5 Sikat At Mayayamang Artista Na Di Nyo Aakalain Na Mas Gusto Ang Mga Street Foods Kesa Mamahaling Pagkain


Sigurado, marami sa atin ang naniniwala na madalas kumain sa mga mamahaling restaurant ang mga artista. Ngunit, maniniwala ka ba na mahilig sa mga pagkain kalye o mga street foods ang ilan sa mga kilalang artista na ito?

Narito ang ilang mga prestihiyosong mga artista na mahilig kumain ng mga street foods:

1. China Cojuanco

Si China ay pamangkin ng dating presidente na si Cory Cojuangco Aquino at kapatid ni Mikee. Isa din siya sa mga kilalang Chef sa China.


Isa din siya sa mga personalidad na mahilig kumain ng mga street foods hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa. Ang mga paborito niyang street foods sa bansa ay ang fishalls, tokneneng, at iba pa. Ibinabahagi din niya ang mga street foods na kaniyang kinakain sa kaniyang Instagram account.

2. KC Concepcion

Si KC ay isa sa kilalang negosyante bukod sa pagiging anak ng dalawang magagaling na artista na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.


Paborito din niyang kainin na street foods ay ang choco banana na mabibili sa Osaka, Japan.

3. Anne Curtis

Taho naman ang paborito ng sikat na artista na si Anne Curtis. Ito ay kaniyang ibinahagi nang siya ay naging isa sa mga bisita ng Magandang Buhay.



4. Heart Evangelista

Si Heart Evangelista, asawa ng senador na si Chiz Escudero, ay paboritong kainin ang Pretzel na matatagpuan naman sa New York. Bukod pa dito, si Heart ay kilala bilang isang "fashion trends" at dumalo rin siya sa mga "fashion weeks" sa ilang mga lugar.



Kaya talagang nakakagulat na ang isang Heart Evangelista ay kumakain ng street foods. Ngunit, napanatili pa din ni Heart ang kaniyang pagiging classy kahit na ito ay mahilig sa street foods.

5. Gretchen Barretto

Si Gretchen Barretto ay kilala bilang isang "Crazy Rich Asian" dahil sa kaniyang mga mamahaling kagamitan, kasuotan, at magarbong pamumuhay. Mahilig si Gretchen sa pagkain ng pretzels at hotdogs.



Makikita din na sobrang natutuwa at sarap na sarap si Gretchen habang kinakain ang kaniyang street foods.
Source: The Relatable

No comments

Seo Services