Maraming lugar sa Luzon ang nalubog sa baha dahil na din sa matinding pag-ulan na dala ng bagyong Ulysses, lalo na sa Metro Manila. Dahil dito, puspusan ang rescue operations na isinasagawa ng mga awtoridad at lokal na pamahalaan para mai-rescue ang mga residente at madala sila sa mas ligtas na lugar.
Ngunit, dahil sa dami ng nangangailangan na mai-rescue at sa taas ng baha, marami pa din ang na-trap sa baha at nangangailangan ng tulong. Kaya naman maraming mga personalidad at may kaya sa buhay ang gumagawa ng sariling paraan para sa gayon ay makatulong sa pagre-rescue ng mga residente.
Isa na nga dito ang influencer at YouTube vlogger na si Donnalyn Bartolome.
Sa kaniyang official Facebook page, snabi ni Donnalyn na siya ay bumili na ng mga bangka para makatulong sa gagawing rescue operations.
Nanawagan din si Donna para sa mga volunteer na marunong lumangoy o mag-sagwan para makatulong sa rescue operation sa Marikina at Rizal. Nangangailangan pa din kasi ang mga awtoridad ng karagdagang tulong para maligtas ang iba pang mga residente dahil hindi sapat ang kanilang mga kagamitan at tao para masagip lahat ng mga residente na nai-stranded sa kanilang mga bubong.
Ayon pa kay Donnalyn, naisip niya na bumili ng mga bangka para mas madami ang magamit sa rescue operations at para na din mas mapadali ang pagsagip sa mga nangangailangan ng tulong na hanggang ngayon ay hindi pa napupuntahan.
Saad ni Donna,
“MARIKINA and RIZAL residents sino ang gusto magvolunteer for rescue? Marunong magsagwan at lumangoy, kahit magbayad ako. I’m buying boats na so let me know asap! 🙏🏻 Need na ng help ng barangays dahil lagi na busy ang lines nila. God help those who need you please please 😭”
“We got big boats in a truck on the way to Rizal and Montalban. Rescuers are complete. Montalban residents rescuers for Montalban and Rizal Chairman will lead rescue for Rizal. They’ll just send proof of proper use ng boats solely for rescuing people and animals. THANK YOU for helping me find rescuers. I don’t know anyone from the areas affected so I really needed it.
Rest your hearts, we’ll get through this.”
Marami naman sa mga netizens ang nagpaabot ng kanilang pasasalamat dahil sa kabutihang ito ni Donnalyn lalo na ang mga tao na galing sa lugar na pinagdalhan ng kaniyang mga bangka. Marami din ang pumuri kay Donna dahil sa kabutihan ng kaniyang puso at pagbibigay ng tulong para maisalba ang marami pang mga tao.
Narito ang ilang komento mula sa mga netizens na nagpaabot ng pasasalamat sa vlogger:
"THANK YOU ATE Donnalyn Bartolome FOR HELPING US MONTALBENOS ESPECIALLY TO Christine Bartolome Dicdiquin AND SA AKING CHAIRMAN Marlo Cruz Lentijas... MGA TAGA MONTALBAN MAY MAGAGAMIT AT MAKAKAPAG RESCUE NA TAYO !!!!!"
"MARAMING SALAMAT ATE Donnalyn Bartolome. God bless you and your family all the more [for] for helping and rescue for the victims of typhoon ULYSSES."
Source: The Relatable
No comments