Sadyang may mga taong busilak ang kalooban at kahit na gaano kahirap ang kanilang buhay ay hindi parin ito nahuhumaling na gumawa ng masama.
Katulad na lamang ng isang video na kumakalat sa social media kung saan nangibabaw ang kabutihang loob ng isang nagbebenta ng tahong matapos nitong isoli ang P15 milyon na tseke na kanyang napulot sa highway.
Sa video ay ikinuwento ni Marlon Tanael kung papaano niya nakuha ang higit sa P15 milyon na manager’s check.
Kwento ni Marlon, bandang ala-una umano ng hapon ng makakita siya ng isang bag sa gilid ng highway habang siya ay nagbebenta ng tahong.
Marlon Tanael / Photo credit: City Treasurer’s Office - City of Imus
Marlon Tanael / Photo credit: City Treasurer’s Office - City of Imus
Hindi raw binuksan ni Marlon ang bag at hinintay na lamang kung mayroong darating na naghahanap nito. Ngunit pagsapit ng alas-4 ay walang dumating kaya umuwi na siya dala-dala ang bag.
Pagdating sa kanilang bahay ay hindi parin ito binuksan ni Marlon. Aniya, wala siyang interes sa laman nito. Kinabukasan na niya ito binuksan at doon niya nakita ang isang envelope na naglalaman ng P15 milyon na tseke.
“Ang gusto ko pong mangyari ay mabalik po ito sa City Treasurer of Imus City kasi po bukal po ang kalooban ko na maibalik po itong malaking pera,” ayon kay Marlon.
Photo credit: City Treasurer’s Office - City of Imus
Photo credit: City Treasurer’s Office - City of Imus
Tagumpay na naibalik ni Marlon ang tseke na ayon sa Facebook post ng City Treasurer’s Office ng Imus, Cavite, pagmamay-ari ng Property Company ng Friends, Inc.
Narito ang post ng City Treasurer’s Office - City of Imus:
“The City Treasurer's Office of Imus would like to express our deepest gratitude to Sir Marlon Tanael for finding and returning a Manager’s check worth 15 million. The check was later handed over to Sir Gramwil Mark Pango, a representative of Property Company of Friends, Inc.
Again, Thank you sir! God bless and MABUHAY PO KAYO!”
Panoorin ang video sa ibaba:
***
Source: Facebook
Source: News Keener
No comments