Ayon sa Republic Act No. 10898, ang sino mang Pilipino na aabot sa edad na isang daang tao ay mabibigyan ng cash gift na nagkakahalagang P100,000.
Sa kasamaang palad ay may ilan pa din sa ating mga kababayan ang hindi agad nakatatanggap ng nasabing cash gift. Minsan ay inaabot pa ng ilang taon bago nila ito makuha.
Katulad na lamang ni Lola Juana Pulga na magdiriwang ng kanyang ika-111 kaarawan noong nakaraang Mayo 20.
Sa Facebook post ni Kathlyn May Mallari Acudesin, ang apo ni lola Juana, nanawagan siya at humingi ng tulong na sana raw ay makuha na ng kanyang lola ang centenarian gift dahil mahigit isang dekada na ang nakalipas magmula nang ito ay umabot sa 100 taong gulang.
Lola Juana Pulga / Photo credit: Kathlyn May Mallari Acudesin
Lola Juana Pulga / Photo credit: Kathlyn May Mallari Acudesin
Kasalukuyang nakatira si lola Juana sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Humingi rin ng tulong si Kathlyn sa mga netizens upang mayroon pambili ng gamot at prutas para sa kanyang lola.
Narito ang kanyang buong post:
“Magandang Araw po sa inyong Lahat Humihingi po Sana ako ng konteng Tulong para po sa Aking Lola na si Juana Pulga Kasalukuyan po siyang Nakatira sa kanyang Anak na Si Danilo Pulga na Nakatira po Sa BLK 60 LOT 14 BB-3 SAN JOSE DEL MONTE BULACAN. Ang Lola ko po ay isang Centenaryan Ang kanya pong Edad Ay 111 po ngayong Darating Na Mayo 20 ,2021 kasalukuyan hindi pa po siya nakakatanggap ng 100,000 Sana matulungan niyo po Kami Kahit Pambili lang po ng Prutas Gatas at Pampers nya po . Maraming Salamat at Godbless po
Contact Number: 09530663160
Pashare Naman po Ng Post ko Salamat po.”
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
Samantala, ikinalulungkot namin na pumanaw na pala si lola Juana noong Hunyo 28, 2021.
Hindi rin nabanggit sa post ni Kathlyn kung natanggap ba ni lola Juana ang P100,000 cash gift bago ito pumanaw.
***
Source: News Keener
No comments