Nagpaliwang si Bato, Catanduanes, Police Captain Ariel Buraga patungkol sa kanyang viral post kung saan tila sinisisi pa nito si nanay Sonya Gregorio kaya ito binaril ng pulis na si Jonel Nuezca.
Matatandaang kasabay ng viral video, nagviral din ang komento ng hepe at nakuha pang paburan ang pulis na bumaril sa mag-ina.
Ani Buraga, isa umanong lesson na kahit ubanin na dapat matutong rumespeto sa kapulisan.
Nang tanungin ng isang netizen si Buraga kung kasalanan pa ng pin*tay ang nangyari, sumagot ito ng, “Opo.”
Sa isang interview, ipinaliwanag ni Buraga na wala siyang masamang ibig sabihin sa kanyang post.
Aniya, ang punto lamang niya ay dapat respetuhin ang mga pulis na katulad niya.
“Actually, ‘yung dito sa post ko, wala naman akong masamang ibig sabihin dito."
“Ang pino-point ko lang dito is ‘yung sinabi ko dito na ‘lesson learned, kahit na maputi na ang buhok o ubanin na tayo eh matuto tayong rumispeto sa ating kapulisan at mahirap talagang kalaban ang pagtitimpi at pagpapasensya,” sabi ni Buraga.
Dagdag pa ni Buraga, ang pagiging walang respeto umano ni Aling Sonya ang nag triggered sa pamamaril ni Nuezca.
Panoorin ang buong interview sa ibaba:
Dahil sa takot at pangamba ng mga residente, hiningi ni Mayor Juan Rodulfo ng Bato kay Provincial Director Brian Castillo na palitan si Buraga.
Sa sulat ng alkalde, sinabi nitong ipinapakita lamang ni Buraga sa kanyang Facebook post ang pagiging biased sa kanyang kabaro.
***
Source: KAMI
Source: News Keener
No comments