Isang taon na ang nakalipas matapos mangyari ang lockdown dahil sa pandemya na dulot ng Covid-19. Kung saan sa pangyayaring ito ay marami ang mga nagsarang establishimento at marami din ang naipit sa lock down na naging dahilan upang hindi agad nakauwi sakani-kanilang mga lugar.
Kabilang sa mga naipit sa lockdown noon March 16, 2020, ang isang Amerikano na si Dustin Borglin na 36 taong gulang, mula Michigan, na isang vlogger.
Si Dustin ay unang bumisita sa Cebu City at sa pagbisita niya sa lugar na ito ay talagang napamahal at nagustuhan niya ang lugar. Gayun din ang mabubuting katangian at ugali na pinakita ng mga Pilipino sakanyang pagbisita.
Kaya naman ng maistranded ito ay hindi niya inisip na mamroblema sa sistaswyon. Bagkus ay mas minabuti nito na tumulong sa mga kababayan nating Pilipino.
Sa mag-asawang Raymund at Reche Doptante ito nakituloy ng tahanan, na naging kaibigan nito noong una itong bumista sa lugar.
At dahil sa pamamalagi nito sa lugar ay mabilis na natutuo si Dustin sa kultura ng mga Pilipino at dagdag pa dito ay natuto din ito magluto ng iba’t-ibang Pilipinong potaheng ulam.
Dahil sa buti na pinakita ng mag-asawa kay Dustin, ay naisipan nito na regaluhan ang mag-asawa. Kung saan ay pinatayuan niya ito ng bahay.
“They’re like my family. I’ve known them for almost three years now, and they’ve just been so kind to me,”
Dagdag pa ni Dustin, ay alam niya ang hirap na pinagdadaanan ng mga tao sa bansa sa panahon ng pandemya kaya gumawa ito ng paraan upang makatulong at makapag pasalamat.
Isa ding pamilya ang kanyang pinagawan ng palikuran matapos malaman nito na sa kakahuyan lamang dumudumi ang mga ito.
Ang perang ginamit ni Dustin ay mula sa kita niya sa pagvvlog. Tuna’y ngang nakakainspired at kahanga-hanga ang busilak na puso ng amerikanong ito na handang tumulong sa kabila ng pandemyang nararanasan sa buong mundo.
Ang kanyang istorya ay nafeature din sa program Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan ay umabot na sa mahigit isang milyon ang nanood dito.
Kommento ng maraming netizen, ay nawa’y marami pa ang katulad ni Dustin na sakabila ng pagiging ibang lahi ay handang tumulong sa kapwa.
Source: The Relatable
No comments