Sa isang panayam ng GMA Regional TV sa aktor na si Michael V, sinabi nito na nararamdaman niyang lubos na ang kanyang paggaling mula sa sakit na CoV1d-19.
Michael V / Photo credit: Inquirer
Sa kabila nito, sinabi ng aktor na kailangan pa ring labanan ang kalungkutan na ating nararanasan ngayong panahon ng pand3mya.
"Right now I think I'm close to a 100% na. 'Yung last na interview ko with Howie Severino medyo nahihirapan pa akong huminga na parang masikip pa 'yung lungs ko. Pero ngayon nakakabawi-bawi na tsaka tuloy pa rin 'yung exercises," sabi ni Bitoy.
Aniya, nakaramdam raw siya ng takot nung tamaan siya ng sakit, lalo na nang mawala ang kanyang panlasa at pang-amoy.
Ngunit dahil sa suporta at pag-aalaga ng kanyang pamilya, pati na rin ang pagdadasal ng mga tao, nalabanan ni Bitoy ang sakit kahit na naka-isolate siya.
"I would say mas naging spiritual ako during that moment dahil du'n sa mga messages na 'yon na pinaparating sa akin ng mga tao," sabi ng Kapuso comedy genius.
Sa ngayon ay nag-aalangan pa si Bitoy na bumalik sa taping alang-alang na rin daw sa kaniyang mga kasama sa trabaho.
Para kay Bitoy, hindi sapat na physically fit lamang ang isang tao upang labanan ang sakit, dapat raw ay mentally at spiritually fit rin.
"Kagaya ng natutunan ko, isa sa mga paraan para matalo itong pandemya is not just to be fit physically kundi mentally din and spiritually," sabi ni Bitoy.
"Hindi naman porke mayroong pandemya, kailangan nang malungkot," saad niya.
"Tayong mga Pilipino, talagang fighters tayo. Kung magtutulong-tulong tayong lahat at kung sama-sama nating gagawin 'yung mga dapat nating gawin para matalo itong mga problema na ito. I'm pretty sure, sandali lang 'yan, maa-achieve na natin 'yung goal natin na 'yun," dagdag ni Bitoy.
***
Source: Balitambayan
Source: News Keener
No comments