Source: News Keener
Source: News Keener
Isang magandang balita para sa mga hindi pa nakakapag apply at nagbabalak palang na mag parehistro sa National ID. Ngayong April 30, Friday ay sisimulan na ang online registration para sa National ID System. Ayon ito sa NEDA o National Economic and Development Authority.
Ayon kay Acting Socioeconomic Planning Secretary na si Karl Kendrick T. Chua, Ang nasabing National ID ay makaktulong upang mapadali ang transaksyon sa gobyerno at Negosyo.
“Isa sa layunin ng National ID ang pagbigay access sa serbisyong pinansyal na kadalasang nahahadlangan ng kawalan ng valid ID… Inaasahan din natin na sa pamamagitan ng National ID mapapadali ang mga transaksyon sa gobyerno at Negosyo”
Matatandaan din na nito lamang nakaraan Marso ay hinihikayat ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino na bigyan ng atensyon ang pagpaparehistro o pagkuha ng National ID System. Dahil umana, malaking ginhawa ang maidudulot nito.
Bagamat magiging online na ang registration ng National ID, kinakailangan pa din umano na pumunta sa registration centers ng mga aplikante para makapag bigay o makunan ng biometrics. Dagdag pa dito ay kinakailangan na magbukas din ng bank account kung wala pa ang mga ito.
Tunay ngang kahanga-hanga at nakakainspired ang ilang sa mga istorya ng mga Pinoy celebrities na dumaan muna sa hirap ng buhay at pinasok ang iba’t ibang trabaho bago marating ang kanilang kinatatayuan ngayon. Kung saan ito ang isa sa mga dahilan kung bakit mas naging matatag sila sa buhay para matupad ang kanilang pangarap.
Narito at kilalanin ang ilan sa mga Pinoy celebrities na nag trabaho bilang crew sa mga Fast Food Chain, bago na aabot ang tagumpay sa kanilang career sa Entertainement Industry.
1. Richard Gomez
Masasabing malayo na talaga ang narrating ng career ni Richard Gomez, kung saan ito ay naging isang athlete, model, at politician. Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay nagtrabaho din ito sa isa sa mga sikat na Fast food chain na “McDonal’s”.
2. Piolo Pascual
Sino nga ba naman ang hindi nakakakilala kay Piolo Pascual na isa sa pinaka sikat na actor sa bansa. Pero bago ito sumabak sa mundo ng showbiz ay nag trabaho ito bilang waiter noong ito ay highschool pa laman.
3. Jericho Rosales
Nagsimula ang kanyang magandang career matapos manalo bilang Mr.Pogi, kung saan dito ay nagsunod sunod na ang kanyang magagandang proyekto. Pero alam mo ba na bago maging matagumpay sa buhay ay naging fish vendor muna ito at pumasok din na crew sa fast food.
4. Coco Martin
Bago pa mag simula ang karera sa showbiz ng “Ang Probinsyano” star na si Coco Martin ay nag simula muna itong mag trabaho sa Max’s restaurant sa Fairview taong 2001.
5. Jak Roberto
Si Jack Roberto ay pinasok din ang iba-ibang trabaho bago mag simula ang kanyang career. Kabilang sa mga trabahong pinasok niya ay ang pagpipinta ng mga puntod sa mga sementeryo at naging crew din ito sa isang fast food.
6. Marvin Agustin
Marvin Jay Marquez Cuyugan o mas kilala bilang Marvin Agustin. Hindi mapagkakaila na malayo na ang narrating ng career nito sa mga Negosyo.
Pero bago pa ito mag tagumpay ay pinasok din ni Marvin Agustin ang iba’t-ibang trabaho. Kabilang na dito ang pagiging driver, mascot, clerk at naging waiter din ito.
7. Martin Nievera
Ang pamilya ni Martin Nievera ay may pag mamay-aari na restaurant sa Hawaii kung saan nagtrabaho ito dito bago lumipad sa Manila at tahakin ang kanyang career sa pagkanta.
