Jacklyn Jose, May Mensahe Sa Anak Na Si Andi Tungkol Sa Pagiging Ina Nito NA Nagpaluha Sa Lahat

Maraming netizen ang napukaw ang damdamin sa mensahe na ibinahagi ng sikat na aktres na si Jackly Jose sakanyang Instagram account na @jaclynjose. Sa kanyang post ay ibinahagi nito ang tunay na saloobin sakanyang anak na si Andi Eigenmann.

Ayon sa batiking aktres, labis nitong hinahangaan ang kanyang anak dahil sa kung anong meron siya sa buhay ngayon at kanya ding pinuri ang pagpapalaki nito sakanyang anak.

Dagdag pa ni Jackly Jose, humihingi ito ng kapatawaran sa mga pagkukulang nito. Ipinabatid din nito sakanyang post na mahal na mahal nito ang anak at lagi itong nakasuporta sakanya.

Narito ang mga post na ibinahagi ng aktres sakanyang IG account na  @jaclynjose:

"Anak hinahangaan kita sa kung meron ka buhay ngayon..napaktapang mo sana ako din..ang ganda ng pag papalaki mo sa mga bata sorry sa lahat pag kukulang ko..binago ko kasi yung word na typo .mali...bago lang phone ko d pako sanay pasensiya na po. Anak mahal na mahal kita at support ko lahat ng ginagawa mo..mag ingat palagi..”

Umabot na sa mahigit 13,000 ang pumuso at nag like sa Instagram post ng aktres, na kanya lamang binahagi nitong March 22, 2021.

Ang napakatamis na mensahe na ito ng aktres ay hinangaan ng maraming netizens online, kung saan isang patunay na iba ang pagmamahal ng isang ina sakanyang anak.

Ilan sa mga netizens din ang hindi napigilan na magbahagi ng kanilang komento sa aktres.

Nkka inspired kau ms.Jaclynjose. Napaka supportive mother at lola nya po...para sa kaligayahan ng anak...saludo po ako sau...


“Andi is an inspiring woman of what she’s gone through, she’s brave and yet amazing 🤩

Her children super adorable 🥰 I’m enjoying watching their videos.”

"You're an amazing mama, Ms. Jaclyn. She has that good heart because she got it from you."

Tunay nga namang nakakainspired ang mensahe ni Jackly Jose sa anak. Isang paalala na kahit ano pa ang hinaharap sa buhay at pinagdadaanan ay meron isang ina na laging nariyan upang sumporta sa kanyang anak.


Source: The Relatable

wokes Wednesday, March 31, 2021
Fishball Vendor, Isang Inspirasyon Dahil Napagtapos Ang 4 Na Anak Sa Kolehiyo

Sa panahon ngayon hindi biro ang makapag patapos ng mga anak sa pag-aaral. Lalo’t hindi biro ang mga gastusin na kinakailangang bayaran upang masuportahan ang mga ito.

Pero pinatunayan ng isang tatay na kahit mahirap ay kakayanin nito basta’t para sa kanyang mga anak.

Pinatunayan ito ng isang tatay na nagawang mapagtapos ang kanyang 4 na anak sakabila ng pagiging fishball vendor nito. Marami ang humanga sa istorya na ito na ibinahagi sa socmed ni Girlie Verzosa.

Ayon sa anak na si Girlie Verzosa, Habang sila ay lumalaki ay madalas na nabubully sila dahil sa kanilang tatay kung saan ay inaasar na isa lamang hamak na fish ball vendor. Pero sa kabila nito ay patuloy na naging matatag ang kanilang tatay at hindi sumuko.

Narito ang ibinahaging mensahe ni Girlie sakanyang post:

“Hindi ko malilimutan yung mga taong nagsabi samin na ‘Anak lang yan ng magfifishball’, ‘Wag nating kaibiganin kasi di sya level satin’…. haaay…. Buti na lang tinuruan ako ng papa ko na maging natural lang,” 

“Anak, kung anong meron ka wag mo ikahiya… wag mong ipilit na mag-astang mayamn para lang kaibiganin ka ng ibang tao… maging natural ka lang.”

