Sheryn Regis, Ibinahagi Ang Mabigat Na Pagsubok Sa Kalusugan Na Kanyang Pinagdadaanan Ngayon

Sino nga ba naman ang hindi nakakakilala kay Sheryn Regis na kilalang singer sa showbiz industry.

Siya ay unang nakilala sa isang singing competition na “Search for the Star in a Million” kung saan siya ang tinanghanl na first runner up sa competition na iyon, taong 2003. Samantalang si Erik Santos naman ang tinanghal na champion.

Matapos nitong manalo sa competition ay lalo itong sumikat matapos makilala ang kanyang mga kanta sa palabas sa ABS-CBN. Ilan sa mga ito ay ang kanta na ginamit sa palabas na Marina, Krystala, Kapanerang Kuba, Gulong ng palad, Maria Floredeluna at Prinsesa sa Banyera.

Hindi mapagkakaila ang husay ni Sheryn sa pagkanta kaya naman masasabi na tumatak talaga sa puso ang kanyang mga awit na naging dahilan upang lalong sumikat ito.

Ngunit sa kabila ng kasikatan at mga naabot na tagumpay nito. Hindi din ito nakaiwas sa pagsubok ng buhay kung saan kamakailan nga ay naging emosyonal ito matapos makapanayam sa programang “Magandang Buhay”.


Dito ay kanyang ibinahagi ang pinagdadaanang karamdaman nito na “throid c*ncer”. Kung saan kanya din sinabi na sumailalim ito sa surgery na kung saan ay hindi raw alam ng kanyang mga magulang.

Dagdag pa nito, sa Cebu niya nalaman na mayroon siyang sakit at maniabuti niya na sa Cebu na lang din gawin ang kanyang treatment.

Ibinahagi din sakanyang panayaman na hindi nito mapigilang matakot at nakaranas din ito ng depression dahil sa pag-iisipin nito sakanyang karamdaman. Pinipilit umano niyang maging positibo sa sitwasyon ngunit talagang hindi maiwasan na makapag isip-isip ng mga bagay-bagay.

Ngayon ay makikita si Sheryn na nasa magandang kondisyon at malusog, bagamat patuloy ang kanyang paggagamot upang mapanatili ang kanyang malusog na katawan. Sa ngayon ay isa nang c*ncer free si Sheryn bagay na kanyang pinagpapasalamat.

Narito ang video ng panayam sakanya sa programang “Magandang Buhay”, video mula sa ABS-CBN Entertainment.

Talaga namang kahanga-hanga ang pagiging matatag ni Sheryn sakabila ng kanyang mga pinagdaanang sakit. Patunay na hindi dapat na mawalan ng pag-asa  sa anumang pagsubok.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services