Tutulungan mo ba ang taong hindi mo kilala? Minsan, kahit na anong hirap ng buhay, may mga tao parin ang nagagawang tumulong sa kapwa kahit na hindi naman nila ito kilala o kaano-ano.
Talaga nga namang nakaka good vibes at nakakatuwa ang makarinig o makabasa ng mga mabubuting gawa.
Sa ating kinakaharap ngayon, marami ang naghihirap sa araw-araw. Katulad na lamang ni tatay Rogelio Tabangcura mula sa Brgy. Nanerman Sto. Domingo, Ilocos Sur.
Si tatay Rogelio ay nakatira lamang sa ilalim ng bubong. Dalawang taon na umano ang nakakalipas ng sirain ng malakas na bagyo ang kanyang bahay. Doon na siya nagsimulang manirahan sa ilalim ng bubong, ang tanging bahagi ng kanyang bahay na natira.
Ang matanda ay isang ring bulag at walang kapera-pera upang ipaayos ang kanyang bahay kaya hinayaan na lamang niya ito.
Sa mahabang panahon ay nagtitiis si tatay Rogelio sa kanyang tirahan. Wala siyang ibang magawa kundi ang umupo at humiga lamang.
Minsan ay dinadalaw raw siya ng kanyang mga kapatid at dinadalhan ng pagkain.
Kaya naman nang makita ni Krishna Tobia, isang Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Washington USA ang kalagayan ni tatay Rogelio, naisipan niyang magsagawa ng fund raising upang tulungan ang matanda.
Nakalikom siya ng $2,000 o P100,000. May mga tao rin umanong nagbigay ng materyales sa pagpapatayo ng bahay ni tatay Rogelio.
Photo credit: Krishna Tobia / ABS-CBN
Photo credit: Krishna Tobia / ABS-CBN
Photo credit: Krishna Tobia / ABS-CBN
Mayroon din mga nagpresinta upang tumulong sa paggawa ng bahay.
Ngayon ay unti-unti ng ipinapatayo ang malliit na bahay ni tatay Rogelio. Mas magiging ligtas at komportable na siya kahit papaano.
Maraming salamat sa mga taong tumulong at nagmalasakit kay tatay.
***
Source: Filipino Guide
Source: News Keener
No comments