Ang mga magulang ay handang magtiis at magsakripisyo para lamang sa ikabubuti ng kanilang mga anak. Anomang hirap ang kanilang danasin ay hindi ito magiging dahilan upang pabayaan ang minamahal nilang mga anak.
Tulad nga ng kasabihan, “Walang magulang ang matitiis ang anak at walang mabuting anak ang kayang tiisin ang kanyang magulang.”
Kaya naman dapat rin nating alagaan at huwag pabayaan ang ating mga magulang lalo na kapag sila ay nagka edad o tumanda na.
Samantala, isang ama ang umantig sa puso ng mga netizens dahil namamalimos na lamang ito sa kalsada upang may makain matapos umanong abandonahin ng mga anak.
Sa video ng vlogger na si Denso Tambyahero, makikita si tatay Eddie Gabriel na nakaupo sa gilid ng kalsada habang namamalimos.
Sinubukan ni Denso na yayain si tatay Eddie na kumain sa Chowking ngunit tumanggi ito at sinabing pagkain lang daw iyon ng mayayaman.
Kwento ng matanda, nagluluto siya ng lugaw sa umaga at iyon narin ang kanyang magiging pagkain hanggang hapon.
Naitanong din ng vlogger kung sino ang kasama ni tatay Eddie. Kwento ng matanda, mag isa lamang siya dahil ang mga anak niya ay nasa Davao at Cotabato City.
Dagdag pa nito, ilang beses narin daw siyang naipost sa Facebook ngunit wala raw magawa ang kanyang mga anak.
“Iniinom ko na lang ang luha ko,” sabi ng mangiyak ngiyak na matanda.
“Pinalaki ko sila pero ngayon nagpapalimos ako. Pinapabayaan nila ako,” dagdag ni tatay Eddie.
Photo credit: Denso Tambyahero
Tinanong ni Denso si tatay Eddie kung gusto raw nitong umuwi sa kanyang mga anak ngunit tumanggi ang matanda.
Aniya, baka raw bugbugin lamang siya ng mga asawa ng kanyang anak.
Sinabi ni Denso kay tatay Eddie na bibigyan niya ito ng pera para makauwi na at makakain.
“Pagpalain po kayo ng mahal na Diyos anak,” sambit ni tatay Eddie.
Makikita rin sa video ang isang babaeng lumapit kay tatay Eddie at nag abot ng plastic na may lamang tubig at pagkain.
Panoorin ang buong video sa ibaba:
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
***
Source: Denso Tambyahero
Source: News Keener
No comments