Si Robin Padilla ay isa sa mga kilala at beteranong action star sa Philippine showbiz industry.
Ngunit, sa kabila ng pagiging "badboy" sa industriya ng showbiz dahil sa mga maangas na role na kaniyang natatanggap, mapa TV show man o pelikula, siya naman ay mayroong malambot at mabuting puso para sa mga taong nangangailangan at lalong lalo na sa mga tao na nakasama at tumulong sa kaniyang asawa na si Mariel Rodriguez-Padilla.
Ang mag-asawa ay nagtayo lang naman ng apartment para sa kanilang mga kasambahay. Ang nasabing apartment na regalo ng mag-asawa sa kanilang mga kasambahay ay ipinakita sa YouTube channel ng TV host na si Mariel.
Ayon sa mag-asawa, ang regalo na ito ay isa sa kanilang paraan para ipakita ang kanilang pagpapasalamat at pagpapahalaga sa serbisyo na ibinibigay sa kanila ng kanilang mga kasambahay.
Mahal at malaki ang malasakit nina Robin at Mariel sa kanilang mga kasambahay kaya naman ginagawa nila ang kanilang makakaya para mapasaya at makapagpasalamat sa kanilang mga kasambahay na siyang naaasahan at tumutulong sa kanila sa araw-araw.
Ang nasabing apartment ay talagang gusto ng kanilang mga kasambahay dahil simula nang maglockdown at magkaroon ng pand3miya sa bansa ay hindi na sila naka-uwi pa sa kani-kanilang mga pamilya.
Labis na nami-miss at nais na umanong makita ng mga kasambahay ang kanilang mga pamilya kaya naman hindi na nagdalawang isip pa ang mag-asawa na ito ang siyang iregalo nila para sa mga ito.
Ani Mariel,
"Tonight on my YouTube Channel is something more special. Since the lockd0wn no one has left the house, including our staff. Miss na nila pamilya nila. Ito kwento nila. Kamusta sila ngayong pand3mic. Lahat ng sakripisyo may matamis na kapalit basta magsumikap. Isang pangarap ng bawat tao nakamit nila ngayong panahon ng C0VID."
Ideya umano ni Robin ang pagpapaggawa ng apartment sa Museo Padilla. Ayon kay Mariel, naging mahigpit umano sila sa pagpapalabas ng mga tao sa kanilang bahay simula noong magkaroon ng pand3miya sa bansa para na din masiguro ang kaligtasan ng bawat isa sa kanila.
Ngayon na mayroon ng apartment ang kanilang mga kasambahay, tiyak na makakasama na muli nila ang kanilang mga pamilya kaya naman hindi maiwasan ng mga kasambahay na maging emosyonal para sa regalong ito na handog nina Robin at Mariel.
Ani Jo, isang midwife na mahigit ng tatlong taon na nagtatrabaho sa pamilya nina Robin at Mariel,
"Nagpapasalamat po akodahil napapunta ako sa pamilya nyo."
Saad naman ng isa pa nilang kasambahay,
"Kakaiba po ang naranasan namin dito, hindi namin mararanasan sa iba. Iba po yung ipinapakita ninyo sa amin. Kakaiba po ang pakiramdam. Parang at home na at home po ako dito sa bahay ninyo."
Source: The Relatable
No comments