Nito lamang Miyerkules, sinagot na ng actress na si Angel Locsin ang tungkol sa pagiging kabilang sa listahan ng Forbes Asia bilang "Heroes of Philanthropy" kasama ang ilang mga bilyonaryo, businessmen, at ilang sikat na personalidad.
Ayon sa actress, nais niyang magbigay ng inspirasyon sa marami na magbigay ng tulong para sa mga taong nangangailangan.
Ibinahagi din ni Locsin ang tweet ng Forbes Asia tungkol sa kaniyang pagiging kasama sa "Heroes of Philanthropy".
Saad ng actress,
"I never thought @ForbesAsia woulf ever mention my name. Thank You! Filipinos have always been known for 'bayanihan'".
"I'm nowhere near being a billionaire, but I try my best to do my part in my own way little way. I hope this would inspire other people to help as well."
Si Locsin ay nakilala bilang isa sa mga kasama sa "Catalyst for Change" dahil sa kaniyang pagiging active sa pagtulong at pagbibigay ng mga relief goods sa mga taong naapektuhan ng kalamidad sa Pilipinas.
Isa rin sa Pilipino na nasa listahan ay si Hans Sy ng SM Group na mayroong net worth na Php878 bilyon.
Ayon sa Forbes Asia, si Locsin ay nagbigay ng nasa Php1 milyon bilang tulong sa mga taong naapektuhan ng pagtama ng malakas na lindol sa Mindanao. Siya din ay nagbahagi ng relief goods para sa mga ito.
Sa loob ng sampung taon, ang donasyon na ibinigay ni Locsin ay nasa Php15 milyon sa ilang mga programa katulad ng para sa edukasyon, indigenous people, at anti-violence laban sa mga kababaihan at mga bata, maliban sa mga relief goods na kaniyang ibinibigay sa mga naapektuhan ng kalamidad sa bansa.
Sinabi din ni Locsin na hiling niya na sana ay maging isa siyang magandang halimbawa para sa marami, sa pamamagitan ng kaniyang mga adbokasiya.
Ani ng actress, “It’s like taking little steps towards substantive, holistic change for the future of the next generations."
“The only motivation we need is being part of humanity.”
Source: The Relatable
No comments