Carmina At Zoren, Inaming May Malaking Sikretong Naitago Mula Sa Kanilang Mga Anak


Naalala nyu pa ang nag iisang BB Gandanghari ngayon na mas kilala noon bilang sikat na action star na si Rustom Padilla?


Nagulat ang lahat noong May 2006 matapos ibinunyag ng aktor na sya ay isa palang transgender. Pero bago paman nag bago ng anyo si BB, ay ikinasal muna siya noon sa kanyang dating asawa na si Carmina Villaruel. Ngunit ito ay hindi tumagal, matapos ang hiwalayan nangyari.


Ikinasal naman si Carmina sa gwapong aktor na si Zoren Legaspi. November 2012 noong ikinasal ang dalawa. Ngunit bago sila nag pakasal ay hindi alam ng kanilang kambal kung ano nga ba ang mga totoong nangyari sa past ni  Carmina. 




Isang malaking desisyon ang ginawa nina Carmina at Zoren matapos ibinunyag ang kanilang tinatagong sikreto sa kanilang kambal. 


Habang lumalaki kasi sina Cassie at Mavy ay mas lalong lumalala ang mga balita na kanilang naririnig kaya mas minabuti ng dalawa na sabihin na lang nila sa kambal pagdating ng tamang panahon.



"We wanted to tell them sa tamang paraan at sa tamang panahon. Sa pagkakaalam kasi ng kambal, kasal na kami ni Mina sa isa’t-isa. Tinago talaga namin hanggang hindi pa nangyayari ang matagal ko nang pangako kay Mina. Ayaw din naman naming ma-confuse ang kambal kaya hindi muna namin sinasabi,” sabi ni Zoren habang siya ininterview ng Philippine Entertainment Portal.



Humingi naman ng sign si Carmina sa Diyos kung kailan ba pwedeng sabihin sa kambal ang nais nilang ibunyag.


“Kaya tamang timing lang na nangyayari na ang lahat ng ito sa amin. Parang sign from God na kailangan sabihin na namin sa mga bata. It’s best nga naman na maging open na ako sa mga anak namin–tungkol sa nakaraan ko kesa sa ibang tao pa nila malaman, di ba?” dagdag pa ni Carmina.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services