8. Ronnie Liang
Si Ronnie Liang ay sumubok na pumasok sa anim na trabaho bago matapos ang kanyang pag-aaral. Sa kanyang panayam sa Pep.ph, ay kanyang ibinahagi ang kanyang mga pinagdaanan kung saan nagtrabaho din ito bilang crew sa isang sikat na fast food chain.
“Nag-work ako ng umaga, nag-aaral ako ng gabi. If you're familiar sa Video City dati, ngayon kasi wala na... and sa McDonald's, nag-deliver ako ng tubig. Yung salary ko before sa McDonald's was P18 per hour, Video City naman P20. Yung mga ganung struggles, just to finish my studies”
9. Gloc-9
Bago pa maging kilalang rapper at singer-songwriter si Aristotle Pollisco o mas kilala sa palayaw na Gloc-9. Naging service crew din ito sa iba’t ibang kilalang kainan para makatulong sa kanyang nanay.
Masasabing tunay ngang inspirasyon ang mga ito, na talagang masasabi na kapag may tyaga at hindi ka sumuko sa hamon ng buhay ay mapapagtatagumpayan mo rin ang iyong kinakaharap. At maaabot mo ang iyong pinapangarap na magandang buhay.
Sa panahon ngayon napakahirap humanap ng taong magmamahal sayo ng lubusan. Yung tipong mamahalin ka kung ano at sino ka talaga. Yung tanggap ka kahit ano pa ang iyong physical na katangian at ang tinitignan ay ang iyong panloob na katangian.
Kaya naman kung makatagpo ka ng taong ganito kung mag mahal ay masasabing napakaswerte mo na dahil bibihira ang taong ganon kung magmahal.
Katulad na lamang ng istorya na ito na naging usap-usapan sa socmed. Kung saan isang lalaki ang ibinahagi ang istorya ng kanyang labis na pagmamahal sa kanyang kasintahan na may kataasang timbang
Ayon kay Jeto Guanzon, ang pinakamahalaga ay ang pagmamahal “Love What Matters”. Ang kanyang post na ibinahagi sa socmed page na “Diary ng seaman” ay umabot na sa mahigit 230,000 shares at 70,000. Kung saan masasabing naging viral talaga ang kanyang ibinahaging istorya.
“She's my girlfriend. She's the one I love. Yes she's Big. Yes she's plus size. Yes she has great curves. And Yes I love her. I just wanna tell you that not all men want party girls and sexy girls. I love her just the way she is. I feel like I'm a better man when I'm with her. And to whoever wanna bash her you gotta deal with me. Because she is always, always worth fighting for,️" ayon kay Jeto Guanzon.
Tunay ngang kahanga-hanga ang mensahe ni Jeto Guanzon at dapat itong tularan ng karamihan. Na dapat ay wag tumingin sa panlabas na magagandang katangian ,na kung saan paglipas ng panahon ay maglalaho din.
Maraming netizens din ang naaintig sa sa kanyang ibinahagi kaya naman marami din ang ang nag bahagi ng kanilang kommento sa viral post na ito ni Jeto Guanzon.
“Ouch ingit much.. hahahaha ung huling ex ko plus size sya.. sobrang mahal ko sya khit plus size sya pero nagawa nya prin akong iwan at nag hanap sya ng iba.. ouch dba.. hahahha stay strong sa inio.. swerte nyong dalawa kc merong kyong true love..”
“madami parin talagang lalaki ang di tumitingin sa panlabas.. mas mahal nila ang kung anung nakikita nilang maganda kesa sa panget sa tingin ng iba.... keep it up kuya.. napakaswerte ni ate sayo kasi minahal mo xa kung sino at anu pa xa.. ”
“always remember that....beauty and body figure fades...but the goodness of a person...in and out...last a lifetime... and always put GOD as the center of your relationship no matter what happen he will direct your path into a better future..good luck and God bless...”
“wish it's meehh. love u both....stay on the right path forever...god bless the both of u...and yehs i will...of course i will find myself wanting someone too..and it's not about face or background or whatevs...people look down on me..bla....don't matter as long as i have my family....and love is what matters there sure to be #LOVE w/out it i don't think i can breath for more than 5 mins...love u both....mahal mahal is what we all seek and reach”
Nawa’y marami pa ang maging katulad ni 3rd Officer Jeto Guanzon.
