Isla sa Bohol kung saan dinadala ang mga pusang ligaw, rerespondehan ng isang grupo ng mga animal lovers.

Isang isla sa Bohol ang sinikap tawirin ng isang grupong kung tawagin ay Bohol Cat Clowders para sa isang misyon. Ang isang maliit na islang ito sa Panglao na kilala bilang Gak-ang Island ang nagsisilbing tirahan ngayon ng mga pusang gala. Ito ang dahilan kaya pinangalanan o tinawag ito ng mga lokal na Cat Island.
Larawan mula kay Lei Xsé

Sa Facebook post ni Lei Xsé, ibinahagi niya ang ginawang pagtulong ng kaniyang grupo sa pamamagitan ng pagpapakain sa mga pusang nakatira dito.

Ayon kay Lei, hindi lang mga pusa kundi mga ligaw na aso rin ang naninirahan sa islang ito. Dagdag pa niya, walang mga bahay o tao na nakatira sa nasabing isla kaya't inaasahan na ang mga pusa at aso ay walang makukuhanan ng pagkain.

Larawan mula kay Lei Xsé
Larawan mula kay Lei Xsé

Pangamba pa ng grupo na ang tanging kanlungan ng mga hayop ay ang mga damo o palumpong lamang sa isla. Kaya naman tiyak na kawawa ang mga aso't pusa kapag dumating ang malalakas ng ulan.

Hindi hamak na kalunos-lunos ang kanilang sasapitin kapag nagkataon, lalo na kung walang laman ang kanilang mga tiyan. Ito ay sasabayan pa ng malalamig na gabi, kaya tiyak na hirap o hindi makakatulog ng maayos ang mga ito.
Larawan mula kay Lei Xsé

Larawan mula kay Lei Xsé

Nang makarating at nagsimula ng maglibot ang grupo sa isla, bumungad sa kanila ang mga aso at pusang halatang kulang sa nutrisyon, iilan pa sa mga pusang ito ay buntis. Bakas din ang takot ng iilang mga hayop ng makita nila ang grupo, samantalang ang iba naman ay tila sabik na sabik sa kalinga at pagmamahal ng isang tagapag-alaga.

Matapos ng maiksing panalangin ay masayang ipinamahagi ng grupo ang kanilang dala-dalang mga pagkain sa mga hayop at kitang kita naman nila ang kasiyahan at kagalakan sa mga ito, na lubos na nagpagaan ng kalooban ng Bohol Cat Clowders.

Ito ang nakasaad sa Facebook post ng ating bida:

"Yesterday,  BOHOL CAT CLOWDERS went to Gak-ang Island in Panglao but it was named by locals as  CAT ISLAND . The stray cats and dogs was thrown there in that small and  isolated island of Panglao. There are no houses nor people living there so it is expected that the cats and dogs don't have foods to eat.Their shelter are bushes and when it rains they get wet. It's really hard to imagine how they sleep while raining and enduring cold nights with an empty stomach.
As we're exploring the island the dogs are malnourished some of the cats are female and pregnant some of them are scared of us but some are sweet and just needing love and affection. We fed them they eat excitedly and you can see how happy they are enjoying their food on that day which makes our hearts melts while watching them.
Sa naay mga maloloy-on na kasing² for these stray cats and dogs we are accepting Donations to raise a fund for them  for their shelters and foods
Your reacts and shares in this post is a big help to reach out more and more people all over the world  . Thank You .. May God Bless us all . Meowk"
Lei Xsé/Facebook

Kaakibat ng Facebook post ni Lei ang video ng kanilang misyon, na makikita sa YouTube link na ito: https://youtu.be/u6PDLF0pnIc

Source: Lei Xsé/facebook

Source: News Keener

No comments

Seo Services