ALAMIN: Mga nakakamanghang gamit ng pinaghugasan ng bigas

Bago tayo magsaing ng bigas ay tinitiyak natin na malinis na ito kaya kung minsan ay umaabot sa tatlong banlaw ang ating ginagawa.
Photo credit: PH Daily Updates

Ngunit aminado tayong karamihan sa atin ay itinatapon lamang ang tubig na pinanghugas sa bigas. 

Alam niyo bang maraming benepisyo ang tubig na pinanghuhugas natin ng bigas tuwing tayo ay magsasaing?


Narito ang mga nakakamanghang gamit ng tubig na pinanghugas natin sa bigas.

1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha - Ang tubig na pinanghugas ng bigas ay nagtataglay ng vitamins at minerals na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Basain lamang ang bulak gamit ang tubig na pinanghugas ng bigas at imassage ito sa iyong mukha at iwan upang matuyo.
Photo credit: PH Daily Updates

2. Gamot sa sunburn at damaged skin - Ang rice water ay nakakatulong upang mabawasan ang implamasyon at pamumula na dulot ng sunburn. Palamigin muna ito sa refrigerator bago ipahid sa balat gamit ang bulak upang mas maging masarap sa pakiramdam.
Photo credit: Prevention

3. Pampakintab at pampalambot ng buhok - Dahil mayaman sa amino acids ang rice water, nakakadagdag ito ng kintab at lambot sa buhok. Nakakatulong din ito upang maimprove ang volume at tibay ng buhok. Binabalanse rin nito ang PH level ng ating anit.

Photo credit: WikiHow


Matapos mag-shampoo ay ipanghugas ang rice water. Dahan dahang i-massage ang anit at hayaan muna ito ng ilang minuto bago banlawan.


4. Maibsan ang pangangati sa balat / eczema - Ang starch content ng rice water ay nakakatulong na maibsan ang pangangati sa balat. Basain lamang ang bulak o malinis na tela gamit ang rice water at idampi ito sa apektadong balat. Gawin ito ng ilang minuto at hayaang matuyo.

Photo credit: PH Daily Updates


5. Deodorizer - Maaaring gamitin ang rice water na pangtanggal ng amoy sa ating mga kasangkapan sa kusina katulad ng chopping board. 

Photo credit: PH Daily Updates


Ibabad lamang magdamag ang kasangkapan sa tubig na pinaghugasan ng bigas at lagyan ng konting asin upang mawala ang hindi kaaya-ayang amoy nito.



***

Source: PH Daily Updates


Source: News Keener

No comments

Seo Services