Nahihirapan ka bang matulog sa pagsapit ng gabi? Yung tipong tulog na ang lahat samantalang ikaw ay tila isang kwago na laging mulat ang mga malalaking mata tuwing gabi. Yung paikot-ikot sa higaan na minsan ay nakatunganga at nagbibilang ng mga dadaang butiki sa inyong kisame?
Pwes, kung isa sa mga yan ang iyong senaryo tuwing gabi ay kailangan mo na sigurong magpatingin sa eksperto at malaki din ang posibilidad na mayroon kang tinatawag na “Insomnia” o isang karamdaman na hindi makatulog.
Base sa mga eksperto ay isa sa mga sanhi ng hindi madaling pagtulog sa gabi ay ang pagkabalisa o stress o matinding pag-iisip sa mga bagay bagay sa iyong buhay.
Mayroong mga medisina para dito at ilan sa kanila ay mga antihistamines at mga gamot para sa puso at pagtaas ng altapresyon sa dugo.
Ngunit, alam niyo ba na may home remedy pala para sa mga taong nahihirapan matulog? At tinatawag itong Organic Banana Infused Sleep Remedy.
Ang Remedy na ito ay gawa sa pinakuluang balat ng saging. Ang balat daw ng saging ay diumanoy nagtataglay ng Potassium at Magnesium.
Ang Magnesium daw ay isang element na kung saan ay nakakatulong ito upang maiwasan ang pagpapagising ng ating mga diwa at kapag ang Potassium at Magnesium ay nagpapanatili nito ang relax mode ng ating mga muscles.
Narito ang maikling proseso kung paano gawin ang Organic Banana Infused Sleep Remedy:
* Balat ng Saging
* Tubig
* Cinnamon (optional)
Paraan ng pagluto:
1. Putulin ang magkabilang dulo ng saging at balatan.
2. Ilagay sa kumukulong tubig.
3. Pakuluan ito ng mga sampung minute.
4. Lagyan ng cinnamon kung mayroon upang magkaroon ng masarap na lasa.
Matapos gawin ang lahat ng proseso ay palamigin ito ng kaunti hanggang sa kaya mong inumin base sa init na gusto mo. Hindi mo mararamdaman na nakatulog ka na pala.
Source: The Relatable
No comments