9 Male Celebs Na Nagtrabaho Muna Sa Fast Food Bago Pumasok Sa Showbiz

Tunay ngang kahanga-hanga at nakakainspired ang ilang sa mga istorya ng mga Pinoy celebrities na dumaan muna sa hirap ng buhay at pinasok ang iba’t ibang trabaho bago marating ang kanilang kinatatayuan ngayon. Kung saan ito ang isa sa mga dahilan kung bakit mas naging matatag sila sa buhay para matupad ang kanilang pangarap.

Narito at kilalanin ang ilan sa mga Pinoy celebrities na nag trabaho bilang crew sa mga Fast Food Chain, bago na aabot ang tagumpay sa kanilang career sa Entertainement Industry.

1. Richard Gomez

Masasabing malayo na talaga ang narrating ng career ni Richard Gomez, kung saan ito ay naging isang athlete, model, at politician. Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay nagtrabaho din ito sa isa sa mga sikat na Fast food chain na “McDonal’s”.

2. Piolo Pascual

Sino nga ba naman ang hindi nakakakilala kay Piolo Pascual na isa sa pinaka sikat na actor sa bansa. Pero bago ito sumabak sa mundo ng showbiz ay nag trabaho ito bilang waiter noong ito ay highschool pa laman.

3. Jericho Rosales

Nagsimula ang kanyang magandang career matapos manalo bilang Mr.Pogi, kung saan dito ay nagsunod sunod na ang kanyang magagandang proyekto. Pero alam mo ba na bago maging matagumpay sa buhay ay naging fish vendor muna ito at pumasok din na crew sa fast food.

4. Coco Martin

Bago pa mag simula ang karera sa showbiz ng “Ang Probinsyano” star na si Coco Martin ay nag simula muna itong mag trabaho sa Max’s restaurant sa Fairview taong 2001. 

5. Jak Roberto

Si Jack Roberto ay pinasok din ang iba-ibang trabaho bago mag simula ang kanyang career. Kabilang sa mga trabahong pinasok niya ay ang pagpipinta ng mga puntod sa mga sementeryo at naging crew din ito sa isang fast food.

6. Marvin Agustin

Marvin Jay Marquez Cuyugan o mas kilala bilang Marvin Agustin. Hindi mapagkakaila na malayo na ang narrating ng career nito sa mga Negosyo.

Pero bago pa ito mag tagumpay ay pinasok din ni Marvin Agustin ang iba’t-ibang trabaho. Kabilang na dito ang pagiging driver, mascot, clerk at naging waiter din ito.

7. Martin Nievera

Ang pamilya ni Martin Nievera ay may pag mamay-aari na restaurant sa Hawaii kung saan nagtrabaho ito dito bago lumipad sa Manila at tahakin ang kanyang career sa pagkanta.

8. Ronnie Liang

Si Ronnie Liang ay sumubok na pumasok sa anim na trabaho bago matapos ang kanyang pag-aaral. Sa kanyang panayam sa Pep.ph, ay kanyang ibinahagi ang kanyang mga pinagdaanan kung saan nagtrabaho din ito bilang crew sa isang sikat na fast food chain.

“Nag-work ako ng umaga, nag-aaral ako ng gabi. If you're familiar sa Video City dati, ngayon kasi wala na... and sa McDonald's, nag-deliver ako ng tubig. Yung salary ko before sa McDonald's was P18 per hour, Video City naman P20. Yung mga ganung struggles, just to finish my studies”

9. Gloc-9

Bago pa maging kilalang rapper at singer-songwriter si Aristotle Pollisco o mas kilala sa palayaw na Gloc-9. Naging service crew din ito sa iba’t ibang kilalang kainan para makatulong sa kanyang nanay. 

Masasabing tunay ngang inspirasyon ang mga ito, na talagang masasabi na kapag may tyaga at hindi ka sumuko sa hamon ng buhay ay mapapagtatagumpayan mo rin ang iyong kinakaharap. At maaabot mo ang iyong pinapangarap na magandang buhay.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services