ang kanyang mga anak bilang isang aktres.

Si Karla ay may tatlo pang anak bukod kay Daniel. Sila ay sina JC, Magui at Carmela. Silang apat may magkakaiba ang mga ama.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Para kay Karla, "ang pinagdaanan mo sa buhay ang magbibigay sa'yo ng confidence, magbibigay sa 'yo ng tapang, lakas ng loob at pang-unawa at 'yung bait."

Kwento ni Karla, maraming masasakit na salita ang kanyang naririnig noon nang siya ay mabuntis sa edad na 19 katulad ng “Ano ba 'tong batang 'to," "pariwara," at "matigas' ang ulo." 

Tanggap naman daw ng aktres ang kanyang mga pagkakamali noon. Ngunit hindi siya nagsisisi na hindi niya pinabayaan ang kanyang mga anak.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

"Sa gitna ng walang kasiguraduhan kung paano ko sila bubuhayin, ay hindi ko sila pina-ab0rt. Because at that time I was very young may naririnig kang gano'n ang sinasabi sa 'yo."

Sa dami ng karanasan sa pag-ibig ni Karla, palagi raw niyang pinapayuhan ang kanyang mga anak na alamin kung kailan aalis sa isang relasyon.

"Sinabi ko lang sa mga anak ko, kung hindi na kayo masaya [sa relasyon], mag-impake na kayo." 

Para kay Karla, aalis na siya "pag hindi ko na kayang gumising nang masaya."


***

Source: News Keener

No comments

Seo Services