Mga Magnanakaw, Ibinalik Ang Ninakaw Sa Delivery Man Matapos Itong Humagulgol Ng Iyak


Sa ngayon, parami pa din ng parami ang bilang nga mga customer na nagkakansela ng kanilang orders kaya naman ang mga delivery riders ang lubos na apektado dito.


Sa kabila ng pagdami ng bilang ng mga ganitong uri ng kaso, mayroon pa ding ilang tao na nagpapatuloy sa kanilang trabaho dahil ito lamang ang tanging pinagkukunan nila para sa mga bayarin at pangangailangan sa bahay.


Ngunit nakakalungkot lamang isipin na mayroon pa ding mga tao na pinipiling gumawa ng masama sa mga delivery riders para sa sariling kagustuhan lamang. Katulad na lamang ng delivery rider na ito na ninakawan ng mga magnanakaw.



Ayon sa World of Buzz, ang dalawang magnanakaw mula sa Karachi, Pakistan ay sinubukan magnakaw sa isang food delivery rider.


Ngunit, hindi na nila naituloy ang kanilang intensyon dahil umiyak na lamang sa kanilang harapan ang rider na naging sanhi para ibalik nila ang mga gamit na dapat sana ay nanakawin mula dito.


Sa video na in-upload ng The Express Tribune (@etribune) sa kanilang Twitter account, ang dalawang magnanakaw ay parehas nakasuot ng puting damit. Sila ay nakasakay sa isang motorsiklo nang subukan nilang kuhanin ang mga gamit ng riders.



Ngunit, bago pa man sila makalayo sa lugar na pinangyarihan, ang delivery guy ay umiyak na lamang ng sobra. Kaya naman, binalik na din ng mga magnanakaw ang kaniyang mga gamit.


Maliban pa diyan, niyakap pa nila ang rider, nakipag-shake hands, at tinapik ang balikat nito upang matigil na ito sa pag-iyak.



Sa video, makikita na pinupunasan ng rider ang kaniyang mga luha habang ang mga magnanakaw naman ay ginagawa ang kanilang makakaya upang mapagaan ang loob nito.


Maaaring nakaramdam din ng guilt ang mga magnanakaw dahil malaki ang magiging epekto ng masama nilang gagawin para sa rider.


Sana ay maging isang aral ito, hindi lamang para sa mga magnanakaw kung hindi pati na rin sa lahat ng tao na pinaplanong gumawa ng masamang bagay katulad nito, na hindi kailanman naging mabuti ang pagnanakaw ng mga gamit sa kahit sino.


Dapat din sila ay matuto na magtrabaho ng mabuti at magsipag para makamit ang kanilang mga pangangailangan sa buhay.



Source: The Relatable

No comments

Seo Services