Ibinentang palugi ni Willie Revillame ang kanyang 2018 Range Rover upang may maipantulong siya sa mga biktima ng bagyong Ulysses.
Kaninang hapon sa kanyang programang Wowowin: Tutok to Win, sinabi ni kuya Wil na ipinabenta niya sa kanyang kaibigan ang nasabing sasakyan na nagkakahalaga noong ng P12 million.
Ayon kay kuya Wil, nabenta raw ang luxury car ng P7 million na lamang. Aniya, hindi naman niya ito nagagamit at nasa garahe lang.
Nakakwentuhan rin kanina sa telepono ni kuya Wil si Marikina Mayor Marcy Teodoro.
Sabi niya, “Naisip-isip ko, napakabait ng Panginoong Diyos sa akin. Una na noong pandemya, may trabaho kami, yung aking mga staff, di kami pinabayaan.”
“Humaharap ako sa mga tao minsan na wala akong mask, kasi minsan nakakalimutan ko, awa ng Diyos di ako nagkakasakit.”
"Naisip ko, paggising ko isang umaga, tinawagan ko ang isa kong kaibigan. Sabi ko, ‘I-fastbreak mo nga yung isa kong kotse.”
"Sabi ko, ‘I-fastbreak mo na to.’ ‘Anong fastbreak?’ ‘Kahit magkano na lang?’
“Ngayon kinuha ho, binili sa akin ng P7 million. Aanhin ko yun nasa garahe lang? Sa panahon na 'to, hindi ko kailangan ng ganyan.
“Sabi ko, siguro ito na yung pagkakataon na makatulong ako sa mga kababayan natin ulit.”
Nabanggit din ni kuya Wil kay ay Mayor Teodoro na nagbigay siya kay Catanduanes Governor Joseph Cua ng P5 million para sa mga nabiktima ng Super Typhoon Rolly.
"Ngayon, yung P7 million ho, nandiyan na ‘yan. E, nakausap ko din si Mayor Dennis Hernandez. Sabi ko, ‘Ito na yung pagkakataon na gumawa ka ng kabutihan sa kapwa mo.”
“Sabi ko kay Mayor Dennis Hernandez ng Montalban, ‘Abangan niyo, ia-announce ko.’"
Dagdag pa ni kuya Will, “E, ako naman ho 'to, pera ko naman 'to, ito naman ay pinaghirapan ko, naipon ko naman.”
"Yung P7 million ho na pinagbilhan ng aking sasakyan, thank you at nabenta.
“Mabilisan, e. Kahit na malugi ako. Bale ho, P7 million, dadagdagan ko po yun ng kaunting naipon ko. Magbibigay po ako sa Montalban ng another P5 million at another P5 million sa Marikina.”
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Teodoro kay Willie.
Aniya, “Salamat po, napakalaking tulong na po niyan para sa mga kababayan natin dito sa Marikina.”
Ipinaliwanag naman ni kuya Will na hindi siya nagyayabang sa kanyang mga ginagawang pagtulong.
Aniya, "Sinasabi ko lang ang totoo, baka sabihin nila nagyayabang ako. Hindi ho, totoo ho 'yan. Aanhin ko ang magandang kotse kung marami akong kababayang naghihirap?”
“Kahit magbenta pa ng mga pag-aari na hindi mo na kailangan, I think this is the right time.”
Sa huli, sabi ni Willie, “Ipagdasal niyo lang ho ako na sana tumagal pa ang programa ko para mas marami pa tayong matulungan.”
***
Source: PEP
Source: News Keener
No comments