Binatikos ng ilang artista ang ipinatupad na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ng gobyerno mula sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Noong nakaraang Marso 29-April 4 ay isinailalim sa ECQ ang NCR kasama ang Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal. Na-extend naman ito hanggang April 11.
Kahapon April 11 ay inanunsiyo ng gobyerno na mula ECQ ay gagawin ng MECQ ang NCR at ilang nabanggit na probinsiya.
Hindi naman nabanggit ng otoridad kung mayroon bang mga bagong guidelines sa ilalim ng MECQ.
Dahil dito ay binatikos nanaman ng ilang artista ang gobyerno.
“P*ny*ta! Kulang kulang mag report! Ipagpapabukas pa kung ano pagkakaiba ng ECQ sa MECQ! Pero dami time mag liwaliw sa Malacañang! Basurang gobyerno!” sabi ni Yen Santos.
“May guidelines na ba for MECQ? Nalilito na ko, sorry na, honest question to, wag nyo ako ibash,” sabi naman ni Gabbi Garcia.
"Ano nga ulit yung MECQ? Can't find the infographics anymore - does anyone have one?” tanong naman ni Janine Gutierrez.
Sumagot naman ang isang netizen kay Janine ay sinabing maghintay nalang ito ng announcement.
“Ay hindi pa po talaga sila nag-aanounce. Bukas pa daw. Wait mo rin.”
“Ayun na nga. Intay muna ulit. Mahirap talaga magplano sa gobyernong walang plano para sayo. Kapit!” reply ni Janine.
Source: News Keener
No comments