Mas lalong humirap ang pamumuhay ng bawat isa sa atin dulot ng påndemya na kinakaharap ng buong mundo. Ngunit hindi ito dahilan upang huwag harapin ang mga hamon ng buhay.
Kung ang ilan ay nawawalan ng pag-asa, mayroon namang mga taong hindi sumusuko at patuloy na lumalaban.
Katulad na lamang ng isang lalaking may kapansanan ngunit patuloy parin ang kanyang paghahanap buhay makaraos lamang sa araw-araw.
Si Darwin ay matiyagang naglalako ng kanyang mga panindang alcohol at face shield malapit sa police station ng Barangay Malipa, Maguyam Silang Cavite.
Isang netizen ang nagbahagi ng kalagayan ni Darwin. Siya ay si Jocelyn Hidalgo, ang supplier ni Darwin ng mga paninda.
Sa kanyang Facebook post, nakiusap si Jocelyn sa kanyang mga kaibigan na kung sakaling madaanan nila si Darwin ay bumili sila ng paninda nitong face shield.
Aniya, may kamahalan ang benta ni Darwin ngunit isipin nalang daw na parang tulong nalang ito sa kanya.
"Hello guys. My friends from maguyam lalo na ung mga nagwowork jan. Baka po makita nyo si kuya darwin malapit jan sa may taifini sa may police station. Pakiusap po sa kanya na kayo bumili ng face shield.. Reseller ko po siya.70 pesos bentahan niya.. Medyo pricy. Pero isipin nyo na lang po tulong nyo sa kanya. Nakakaproud po iyan siya. Masipag po sa kabila ng kalagayan at pandemic," sabi ni Jocelyn sa kaniyang Facebook post.
Marami naman ang humanga sa kwento ni Kuya Darwin. Anila, isa itong inspirasyon sa lahat upang mas lalong pang magsumikap sa buhay.
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
***
Source: Jocelyn Hidalgo | Facebook
Source: News Keener
No comments