Isang lola na mula sa Tennessee, US, ang muntik ng maputol ang kaniyang buong kamay matapos pumasok ang isang flesh eating bakterya sa kaniyang hinlalaki habang siya ay nagpapa-manicure sa isang beauty salon.
Base sa ulat ng Daily Mail, si Jayne Sharp ay nagkaroon ng isang maliit na hiwa sa kaniyang hinlalaki habang ginagawa ang kaniyang kuko sa Jazzy Nail Bar.
Umuwi siya sa kanilang at naramdaman na ang kaniyang hinlalaki ay nagsisimula ng magkaroon ng isang mabilis na tibok na sensasyon na kalaunan ay naging masakit ito. Hindi nagtagal, ang kaniyang buong kamay ay nagsimula nang mamaga.
Inisip ni Jayne na siya ay mayroon lamang sakit, ngunit matapos na hindi siya makatulog nang gabing iyon dahil sa sakit.
Kinabukasan ay nagdesisyon na dalhin siya sa emergency department at siya ay na-diagnose ng isang flesh eating impeksyon na tinatawag na Necrotising Fasciitis (NF), isang bihirang sakit ngunit kapag ito ay tuma ma sa tao ay talagang delikado.
Ang sakit ay nabubuo kapag ang bakterya ay pumasok sa katawan, minsan sa pamamagitan ng isang maliit na sugat at ang pagpapakawala ng katawan ng mga toxins dahil ito ay maaaring dumami. Ang bakterya ay maaaring pumatay sa body tissue at patigilan ang pagdaloy ng dugo sa lugar na iyon at iyon ay dahil nakakalason at mabilis na kumakalat sa iba pang parte ng katawan.
Kung ang taong dumanas nito ay hindi nagamot kaagad ng mga antibiotics o kaya naman ay surgery para matanggal ang mga patay na tissue, ito ay maaaring lumala at maging sanhi ng k4matayan. Minsan, ang pagpuputol sa apektadong parte ay kinakailangan upang mapigilan ang pagkalat ng impeksyon sa mga mahahalagang bahagi ng katawan.
Sa kaso ni Jayne, ang kaniyang diabetes ay naging sanhi para siya ay mas lalong maging malapit sa pagkabuo ng Necrotising Fasciitis.
Ito ay dahil ang diabetes ay pumipigil sa immune system na kung saan ang diabetic na katulad ni Jayne ay hindi gaanong kaya lumaban sa bakterya .
Saad ni Jayne,
“The doctor told my daughter, ‘your mother could lose her life with what we think this is and there’s a likelihood she will lose her arm’.”
“My life took a total turn. I couldn’t even floss my own teeth. I had never heard of such a thing when they told me it was flesh-eating bakterya .”
Matapos ang kaniyang diagnosis, si Jayne ay sumalang pa sa iba't ibang operasyon para matanggal ang naapektuhang balat sa kaniyang hinlalaki at kamay at para mapalitan ang tissue ng skin grafts.
Kahit na siya ngayon ay nagpapagaling na, ang kaniyang kamay ay namamanhid pa din kung saan nahihirapan siyang gawin ang mga araw-araw na bagay na kaniyang ginagawa.
Samantala, ang salon naman na pinuntahan ni Jayne ay nadiskubre na walang problema sa nangyaring annual inspection at ang follow-up inspection matapos ang reklamo ni Jayne.
Source: The Relatable
No comments