Marami na ang na-scam ng mga taong nagpapanggap na nagtatrabaho umano sa mga bangko ngunit ang totoo ay modus lamang ito ng mga kawatan upang makapanloko ng kapwa.
Sa Facebook post ng isang netizen, ibinahagi nito ang bagong modus ng mga kawatan upang makuha nila ang access natin sa ating mobile banking.
Naniniwala si Richelle Anne De Guzman na ‘inside job’ ang modus na ito dahil alam mismo ng mga manloloko ang ilan sa ating mga ’information o personal details’.
“Sa tingin ko, inside job ito dahil nakakapagtaka na alam nila ang personal informations ko.”
Ibinahagi ni Richelle ang video ng pag-uusap nila ng kawatan na talaga namang bihasang bihasa na sa panloloko at kung ikaw ay hindi maingat, siguradong mapapapaniwala ka nito.
Ayon kay Richelle, ang style raw ng mga kawatan ay sasabihing “for security enhancement daw” at “Tataasan daw ang credit card limit mo” pagkatapos ay papaniwalain ka nilang legit silang nagtatrabaho sa bangko.
Mabuti na lamang at maingat si Richelle dahil nung hinihingi na ng kawatan ang One Time Password (OTP) sa kanya ay hindi niya ito ibinigay.
“Magiingat talaga kayo. Never share your OTP CODE!! Ikaw lang dapat ang nakakaalam, nakakaaccess at pwedeng mag enter sa mga transactions mo,” sabi ng netizen.
Nagbigay rin ng payo si Richelle na sabihan natin ang ating mga kaibigan at kapamilya upang hindi maloko ng ganitong klase ng modus.
Panoorin ang video sa ibaba:
Basahin ang kanyang buong post sa ibaba:
"BAGONG MODUS/SCAM NG BANGKO!
Mag iingat po sa mga nagMomobile or may online banking at merong CREDIT CARD. Possible reasons bakit sila tatawag: 1. for security enhancement daw. 2. Tataasan daw ang credit card limit mo. Merong mga walanghiyang magnanakaw na tumatawag na representative daw ng Bangko.
Nangyari to sakin kahapon, from BPI daw sya. Inentertain ko para malaman ko paano yung ginagawa nila at para mamura ko rin tong mga kupal na to. Sa tingin ko, inside job ito dahil nakakapagtaka na alam nila ang personal informations ko.
So may video na lang akong ginawa para mas maexplain ko, sorry kung may nabanggit akong ibang terms at specific banks kasi nangyari na ito samin pero BDO naman, nakuhanan ng pera kaya alam ko na yung ganitong modus.
For security enhancement daw tong calls, na recorded pa daw! Kapal talaga. Kukuhanin talaga ang loob mo. Magiingat talaga kayo. Never share your OTP CODE!! Ikaw lang dapat ang nakakaalam, nakakaaccess at pwedeng mag enter sa mga transactions mo.
Pls watch the full video ng explanation ko, and pakinggan nyo yung conversation namin ni ate girl na kulang pa sa practice maging customer service. Pasensya na malikot ang video.
Fast forward at nakamute po ang acct number and username ko.
Para sa kaalaman ng iba kasi baka may magsabi na bakit ko binigay acct at username ko. Bnigay ko talaga para malaman ko paano nila ginagawa ito, wala naman pong problema kahit ibigay ko dahil di rin nila naopen acct ko.
Beware!! Sabihan nyo mga family and friends na may mobile banking. Stay safe"
Sa ngayon ay umabot na sa 3.6k shares ang post ni Richelle.
Basahin ang ilang komento ng mga netizens sa ibaba:
***
Source: News Keener
No comments