“Grabe pala “SINONG NAGSABI NA FISHBALL LANG” kung apat na kolehiyo ang nakatapos ng dahil dun …masasabi ko lang tlga …na walang trabaho na Marangal ang dapat ikahiya 

Kung nanliliit ang mundo sa estadong meron ka …mas lalo mong ipagmalaki …dahil inggit lang sila dahil kung minsan kung sino pa may maayos na katayuan sa buhay …sila pa yung ayaw magsipagtapos sa pag-aaral … Pero ikaw …kahit na anong pangmamaliit pa sakin …may diploma na ko …sisigawan ko na lang sila 


Sa kabila ng pangmamata sa kanilang tatay ay tumanim sa kanila ang mabubuting pangaral nito. Na nag resulta upang hindi nila pansinin ang mga hindi magandang binibitawang salita sakanila ng iba. At sa huli ay naging lakas din nila ito upang magtagumpay at makatapos ng pag aaral.

Tunay nga namang kahanga-hanga ang pagsisikap ng kanilang tatay para makapagtapos sila ng pag-aaral at masasabing kahanga-hanga din ang mga pangaral nito sa kanyang mga anak.

Nawa’y ang istorya na ito ay makapagbigay ng inspirasyon sa iba pang magulang nag nahihirapan sa pagpapaaral sakanilang anak.


Source: The Relatable

wokes
Batang Nag-Positibo Sa C0V1D-19, Mag-Isang Kinuha Ng Ambulansya, Kinaawaan Ng Mga Netizens

Mahigit sa isang taon na din ang nakalipas matapos magdeklara ang bansa ng total lockdown dahil sa pandemyang dulot ng C0V1D-10. Ngayon ay patuloy na namang umaangat ang bilang ng mga nagpopositibo sa sakit na ito.

Ito nga lang nakaraang lingo ay hindi bababa sa 7,000 na ang mga naitalang kaso. Na nag resulta upang ideklara ang mas mahigpit na General community quarantine (GCQ) sa ilang mga lalawigan sa bansa. Katulad sa NCR na tinawag na NCR plus.

Patunay ito na kinakailangan na sakabila ng tagal ng pagharap sa pandemya ay hindi dapat mag pabaya sa pag-iingat. Lalo’t walang pinipili na edad ang C0V1D-19 at kahit sino ay puwedeng tamaan nito.


Katulad na lamang ng nangyari sa anim na taong gulang na batang lalaki na naging usap-usapan ang larawan sa socmed. Ayon sa ibinahaging detalye, ang bata ay nahawa sa kanyang ina, na nauna nang dinala sa pagamutan.

Makikita sa larawan ang nakakahabag na pangyayari na mag-isa ang bata at may dala-dalang maliit na bag. Ito ay sinakay sa ambulansya upang madala sa pagamutan.

Tunay ngang nakakapagdulot ng lungkot ang larawan ng bata na walang kasama at buong tapang na nagpakuha upang madala sa pagamutan.

Ayon sa nagbahagi ng post. Ang bata ay kapiling na ng kanyang ina sa pagamutan kung saan sila ay magkasama na ng kwarto.

He is now staying in the same room with his mom in the hospital and a lot of people sent him some gifts to cheer him up

Ilang netizens ang nag bahagi ng kanilang komento sa nasabing larawan ng bata.

God bless you, little boy, and all the children infected by this virus. May the angels keep you company, guard you, and take care of you to full recovery. Prayers to all who are suffering because of this pandemic,”

Ang pangyayaring ito ay paalala rin sa lahat na patuloy mag-ingat at sundin ang mga health protocols upang hindi magkaroon ng virus. Na kung saan ay maaari niyo ring madala o maihawa sa ionyong pamilya at mga mahal sa buhay.


Source: The Relatable

wokes
Keanna Reeves minura si VP Robredo

Hindi napigilang murahin ni Janet Derecho Duterte o mas kilala bilang Keanna Reeves si Vice President Leni Robredo patungkol sa tila pagpapahayag nitong hindi maganda ang pamamalakad ng kasalukuyang administrasyon dahil sa pagkahiwa-hiwalay ng mga tao.
Keanna Reeves and Vice President Leni Robredo / Photo credit: Philippine Star and Daily Guardian

Sa isang interview kay Robredo sa Radyo Katipunan’s “All Kaps! Ateneo Level Up,” sinabi nitong dapat raw ay pag-usapan na ang tungkol sa 2022 elections kahit na mayroon tayong kinakaharap na pandemya.

