4 year old na bata, ginuhitan ang passport; Tatay na-stuck sa South Korea

Ang mga bata ay totoong mahilig magsulat o gumuhit ng iba't ibang anyo, hugis o larawan na kanilang maisipan.
Larawan mula Weibo

Ngunit minsan ay kung saan-saan na lang nila ito ginagawa. Madalas sa pader, sa semento o sa kahit saang bagay na kanilang makita.

Samantala, ipinakita ng isang 4-year old na batang lalaki ang kanyang talento at galing sa pagguhit….ngunit ang kanyang ginamit na papel ay ang passport ng kanyang tatay.

Sa kanilang family trip sa South Korea, ikinagulat ng tatay ang nangyari sa kanyang passport kung saan makikita ang iba’t-ibang klase ng larawang iginuhit ng bata. 

May iginuhit ang bata na larawan ng mga tao, hayop at kaunting pagmamanipula sa mukha ng kanyang ama. Haneeep! 

Sa kabila ng kanyang talento, nagkaroon ng problema ang kanyang ama dahil mukhang maiiwan ito sa South Korea dahil hindi na makilala ang mukha nito sa passport.
Larawan mula Weibo

Nagbabala rin ang otoridad na baka hindi makasama ang tatay sa flight ng kanyang pamilya pabalik sa kanilang bansa.

Ang passport na larawan ay unang ipinost sa isang social networking site na Weibo ng mismong tatay ng bata na si Chen kung saan humihingi ito ng tulong kung ano ang dapat niyang gawin.


***
Source: Metro

Source: News Keener

No comments

Seo Services