Frontliners, sila ang itinuturin nating mga bayani, ating pag asa, at tumultulong sa atin upang paglabanan ang sitwasyon na kinakaharap natin ngayon.
Sila ang higit na nagsasakripisyo bagaman hindi sapat pa ang nakukuha nilang pribelihiyo, labis pa rin silang hinahangaan ng karamihan sapagkat sila ang ating makabagong mga bayani.
Ibinahagi ni Nurse Luna, isang frontliner ng National Kidney and Transplant Institute, siya ay hemodialysis nurse na siyang nagbahagi ng kakaiba ngunit talaga namang kukurutin ang ating puso sa malasakit na ipinamalas niya para sa batang pasyente.
Walang kasama ang bata at hindi ito pwedeng malapitan ng khit sinong kamag anak dahil sa kalagayan nito, kaya naman pinuntahan ito ni Nurse Luna upang pakalmahin.
"He was so anxious, fussy and even angry to not let anyone touch him. I lean towards the glass but I saw his furrowed brow, wrinkled forehead, closed eyes and angry appearance." ayon kay Nurse Luna.
"I walk closely beside him and approached this li'l patient. I wanted to distract him so he will stop cryin', suddenly I hold his hand but at that very moment, he don't want it." dagdag pa nya.
"So, I grab a pair of surgical gloves, tied it with finger interlace, comfort him with my imaginary hand"
Kaya naman gumawa ng paraan ang Nurse upang kumalma ang batang pasyente, sa pamamagitan ng surgical gloves na ginawa niyang "imaginary hand".
Hindi nabigo si Nurse Luna na palubagin ang loob ng bata, nang ito ay nakatulog na.
"It's like he was just so secured with those tiny softy hand touch that made him calm and sleep"
Ang "Therapeutic approach" na ito ay may malaking maitutulong para sa mga pasyente, lalo na sa mga Covid-19 patients, na maramdaman man lang nila na may "kamay" na nakaalalay sa kanila habang nakikipaglaban sa mapanganib na virus, ayon pa kay Nurse Luna.
Nawa ang sitwasyong ito ay magbigay pansin para sa mga Fronliners natin na nagbubuwis din ng buhay, nawa ay mabigay ang suporta at benepisyo na para sa kanila.
At para sa lahat naman ay makipagtulungan tayo na hindi na kumalat ang virus, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga patakaran ng new normal upang maiwasan na madagdagan pa ang kanilang gagamutin.
Saludo kami sa inyo sa mga Frontliners. Aming mga Bagong Bayani.
***
Source: KAMI
Source: News Keener
No comments