Kilalanin Si Miss Philippines 1952 Na Isinabak Sa Kauna-Uanahang Miss Universe

Mula pa noon, magiliw na ang mga Pilipino sa pageant o patimpalak, mapa-babae o lalaki man ang sumali. Hindi rin maikakaila na marami ang nagdadaos ng ganito, lalo na kung mayroong pagdiriwang o mga Fiesta

Ngunit, hindi maipagkakaila na ang pinakainaasam at inaabangan ng mga tao, 'di lamang sa Pilipinas kundi sa iba't-ibang bansa ay ang pagtatanghal ng Miss Universe. Binansagan din ang araw na ito bilang "the most beautiful day in the Universe".

Unang idinaos ang Miss Universe noong 1952 sa Long Beach, California. 

Sa post ng isang Facebook Page, Pageanthology 101, makikita ang mga litrato ni Miss Universe Philippines Teresita Torralba Sanchez kasama ang iba pang kandidata ng kauna-unahang patimpalak ng Miss Universe, taong 1952, 68 taon mula ngayon.


Suot nang mga ito ang mga damit na niyayakap ang hulma ng kanilang mga katawan. 

Hindi lamang namangha ang mga netizens sa mga larawang ito, natuwa rin ang mga ito sa mga tila mga bloopers, kung saan tila may disgustong nakatingin sa kaniyang kapwa-kandidata, na umani ng maraming reaksyong 'haha' sa Facebook


Mayroon ring isang litrato kung saan inaayos niya ang kaniyang kasuotan at nakatingin sa kaniyang katabing si Miss Germany na ngiting-ngiti naman sa kamera. 

Sumatotal, 30 kababaihan mula sa iba't-ibang panig ng mundo ang sumali sa paligsahang iyon. Ngunit, sa kasamaang palad, hindi napasama sa Top 10 ang pambato ng Pilipinas na si Sanchez. 

Itinanghal namang kauna-unang Miss Universe si Armi Kuusela ng Finland, na noo'y 17 taong gulang lamang.

Talaga namang kinagiliwan si Miss Universe Philippines Teresita Sanchez ng mga netizens. Marami ang natuwa, marami ang namangha. Mayroon din namang nadagdagan ang kaalaman kung sino ang unang dilag na kumatawan sa Pilipinas para sa tanghalang iyon. 


Source: The Relatable

No comments

Seo Services