OFW, Ibinahagi Kung Bakit Mula Sa Pagiging Donya Ay Isa Na Lamang Siyang Kasambahay Sa Abroad Ngayon



Lagi tayong namamangha sa mga kwenting ating naririnig at nababasa sa balita tungkol sa mga OFW na gumaganda ang buhay at naiahon ang kanilang mahirap na pamumuhay.

Hindi natin masasabi kung lagi ba tayong nasa taas o ibabaw, sabi nga nila ang buhay ay parang isang gulong, minsan ika’y nasa taas, minsan naman ika’y nasa baba. Ito ang mga kinakatakutan nang mga mayayamang tao na mangyari sakanila, ang maghirap.

Ang istorya ng isang inang OFW na si Joh Bagundol Sese na taga Midsalip, Zamboanga del Sur kung paano napalitan ang kanyang marangyang buhay ng kahirapan.


Ayon sa Hottest Online Trends, maganda ang pamumuhay ng Ginang ng siya’y maikasal sa isang lalake na may pamilyang nagmamay-ari ng good export business sa Hagonoy, Bulacan. Mayroon itong sariling sari-sari store, manukan, pati narin mga kasambahay na kanyang katulong.

Lumipas ang mga taon, sila’y naharap sa financial problem at ang kanilang business ay nawalan nang napakalaking pera at nagdeklara ng bankruptcy. Nalubog ang Ginang sa maraming utang, kung saan binabantaan na ang kanyang buhay kasama na ang kinakaharap nitong mga kaso para makulong.


Dumating din sa punto na siya’y ipinost nang kanyang pinsan at  ipinahiya sa social media ngunit pinili nitong manahimik na lamang alang-alang sa kanyang pamilya, kahit alam nito na hindi naman ito ang kasosyo niya kundi ang live-in nito na nag-supply sakanya ng bigas.

Dalawa lamang ang kanyang pagpipilian, ang mag-abroad para makabayad o makulong. Ginamit niya ang kahihiyan na iyon upang lumaban sa buhay at magpatuloy na magpursigi sa pagtatrabaho.

Nag-apply siya bilang isang domestic worker dahil gusto nitong magtrabaho at pumunta sa Singapore. Sa kasamaang palad, hindi ito makakuha nang trabaho sa tatlong buwan nitong pag-aaply.


Isa sa kanyang mga kapitbahay ang nag suggest na subukan nitong mag apply sa agency nito papuntang Saudi Arabia ngunit nag alinlangan ito dahil sa kanyang mga naririnig na masasamang kwento tungkol sa mga OFW na inaabuso sa Middle East.

Dahil sa kagipitan, walang choice ang Ginang kundi ibigay ang kanyang passport sa agency at sa dalawang linggo lamang ay nakahanap na ng employer sa Saudi ang kanyang agency.

First time ni Joh na pumunta sa ibang bansa at wala itong ideya sa kanilang linggwahe ngunit ang pangarap nito ang nagbigay sa kanya ng lakas upang maiahon muli ang kanyang pamilya sa hirap at utang upang maibalik ang kanilang dating buhay na marangya.


“Hindi man ako nagtapos, anak ko man lang makatapos” sabi ni Joh.

Dahil ang kanyang panganay na anak ay nag-aaral sa kolehiyo at ang bunso naman nitong anak ay nag-aaral pa ng high-school. Lalo itong nagpursigi dahil ayaw nitong tumigil ang kanyang mga anak sa pag-aaral.

Tulad ng ibang OFW, ayaw din nilang magtagal pa sa ibang bansa, kaya sa higit na dalawang taon, nakabayad na sa kanyang ibang mga utang si Joh.


Nagpapasalamat ito sa kanyang asawa na napaka supportive lalo na sa paghawak nang kanilang pera. Ngayon mayroon silang maliit na sari-sari store ngunit may mga utang parin silang dapat bayaran.

Noong October 2017, nagkaroon ng tyansa si Joh na makapag bakasyon sa Pilipinas ngunit mabilis lamang ito dahil marami pa ang kanyang mga utang na hindi nababayaran. Hindi ito lumalabas dahil sa nahihiya ito, pagkatapos ng isang buwan, bumalik na ito sa Saudi upang mabayaran pa ang mga utang nito.

Para sa kanya hindi habang buhay ang pagtatrabaho sa abroad dahil kailangang isiping mabuti ang paglalagyan nang ating mga pinaghirapan.

Source: The Relatable

No comments

Seo Services