Bilang isang celebrity o influencer napakalaking opportunidad talaga ang makatanggap ng isang endorsement. Kung saan maaari itong magdala ng malaking popularidad at maaari ka din kumita ng malaki.
Kaya naman isa din ito sa mga dahilan kung bakit napakabilis ang pag unlad ng katayuan ng mga celebrities na nakakatanggap ng ganitong invitation.
Pero sino-sino nga ba ang mga celebrity na madalas na makatanggap ng endorsement? Narito ang listahan ng mga most-indemand at most popular na celebrity endorsers (Ang listahan na ito ay base sa numero ng mga brand na kanilang inendorse sa taong 2009).
5. Dindong Dantes
Kung nasa pangatlo ang kanya asawa na si Maria Rivera, nasa pang limang posisyon naman si Dindong Dantes para sa pinaka most-indemand celebrity endorser. Ito naman ang listahan ng kanyang bago at lumang endorsement projects.
List ng bagong niyang endorsements: Bench, San Marino Corned Tuna, San Mig Light Beer, Gran Matador Brandy, Medicol, TM Mobile Network, My Phone, National Bookstore
List ng nakaraang niyang endorsements: Johnson&Johnson, Pond's Pinkish White Cream
4. Kim Chiu
Nasa pang-apat na posisyon naman si Kim Chiu para sa most-In demand celebrity endorsers. Narito ang listahan ng kanyang endorsement projects.
List ng bagong niyang endorsements : Enervon Multivitamins, Rejoice, Whisper Sanitary Napkins, Ph Care Feminine Wash, Smart Buddy, Smart Sandbox, Voice Combo Sandwich, Bench
List ng nakaraang niyang endorsements: Jollibee, Close-up, Nescafe, Coke
3. Marian Rivera
Pangatlo naman sa listahan ng most-in demand celebrity endorsers si Marian Rivera. Narito ang listahan ng kanyang mga endorsement projects.
List ng bagong niyang endorsements:SM Development Corporation, San Marino Corned Tuna, San Mig Light Beer, Jag Jeans, Nesvita Cereal Drink, MaxiPeel, Fit 'n Right, Sunsilk Shampoo, Gran Matador Brandy, PLDT Landline Plus, PLDT Reloadable Card, Natasha Beauty Cosmetics, Jag Jeans, Laserlight Hair Removal
List ng nakaraang niyang endorsements: Blue Water Day Spa, Skin White Lotion
2. Sarah Geronimo
Pumapangalawa sa listahan sa most-in demand celebrity endorsers si Sarah Geronimo.
List ng bagong niyang endorsements : Globe Tattoo Youniverse, Unica Hija, Lucky Me Pancit Canton, Sunsilk shampoo, Cebuana Lhuiller, Vaseline Healthy White Lotion, Lady's Choice Mayonnaise, AMA Medical, Nursing, and Computer Schools, Careline, Mr. Clean
List ng nakaraang niyang endorsements: Hapee Toothpaste, HerBench
1. Kris Aquino
Taong 2008 ay kinilala na siya bilang top celebrity endorser sa bansa. Narito ang mga brands na kanya nang inendorse sa TV,Magazines at pahayagan.
List ng bagong niyang endorsements: Maggi Mix, Goldilocks, Kashieca, Eight o' Clock, 555 tuna, Pantene Shampoo, San Miguel Beer, Pampers Diapers, Smart Communications, Gynepro Feminine Wash, San-San Cosmetics, Eurotiles, Philip Stein Watches
List ng nakaraang niyang endorsements: Purefoods Chunkee Corned Beef, Casino Femme Rubbing Alcohol, Heartvit Food Supplement, Oishi Prawn Crackers, Magnolia Chicken, San Miguel Supremo Vinegar, White Cat Detergent
Talaga naman kahanga-hanga ang mga artista na nagkakaroon ng madaming endorsement katulad na lamang ng mga nabanggit sa ating listahan. Kung kayo ay may nais na gustong gawan naming ng list, ay maaari kayong magkommento sa post na ito.
Sino nga ba naman ang hindi nakakakilala kay Sheryn Regis na kilalang singer sa showbiz industry.