Aniya, malaki raw ang nakasalalay sa darating na election.

Ako, tingin ko yung election sa 2022 dapat pag-usapan. Too much is at stake in 2022,” sabi ni Robredo.

Para sa akin, pag naghiwahiwalay tayo, baka ang resulta nito another six years of this kind of governance. Kayanin pa kaya natin?” dagdag ng bise presidente.
Photo credit: Daily Guardian

Dahil sa kanyang mga sinabi ay nagpakawala ng maaanghang na salita si Keanna.

Ayon sa Facebook post ni Keanna, parang hindi raw parte ng gobyerno si Robredo kung magsalita. 

Dagdag pa niya, wala raw nagawa si Robredo bilang bise presidente. Aniya, “Sana nagNPA ka nalang maintindihan kapa namin GAG*!!!”

Narito ang kanyang buong post:

“Kung magsalita ang hay0p!!! Sa kaBOB*han mo, bakit hindi kaba kasali sa gobyerno ngayon??? Ang taas ng position mo VP tapos wala kaman lang nagawa  HAY0P ka!!! Sana nagNPA ka nalang maintindihan kapa namin GAG*!!!

Dati hindi kita minumura pero bagay lang din pala sayo puro ka reklamo!!!

(Tips: Pag magpost kayo itagalog n’yo nalang ang bad words kasi baka iblock kayo ng FB)”

Narito ang ilang komento ng mga netizens:





***

Source: News Keener

wokes Monday, March 29, 2021
Lechon baboy sa kaarawan ni Duterte, regalo ng isang netizen

Ipinagdiwang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ika-76 na kaarawan noong Marso 28, 2021.
Photo credit to the owner

Isang larawan ni Duterte ang ibinahagi ni Senator Bong GO sa social media kung saan makikita itong tila hihipan ang kandilang nakatusok sa isang mangkok ng kanin.

Samantala, isang video naman ang mapapanood kung saan makikita ang buong handa sa lamesa ng Pangulo, kasama sa handaan ang isang lechong baboy.

Agad na binatikos ng mga kritiko ni Duterte ang kanyang handang lechong baboy.

Isa sa mga nagsalita ay si dating senador Antonio Trillanes IV. Aniya, panloloko raw umano ang ginawang photo op ng pangulo dahil nagkunwari itong mahirap.
Photo credit to the owner

Samantala, isang netizen ang sumagot kay Trillanes ay sinabing regalo umano niya ang lechon kay Duterte.

Huy ! Trillanes normal ang Lechon pag may Birthday ! FYI regalo ko yan,” ayon sa Facebook post ni Jocelyn Tapic, may-ari ng “Jaya’s Kitchen”.

Aniya, kahit nung nag 1 year ang kanyang negosyo ay namigay rin sila ng maramign lechon para sa mga frontliners.

Dagdag pa niya, sa bahay lamang ipinagdiwang ni Duterte ang kanyang kaarawan at hindi sa mamahaling hotel.

Narito ang buong post ni Jocelyn:

“Huy ! Trillanes normal ang Lechon pag may Birthday ! FYI regalo ko yan. ipagbirthday mo naman ang President. sarap kaya ng balat ng lechon hahaha. ikaw talaga TRILLANES wala ka na kasing maibabato sa Presidente kaya hayun nag Hallucinate ka na nman !

Eh! nung one year ng Food Ministry ng Jaya's Kitchen maraming Lechon ang pinamigay namin sa mga Frontliners ! At tsaka blind ka ba Trillanes ?nasa bahay lang si Presidente ! wala sa hotel ! Ikaw pala ang Manloloko at Stupid !

( As per PRRD labing limang apo at kasambahay ang kumain . ano pala ipapakain nya? )

Si Kris nga pala walang occassion ,breakfast lang ni Bimby ang Lechon.”

