Mark Anthony Fernandez nagsalita na patungkol sa kontrobersyal isyu ng kanyang C0VID-19 vaccination

Nagsalita na ang aktor na si Mark Anthony Fernandez patungkol sa kanyang AstraZeneca C0VID-19 vaccine noong Marso 22 sa vaccination center ng Parañaque City.
Mark Anthony Fernandez / Photo credit: PEP

Umani ng batikos ang aktor mula sa mga netizens matapos ang kanyang vaccination dahil hindi naman ito medical frontliner.

Inakusahan si Mark na hindi sumunod at tumalon sa pila dahil hindi raw siya kasama sa mga prioridad na mabakunahan.

Kamakailan ay ipinagtanggol na siya ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez at sinabing nasa listahan ng substitute at priority list si Mark dahil mayroon umano itong comorbidities na depression at hypertension.

Maging ang chief ng Parañaque City Public Information Office na si Mar Jimenez ay nagsabing naghintay ng matagal sa pila ang aktor bago ito mabigyan ng tirang bakuna.

Piniling manahimik ni Mark sa kasagsagan ng isyu ngunit ngayong Biyernes Santo, Abril 2 ay naglabas na ng kanyang pahayag ang aktor.
Mark Anthony Fernandez / Photo credit: PEP
Mark Anthony Fernandez / Photo credit: PEP

Ayon sa PEP, gusto na raw magsalita ni Mark upang malaman ng publiko ang katotohanan at para hindi na raw madamay ang mga inosenteng tao.

Aniya, "Itong official statement ko para hindi nami-mislead ang mga tao kasi yung iba, sila ang napapahamak because of me.

"Para hindi na sila mahirapan na magpaliwanag, ito ang official statement ko. Unang-una, nasa substitute list ako.”
Mark Anthony Fernandez / Photo credit to the owner
Mark Anthony Fernandez / Photo credit to the owner

"Pangalawa, kapag yung gamot, inilabas, mapapanis kapag hindi ginamit at since nasa substitute list ako, automatic, ako ang bibigyan.”

"Number 3, ako ang 'virtue' sa nangyari. Ang buhay ng tao ang nakasalalay dito, ang buhay ko ang nakasalalay."

Nakiusap rin si Mark na sana raw ay tigilan na ang pambabatikos sa kanya.

"Wala naman masama na alagaan ko ang sarili at ang health ko. Yun ang importante na word, buhay ang nakasalalay. May masama ba sa pag-aalaga sa sarili?”

"Huwag niyo naman gawin na masama ang isang mabuting bagay. Sana ayusin nila ang pagiging malisyoso,” sabi ni Mark.


***
Source: PEP

Source: News Keener

No comments

Seo Services