Siya ay unang nakilala sa isang singing competition na “Search for the Star in a Million” kung saan siya ang tinanghanl na first runner up sa competition na iyon, taong 2003. Samantalang si Erik Santos naman ang tinanghal na champion.
Matapos nitong manalo sa competition ay lalo itong sumikat matapos makilala ang kanyang mga kanta sa palabas sa ABS-CBN. Ilan sa mga ito ay ang kanta na ginamit sa palabas na Marina, Krystala, Kapanerang Kuba, Gulong ng palad, Maria Floredeluna at Prinsesa sa Banyera.
Hindi mapagkakaila ang husay ni Sheryn sa pagkanta kaya naman masasabi na tumatak talaga sa puso ang kanyang mga awit na naging dahilan upang lalong sumikat ito.
Ngunit sa kabila ng kasikatan at mga naabot na tagumpay nito. Hindi din ito nakaiwas sa pagsubok ng buhay kung saan kamakailan nga ay naging emosyonal ito matapos makapanayam sa programang “Magandang Buhay”.
Dito ay kanyang ibinahagi ang pinagdadaanang karamdaman nito na “throid c*ncer”. Kung saan kanya din sinabi na sumailalim ito sa surgery na kung saan ay hindi raw alam ng kanyang mga magulang.
Dagdag pa nito, sa Cebu niya nalaman na mayroon siyang sakit at maniabuti niya na sa Cebu na lang din gawin ang kanyang treatment.
Ibinahagi din sakanyang panayaman na hindi nito mapigilang matakot at nakaranas din ito ng depression dahil sa pag-iisipin nito sakanyang karamdaman. Pinipilit umano niyang maging positibo sa sitwasyon ngunit talagang hindi maiwasan na makapag isip-isip ng mga bagay-bagay.
Ngayon ay makikita si Sheryn na nasa magandang kondisyon at malusog, bagamat patuloy ang kanyang paggagamot upang mapanatili ang kanyang malusog na katawan. Sa ngayon ay isa nang c*ncer free si Sheryn bagay na kanyang pinagpapasalamat.Narito ang video ng panayam sakanya sa programang “Magandang Buhay”, video mula sa ABS-CBN Entertainment.
Talaga namang kahanga-hanga ang pagiging matatag ni Sheryn sakabila ng kanyang mga pinagdaanang sakit. Patunay na hindi dapat na mawalan ng pag-asa sa anumang pagsubok.Ang pagiging magulang ay isa sa malaking responsibilidad ng mag asawa. Lalo nat kung mayroon ng mga anak.
Hindi biro ang pagpapalaki ng mga anak simula sa isilang ang mga ito hanggang sa turuan ng mga bagay na dapat nilang sundin habang sila ay lumalaki.
Kagaya nalamang ng pag training ni Iya sa kanyang mga anak. Marami ang na inspired at humanga sa ginawang pagtratraining ni Iya sa mga anak nito mula kay Primo hanggang sa bunsong anak na si Alana.
Ayon pa kay Iya mas mainam daw simulan ang potty training sa mg bata, dahil kapag malaki na ito mahirap ng turuan.
"Medyo a little harder when they're bigger because they're stronger and [they] resist sitting on the toilet. That's why I prefer to start early"
Mas mabuti din raw na alamin ang oras ng pagbabawas ng mga anak.
"Take them when you know they normally poop,like in the morning or before bath time,and make it a routine" dagdag pa niya. It can be in the morning or 30 minutes after feed or it can be before bath time"
Mainam din ang paglagay ng cotton sa kama ng sa gayon hindi na gagamit ng diaper.
"You can find really good ones na cotton. Para lang din siyang kumot"
Mahalaga ang pagturo sa mga bata ng mga ganitong gawain. Dahil dito kaya nila itong dalhin habang sila ay lumalaki.
Ano nga ba ang Potty Training?
Ang potty training ay ang pag tuturo sa anak ng pagbabawas ng dumi sa mura nila nitong edad. Ito rin ay isang paraan para maka save sa diaper at para hindi na ganoon ka kalat sa loob nga bahay.