Photo credit to the owner

Kasama rin sa mga bumatikos sa lechon ni Duterte ay sina Bayan Muna Representative Ferdinand Gaite at Bayan Muna Secretary-General Renato Reyes.

"Acting poor for your birthday photo ops when you're not really poor is just mocking those who truly have nothing to put on their tables for their own birthdays," tweet ni Gaite.
Photo credit to the owner

Ah eto pala yung di nakita sa picture ano? Galing. Ang simple nung kanin cake, hanggang sa makita mo na may lechon pa at handaan. Ang point lang, pati ba naman sa birthday ay i-scam nyo pa ang publiko? Bakit kailangan may palabas pa kasi?” tweet ni Reyes.
Photo credit to the owner

Sinagot naman ni Bong Go at presidential spokesperson Harry Roque si Gaite.

Simple lunch lang naman talaga. Sila-sila lang pamilya sa munting tahanan niya sa Davao. Ganun naman mag-birthday PRRD. Wala pa ngang bihis. Presidente 'yan. Ayaw n'yo ba pakainin man lang ng pagkain na kinakain naman ng ordinaryong Pilipino kahit saan...kahit man lang sa kaarawan niya? Sa mga bumabatikos kay Pangulo, tingin kayo sa salamin. Mas cute pa ang lechon sa inyo,” sabi ni Bong Go.

"Tingin ko naman utak talangka lang po 'yan. Birthday naman po ng Presidente, 76th, ang importante hindi po magarbo ang selebrasyon," sabi naman ni Roque.


***

Source: News Keener

wokes
Dahil sa ECQ: Albie Casiño tinawag na bobo ang mga bumoto kay Pangulong Duterte

Nagpakawala ng maaanghang na salita ang aktor na si Albie Casiño laban sa mga supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte o mas kilala sa tawag na Duterte Diehard Supporters (DDS).
Albie Casiño and President Rodrigo Duterte / Photo credit IG and CNN Philippines

Sa kanyang Instagram, nagpost si Albie ng selfie kasabay ang caption na may pagbatikos sa ipatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) ngayong darating na Lunes, March 29, sa ilang lugar sa ating bansa.

My face when they said ecq seasons 2. Congrats to everyone who voted nung 2016 sana natutuwa kayo ngayon. vote wisely sa 2022,” sabi ni Albie.
Photo credit: Albie Casiño | IG

Dahil sa kanyang post ay maraming netizens o supporter ng pangulo ang bumatikos kay Albie.

Mayroon din namang sumangayon kay Albie at nagpasalamat dahil hindi raw ito DDS at hindi takot na ilabas ang kanyang opinyon.
Photo credit: Albie Casiño | IG

Mababasa sa ilang komento ng aktor ang maaanghang na salita.

Tinawag din niyang mahihina ang utak at bobo ang mga bumoto kay Pangulong Duterte noong 2016 national elections.
Photo credit: Albie Casiño | IG

Aniya, kung hndi raw binoto ng mga DDS si Duterte ay mas na-handle ng maayos ang kinakaharap na problema ngayon ng ating bansa.

fuck*n retards everywhere. The point is if idiots dint vote for an incompetent president maybe our government would have been able to handle the situation better. If you guys still don’t get it that’s my problem anymore.

Dagdag pa niya, hindi raw naiintindihan ng mga DDS ang kanyang sinasabi dahil mabababa raw ang pinag-aralan ng mga ito.

Y’all probably won’t I mean you guys are obviously mentally challenged and that’s okay, it’s not your fault you guys dint receive a quality education not everyone can afford one.”
Photo credit: Albie Casiño | IG

Sa isa pang komento ni Albie, tila sinabi nito na basta DDS ay bobo.
Photo credit: Albie Casiño | IG


Sa isang komento ng netizen, inamin ni Albie na mula sa oposisyon ang kanyang mga ibinoto at tanging si Vice President Leni Robredo lamang ang nanalo.
Photo credit: Albie Casiño | IG


***

Source: News Keener

wokes Sunday, March 28, 2021
Gwapo at Milyonaryo, naghahanap ng Personal Assistant upang makasama sa paglibot nito sa Buong Mundo

Sa panahon ngayong pandemya, lalong dumami ang nawalan ng trabaho at karamihan ay hindi narin namimili ng  hanapbuhay kahit hindi na naaayon sa kanilang propesyon.Wala rin daw madaling trabaho, at hindi rin madali kumita ng pera.

