Hanggang ngayon ay laman pa rin ng balita ang nag viral sa social media na lugaw na kung saan pinost ng grab food driver ang kanyang karanasan sa mga brgy. tanod ng San Jose Del Monte Bulacan.
Sa viral na ito ay tumatak ng husto sa mga netizens ang nasabi ng isang tanod na ang lugaw ay hindi essential at di papayagang makalusot sa barangay.
Umani ng mga batikos sa social media ang tanod na ito, sapagkat marami ang umalma sa kanyang paniniwala at pinanindigan na ang lugaw ay hindi essential sapagkat kaya daw natin mabuhay ng walang lugaw.
Sa ipinagtataka ng grab food delivery driver ay kung paanu nalaman ang pangalan ng babaeng tanod, at nakalap pa ng mga netizens ang larawan nito, sapagkat sa kanyang mga panayam, ni hindi nya binanggit ang pangalan nito.
Naging matindi ang mga batikos na tinamo ng barangay tanod, sa post umano ni Phez, pangalan ng tanod, may mga social media post na lumabas na tinanggal na ang female barangay official bilang taga-pamahala sa Violence Against Women and Children sa kanilang barangay sa San Jose del Monte Bulacan.
Ngunit ayon ke Marvin (Grab food delivery driver) ang lahat ng post na nakita sa social media na umano ay post ni Phez ay peke.
Kinumpirma ni Marvin na deactivated na ang Facebook account ng lady official kaya mga pekeng account ang pinagpipistahan ngayon ng netizens.
Incidentally, nagsara noong March 31, ang Lugaw Pilipinas, ang tindahan na pinagkunan ni Marvin ng lugaw dahil natakot ang may-ari sa banta ng mga barangay tanod at mga pulis.
Ngunit kinabukasan, April 1 muling nagbukas ang tindahan ng lugaw due to insistent public demand.
Dumami ang take-out at delivery orders sa tindahan ng lugaw at siya ang hinihiling ng mga kostumer na maghatid, pahayag pa ng Grab driver.
Nakatanggap din si Marvin ng alok na isang buwan na libreng supply ng lugaw para sa pamilya niya at chest bags para sa riders dahil sa kanyang paninindigan na essential food ang lugaw.
***
Source: PEP.ph
Source: News Keener
No comments