Bishop Pabillo umalma sa pahayag ni Roque na "Un-Christian"

Noong April 10, Sabado, ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na na-admit siya sa isang hospital matapos niyang magpositibo sa C0VID-19. 
Manila Bishop Broderick Pabillo and Presidential Spokesperson Harry Roque / Photo credit: Interaksyon and PTVnews

Dahil dito ay umani ng batikos si Roque mula sa mga netizens dahil ang mga ordinaryong mamamayan ay hindi basta basta tinatanggap ng mga hospital. Kailangan pa nilang pumila ng mahaba at maghintay ng matagal.

Nang tanungin si Roque kung papaano ito natanggap kaagad ng hospital ay ganito ang kanyang isinagot, "With all due respect, that is an un-Christian question."

Samantala, hindi naman nagustuhan ni Manila Bishop Broderick Pabillo ang naging sagot ni Roque. 

Aniya, "It was uncalled for na bansagan mo ang mga taong nagtatanong nang maayos naman at legitimate naman ang question. Hindi. Papaano naging 'un-Christian' 'yon? It was an innocent question."

"'Yan ang problema. Pag nagtatanong, sa halip na sagutin ang tanong, ad hominem ang kanilang sagot, titirahin ang nagtatanong. Hindi naman tama 'yon," dagdag ni Pabillo.

Narito naman ang ilang komento ng mga netizens sa Twitter:






Kilala si Pabillo na kritiko ng Duterte administration. Matatandaang binatikos rin siya ng mga netizens matapos niyang magsagawa ng misa habang tinatalakay ang Federalismo at tuligsain si Pangulong Rodrigo Duterte.
Photo credit: Netizens Journalism
Photo credit: Netizens Journalism
Photo credit: Netizens Journalism


***
Source: Spot

Source: News Keener

No comments

Seo Services