Ngunit mamamangha tayo sa napakagandang offer ng isang " Binatang Milyonaryo".

Sinu kaya ang hihindi sa trabahong lilibutin ang buong mundo at sasahod ng malaking halaga upang samahan ang napaka gwapong boss.


Si Matthew Lepre, 26 taong gulang, naghahanap ng personal assistant para sa kanyang paglalakbay sa ibat ibang panig ng mundo upang magbigay payo sa paglago ng online business.


Isang napakagandang oportunidad ang ino offer ng binata para sa kanyang magiging personal assistant, ayon sa kanya, sagot nya lahat ng gastusin gaya ng pagkain, air fare at hotel accommodation nito.

lalo pang kamangha mangha ang sahod na kayang ibigay ng binata, sa nagkakahalagang $52,000 o 
humigit kumulang 2.7 milyon pesos sa loob lamang ng isang taon.


Tulad na rin ng ibang trabaho na ating pinapasukan, meron ding mga kwalipikasyon na kinakailangan
 Bilang isang employer, hinahanap ni Matthew ay ang taong mahusay sa multitasking, mag ayos ng travel iteneraries, at sapat na kaalaman sa social media channels, at para sa mga paglalakbay kelangan din ang passport na valid kahit sa isang taon lamang.



“Travelling while I work has allowed me to live my ideal life, and I want to give someone the opportunity to do the same alongside me.” pahayag ni Lepre sa isang panayam.



Ayon sa report ng Daily nag Mail, ang sikreto ng pagiging milyonaryo ni Matthew ay sapagkat sa murang edad nito na 23 anyos ay nagsimula na syang magnegosyo ng e-commerce matapos na huminto sa pag aaral sa kolehiyo.

Sa sipag at tiyaga ng binata, siya ay nagtagumpay sa kanyang negosyo at kumita ng $120,000 o 6.3 milyon pesos sa loob lamang ng isang buwan.

Ang trabahong ino-offer ni Lepre ay tinagurian niyang "coolest job in the world" sapagkat ito ay pamamasyal sa ibat-ibang parte ng mundo ng libre habang ikaw nagta trabaho.

***





Source: News Keener

wokes Saturday, March 27, 2021
Seller nagreklamo, Viral dahil sa mabilis na pagdating ng inorder nitong produkto?

Normal na sa ating mga customer na maging mas masaya pag dumating agad ang kinasasabikan nating order online.

Madalas pa nga ay ikinagagalit pa natin kung matagalan pa ang pagdating ng order nating produkto.

Ngunit kakaiba ang customer na ito na inaway ang seller sa maagang pagdating ng kanyang order, sapagkat inaasahan nya ito tatlo hanggang limang araw matapos nya itong orderin.

Ikinagulat na lamang ni seller sa 3 stars na rating ni customer sa kanyang serbisyo. Agad namang tinanong ni seller ang customer kung anu ang dahilan at 3 stars lang ang rating sa kanila, napag alaman ni seller na ikinagalit pala ng customer ang mabilis na delivery ng inorder nya.

Ibinahagi ni Jace Sarmiento, pangalan ng Lazada online seller sa social media, trending ang kanyang karanasan sa isang customer na naging usapan nila ni customer.

"ok naman products kaya 3 star kasi disapointnent yan- March 19 lang ako nag order pero March 20 dumating. Sana sabihan nyo yungtaga deliver nyo na wag naman agad agad kasi pano pala kung wala ko pambayad nung araw na yon?"

"Kea (kaya) nga Lazada ako nag order kc (kasi) ineexpect na 3 to 5 days bago dadating pero kinabukasan nadala agad...."

Nagpakumbaba at humingi na lamang ng pasensya si Jace sa customer sa abala na dulot ng maagang pagdating ng order nito.



Ipinaliwanag ni seller makikita naman sa apps ang progress ng inorder niyang produkto, at ang deliveries ay hindi hawak ng sellers, kundi ay sa delivery courier.

