Librong mula sa 1800s na nagpapakita kung papaano ginagamot ng mga Pilipino ang iba't ibang sakit nang walang Doktor

Ang University of Santo Tomas (UST) Heritage Library ay mayroong 30,000 na sinaunang libro na nagmumula pa noong 15th hanggang 19th century.
Photo credit: Esquire Magazine

Sa isang article ng Esquire Magazine, ipinakita nila ang isang nakamamanghang libro na pinamagatang:  Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga May Saquit (1831) by Simon Andre Tissot.

Ang title page umano ng libro ay punit na at ang mga pahina ay marami na ring sira. Mabuti na lamang at pinayagan sila ng mga librarians na tignan ito at kuhaan ng larawan.
Photo credit: Esquire Magazine

Ang libro ay mayroong Tagalog introduction na:

Sa mangagamot na Tagalog na babasa: Ytong librong quinasusulatan nang manga paraan nang paggamot sa manga may saquit ay gaua nang totoong dunong na tauo na si Tissot ang ngalan, at iquinana niya sa manga may saquit na nagtarahan sa buquid o sa manga nayong malalayo sa bayan.

Marami umanong klase at paraan ng paggamot sa loob ng libro ngunit pumili lamang sila ng iilan na nakakuha ng kanilang atensyon at madaling isalin. Pinanatili rin nila ang spelling ng mga tagalog words.

1. Ang gagauin nang tauo, capag nararamdaman, na siya’y magcacasaquit na
Photo credit: Esquire Magazine

Symptoms: Caya mahahalata nang tauo na malapit na siyang magcasaquit, cun hindi siya malicsi, o masipag na para nang dati, cun nananabang nang pagcain: cun masaquit saquit ang sicmora, cun maraling mapagod, o cun mabigat ang caniyang olo…

Remedy: Capag ganoon ang damdam, ang gagauin niya’y houag titiquim siya nang carne, sabao, o itlog, o alac. Houag siyang magsasaquit gumaua: inomin niya ang bilin sa numero 1, o, 2, ga dalaua o tatlong botella carami maghapon; Cun aayao siya doo’y uminong nang tubig na malacoco na hohologan nang caonting suca. Cun walang suca, ang dalawang botellang tubig na malacoco ay doonan nang caonting asin at yaon ay inomin. Cun baga may roong polot ay mabuting laguian ang tubig nang tatlo o apat na cuchara noon.

2. Ang gamut sa bucol na ang pangalan ng tagalog doo’y Bayiqui o Bayicqui

Symptoms: Cun minsan namamaga yaong dalauang galandulas o bocol na naroon sa piling nang tayinga’t sibang, cun minsan yaong dalaua naming hinihipo sa ilalim nang gitna nang sihang, na galandulas din yaon.
Photo credit: Esquire Magazine

Remedy: Itong saquit na ito ay nauauala pagca pinahiran nang tayom na tinunao sa caunting suca.

3. Ang gagaouin sa manga quinagat nang asong olol cun walang mercurio o asogue

Remedy: Datapoa cun walang mercurio at maliuag naming magpacoha ca sa Maynila, ang gagauin sa quinagat nang asong bang-ao ay gay-on. Pagcaraca huhugasa’t lilinisan ang sugat nang may-saquit nang tubig na malacoco na dinoonan nang asin, nang macoha ang lauay nang asong naca cagat. Saca painomin toloy ang may-saquit nang lana o langis sa castila o langis ng niyog na mabaho man, ga calahating taza carami hanggang siya’y sumuca. Itong pag-inom nang langis, hindi sucat pabayaan, ay siya ang caonaonahang gamut dito.

Saca cun ibig at pumapayag ang may-saquit, ang sugat ay pasoin nang caonting bulac o nang laman ng bonga nang boboy. Cun aayao ang may-saquit na pasoin ang sugat niya’y papasugatin nang isang lanceta o campit o dolo nang gunting man, mangyaring magdugo lamang at doonan ang sugat ng capitol na sungay nang usa, na sinonog, at iuan doon hangan sa siyang cusang malaglag.
Photo credit: Esquire Magazine

4. Gamot sa quinagat nang Poquiotan, Laiwan, Potacti, Amboboyog, Lamoc, o Langao na may camandag

Cun mayroong quinagat na tauo niyong manga hayop na yaon, ang gagauin ay gayon. Bonotin mona o sunquitin nang carayom ang panuca nang hayop saca basaing parati yaong lugar na masaquit nang basahang babad sa tubig lamang o tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao, o tapalan nang tinapay na minasa sa gatas at polot. Banyosan ang may-saquit hangan tohod nang tubig na malacoco. Huag pacanin nang marami cun gab-i. Painomin siya nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao.

Ang lana o langis ng niog o langis sa castila, cun ilahir agad sa lugar nang quinagatan nang hayop ay nacacauala nang pamamaga, pati nang pagsaquit. Datapoa, cun minsan, hindi cailangan gumaua nang anoman doon sa quinagat niyong manga hayop na yaon, at ang saquit siyang cusang nauauala.

Cun baga maraming hayop ang nacacagat, ay sangralan, o conan nang dugo ang may catauan.


***

Source: News Keener

No comments

Seo Services