Mahigit sa isang taon na din ang nakalipas matapos magdeklara ang bansa ng total lockdown dahil sa pandemyang dulot ng C0V1D-10. Ngayon ay patuloy na namang umaangat ang bilang ng mga nagpopositibo sa sakit na ito.
Ito nga lang nakaraang lingo ay hindi bababa sa 7,000 na ang mga naitalang kaso. Na nag resulta upang ideklara ang mas mahigpit na General community quarantine (GCQ) sa ilang mga lalawigan sa bansa. Katulad sa NCR na tinawag na NCR plus.
Patunay ito na kinakailangan na sakabila ng tagal ng pagharap sa pandemya ay hindi dapat mag pabaya sa pag-iingat. Lalo’t walang pinipili na edad ang C0V1D-19 at kahit sino ay puwedeng tamaan nito.
Katulad na lamang ng nangyari sa anim na taong gulang na batang lalaki na naging usap-usapan ang larawan sa socmed. Ayon sa ibinahaging detalye, ang bata ay nahawa sa kanyang ina, na nauna nang dinala sa pagamutan.
Makikita sa larawan ang nakakahabag na pangyayari na mag-isa ang bata at may dala-dalang maliit na bag. Ito ay sinakay sa ambulansya upang madala sa pagamutan.
Tunay ngang nakakapagdulot ng lungkot ang larawan ng bata na walang kasama at buong tapang na nagpakuha upang madala sa pagamutan.
Ayon sa nagbahagi ng post. Ang bata ay kapiling na ng kanyang ina sa pagamutan kung saan sila ay magkasama na ng kwarto.
“He is now staying in the same room with his mom in the hospital and a lot of people sent him some gifts to cheer him up”
Ilang netizens ang nag bahagi ng kanilang komento sa nasabing larawan ng bata.
“God bless you, little boy, and all the children infected by this virus. May the angels keep you company, guard you, and take care of you to full recovery. Prayers to all who are suffering because of this pandemic,”
Ang pangyayaring ito ay paalala rin sa lahat na patuloy mag-ingat at sundin ang mga health protocols upang hindi magkaroon ng virus. Na kung saan ay maaari niyo ring madala o maihawa sa ionyong pamilya at mga mahal sa buhay.
Source: The Relatable
No comments