Ayon naman sa customer ay ngayon lang niya naranasan na dumating agad ang kanyang order kinabukasan, giit pa ni customer mali pa rin na dumating ng sobrang aga ng delivery nila.



Iminungkahi na lamang ni seller na mareklamo nalang si customer sa Lazada admin.



Ayon pa sa seller sa kanyang post ng ito ay mag viral, wala silang intensyon mang maliit ng tao, sa kabila nito hindi pa rin nya ipinost ang pangalan ng customer. Ayon pa kay seller ay malaki pa rin ang respeto niya sa mga customer at pinangangalagaan niya ang privacy nito.

***


Source: News Keener

wokes Friday, March 26, 2021
Lettuce na 20 Pesos isang kilo? Lugi ba ang tindero o panalo?

Sa panahon ngayon, bihira sa mga pangunahing bilihin ang hindi nagtataas ng presyo. Kaya naman ang iilan ay sobra sobra ang pagtitipid mapagkasya lamang ang kanilang budget at maitawid ang pangaraw araw na gastusin.

Ganun din ang mga negosyante, kaya naman malabo ng mapagbigyan ang hiling mong "padagdag naman" sa iyong suking tindahan.

Imahe mula Novy Del Rosario Afidchao | Facebook


Pero isang nakagugulat na Facebook post ang aming natagpuan mula kay Novy Del Rosario Afidchao. Ayon kay Novy, isang grupo ng magsasaka ang kanyang natagpuan sa kahabaan ng 2nd highest point, Halsema Highway na nagtitinda ng mga sariwang gulay o Lettuce.

Ang Lettuce o Green Ice na kadalasang ibinebenta sa mga palengke o supermarket sa halagang 120 - 150 pesos kada kalahating kilo, ay nagkakahalaga lamang sa kanila ng 20 pesos isang kilo.

Imahe mula Novy Del Rosario Afidchao | Facebook

Imahe mula Novy Del Rosario Afidchao | Facebook


Dahil dito, hindi na nagatubili si Novy na bumili dahil di hamak na napakamura nito at mas sariwa kumpara sa normal niyang binibili sa merkado.

Sa kalagitnaan ng pagtitimbang ng kanyang mga binili, nagtaka ito ng maobserbahan ang ginagawa ng mga tinderong lalaki.

Agad niya itong pinahinto sa kanilang ginagawa ng mapansin ni Novy na sobra sobra na ng higit sa isang kilo ang mga gulay na tinitimbang mula sa kanyang orihinal na binili.

Imahe mula Novy Del Rosario Afidchao | Facebook

Imahe mula Novy Del Rosario Afidchao | Facebook


Tila nais at sadya itong ibinibigay ng mga binatilyong tindero kay Novy.

Dinig niya din ang bulungan ng mga ito na ang sabi'y "Awitem iman nan order ma'am santo adim lipatan alaen number nan balasang na adi..."

Para bang nanliligaw ang mga ito sa kasamang dalaga ni Novy dahil kung isasalin sa wikang tagalog ang nabanggit, ang ibig sabihin nito'y,

Imahe mula Novy Del Rosario Afidchao | Facebook

Imahe mula Novy Del Rosario Afidchao | Facebook


"Ibigay muna ang order ni maam saka wag mo kalimutan kunin number ng dalaga."

Masaya pa lang nagbibiruanang mga ito habang nagtitinda.

At dahil dito, binigyan ng mababait na mga binatilyo ng anim na kilong Lettuce si Novy ngunit halagang pang 5 kilo lamang ang pinabayaran nila dito.

Hindi na napilit ni Novy na bayaran ang karampatang halaga nito dahil na rin sa lagay ng panahon kaya sila'y dali dali ng umalis.

Sadyang nakakatuwa na may mga mabubuting loob na tindero ng gulay na nagtitinda sa murang halaga, taliwas sa nakakasanayan nating nagmamahalang mga bilihin sa merkado.

Narito ang buong Facebook post ni Novy: 


Imahe mula Novy Del Rosario Afidchao | Facebook


 Imahe mula Novy Del Rosario Afidchao | Facebook


Source: News Keener

wokes Thursday, March 25, 2021
Seo Services